Chapter 06

188 15 3
                                    

Chapter 06: Picture

Ken's Point of View

Two days have passed kaya naman ngayon ay nag-aayos na ako para sa camping namin this afternoon, yeah afternoon pa kami aalis ewan ko dun sa Principal namin iba talaga ang trip pano ba naman yung ibang Schools or Universities kapag may activities na ganito maaga umaalis tapos sa amin hapon?

It's only 8:00 in the morning and may time pa naman akong mag-ayos, well sabihin na nating for the past two days medyo busy ako kaya naman nawalan ako ng time para mag-ayos ng mga gamit na dadalhin sa camping. 3:30PM pa naman ang ang alis ng bus na sasakyan namin papunta sa place kung saan kami magka-camping kaya naman marami pa akong natitirang oras.

Erine's Point of View

Kakatapos ko lang mag-ayos ng gamit for our camping mamaya. Pano ba naman for the past few days naging busy talaga ako. Minsan na nga lang kaming nagkikita ni Mom kase kapag uuwi siya ng noon dito sa bahay wala ako kase its either nasa mall o kaya kung saan saan, si Ken kase masyado yatang naging masaya na nagkaroon siya ng kaibigan na katulad kong sobrang ganda at fab kaya ayun kung saan saan ako dinala like Amusement Park, Mall, Museum at iba pa.

It's almost 9:00 in the morning at since tapos na naman akong mag-ayos ng gamit kakain na ako. Pagkagising ko kasi kanina inayos ko agad ang lahat ng gamit kase baka kapag hindi ko pa agad yun gimawa baka makalimutan ko na.

Lumabas na ako ng kwarto ko at dumeretso sa kitchen. Nagtaka ako kase nandito pa si Mom kadalasan kasi maaga siya umaalis.

"Mom himala andito ka pa, si Dad?" Sabi ko agad sa kanya at kumuha ng bread at nutella sa lamesa.

"Aba wala ba munang hello?" Natatawang sabi nito. Well ganyan talaga kami ni Mom parang tropa lang. Ayoko kasi ng masyadong pormal parang ang awkward naman kasi yata kapag ganun kami.

"Bakit nga nandito ka pa?" Sabi ko habang nagpapalaman ng nutella sa 4 na slice ng bread. Omfg! favorite ko talaga to kaya dadamihan ko na tutal minsan lang ako payagan ni Mom na kumain nito kasi daw ang takaw ko sa matatamis baka daw magka diabetes ako.

"Sabihin na lang natin na mamaya pa ang lakad ko at nauna ang dad mo. Don't you miss me?" Tanong nito at akmang yayakapin pa ako kaya naman lumayo na ako sa kanya. "Napakaarte mo." Sabi niya at nag pout pa kaya naman tiningnan ko siya na para akong nandidiri.

"Maganda naman." Sagot ko sa kanya at nagsimula nang kumain. "Oo nga pala Mom, baon ko?" tanong ko habang naka-extend yung left hand ko sa kanya.

"Baon saan?" Nagtatakang tanong niya kaya naman tinaasan ko siya ng isang kilay. "Oh yung para sa mamaya? Camping yun ah bakit kailangan mo pa ng baong pera? Ano mabibili mo sa gubat? Halaman at lupa?" Minsan talaga hindi ako makapaniwala na nanay ko to.

"Siguro may mga madadaanan kaming pwedeng bilihan." Sarkastikong sagot ko sa kanya pero napairap lang siya.

"How much?" Tanong niya sa akin habang kinukuha yung wallet niya kaya naman nagningning yung mata ko. "Oh 2000 okay na yan?" Tanong niya sa akin habang inaabot yung pera kaya naman tumango na lang ako at kinuha yung pera sa kamay niya tutal hindi naman ako masyadong gastadora no.

Tiningnan kong mabuti yung pera na inabot sa akin ni Mom baka kasi niloloko lang ako nun malay ko ba kung play money lang to diba? Pero after ko i-examine hindi naman kaya nagpatuloy na akong kumain.

∞∞∞

Time passed by at nakasakay na ako sa Bus na gagamitin ng University na pinapasukan ko. Yung design ng bus is yung parang sa London lang na may taas kaya lang color Sky Blue. Dito kami umupo ni Ken sa taas para maiba naman. Yes magkatabi kami kase by partners pa rin at ako yung nasa may tabi ng window.

Playboy (REVISING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant