Chapter 08: Sister-in-Law
Erine's Point of View
Two days. It's been two days since I last saw him. I really don't know what to do right now. Hindi naman pwedeng magkulong nalang ako buong araw dito sa bahay. Is it too obvious that I'm avioding him?
After he confessed to me ay tumakbo na agad ako kasi hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko. Hanggang sa makatulog na kami at mag-uwian na, kahit na katabi at kinukulit niya ako nginingitian ko lang siya. I wish hindi niya napapansin na medyo naiilang ako sa kanya. It's not what you think na ngayon lang ako nakaranas nun ah? Pero iba kasi si Ken sa mga nagsabi sa akin na gusto nila ako. He's my friend and ayokong mag-iba yun. Ayoko nga ba? I really don't know. There's a part of me na gusto ko siyang bigyan ng chance pero hindi naman siya nanghihingi diba? And he just said he likes me not love so bakit ako nagkakaganito?
Gusto ko rin ba siya? Nah hindi naman siguro. Nope, wag naman siguro kase baka niloloko lang ako nung lokong yun. Baka mamaya galit pa pala yun sa akin dahil sinabihan ko siya ng pathetic at hindi niya pa yun nakakalimutan kaya gusto niyang gumanti sa akin. Nakakatakot kayang masaktan no. Kahit na hindi ko pa nararanasan sa mga makikita ko sa palang sa movies at drama nakakatakot talaga.
Ang dami na nga niyang text sa akin. I really don't know what to reply kaya naman hindi ko na lang sinasagot at kapag naman tumatawag siya pinapatayan ko na lang.
Makaligo na nga lang muna. I really need to refresh myself. Baka sakaling maging okay ako. Tumayo na ako sa kama ko at nagpunta sa bathroom.
After 15 minutes tapos na akong maligo kaya naman dumeretso na ako sa walk in closet ko at namili ng isusuot. I just get a plain white baggy shirt at isang denim shorts, casual lang tutal wala naman akong balak umalis ng bahay kasi baka bigla kong makasalubong si Ken and I don't want that to happen, not right now hindi pa ako nakakaget-over dun sa nangyare.
Bumalik na ako sa kwarto ko at kinuha yung phone ko at pumunta sa kitchen. Pagtingin ko sa phone ko may 12 missed calls and 10 texts from Ken. Okay? Dami niyang load ah? Puro kamusta at kung gusto ko ba daw magkipag-hangout. And nagulat ako dun sa last text niya, 3 minutes ago lang.
*Are you avoiding me?* Yan yung text niya kaya naman agad akong nagreply ng NO. And after a few seconds nagreply agad siya.
*Thank God you replied. Then bakit ngayon ka lang nag-reply?* Text niya and nagreply naman ako na mapasarap ang tulog ko.
*I don't believe you. For 2 days natulog ka lang?* He texted back. Oo nga pala kahapon ko pa hindi sinasagot yung mga texts, messages and calls niya! Hindi na lang siguro ako nagrereply.
*Is it because of what I said the for past two days? Is it because I said I like you? If you don't like me pwede mo namang sabihin na lang sa akin hindi yung iniiwasan mo ako.* Text niya pa ulit kaya naman nataranta ako kasi hindi ko talaga alam kung ano ang irereply ko.
*Hindi naman kita iniiwasan, I'm just really busy.* I replied.
*Busy? Saan? If you're doubting my feelings, I really mean it. I really do.* He texed back na ikinagulo na naman ng utak ko. I just texted him na wag muna naming pag-usapan yun.
"Erine! Where are you?" Narinig kong sigaw ni Mom sa may living room. Wait bakit nandito sila? Himala yata and I think kasama niya si Dad.
Pumunta ako sa living room at nakita nga sila. I hugged them at umupo muna sa may sofa.
"Maaga kayo ah." Sabi ko sa kanila kaya napatawa naman sila. They both look stressed. Maybe because of their business?
"Yeah pero aalis din agad kami and kasama ka." I suddenly raised my left eyebrow. "You'll know later, just wear this." Dagdag nito at may ibinigay sa akin na paperbag. Tiningnan ko ang nasa loob nito, it's a casual blue dress with a black 4 inch stiletto. I think I know where's this going. I look at them and they just gave me a weak smile. Okay lang naman, napag-usapan na naman namin to and to think na wala naman akong gusto ngayon okay lang. Pero I wonder kung sino, kung kanino.
After a few minutes ay nakabihis na ako and ganun din sila. Agad kaming sumakay sa kotse. Si Dad ang nagmamaneho while si Mom naman yung nasa passenger seat at ako yung nasa back seat.
*Sorry Ken, I don't think there's a chance that we can be together.* I texted him and after that tumingin na ako sa may window.
*What do you mean? Why?* Agad na reply niya pero di ko na lang siya nireply-an.
After 45 minutes nakarating kami sa isang 5 star Restaurant. Bumaba na kami at nag-umpisang maglakad. Yung phone ko puno ng text and missed calls ni Ken kaya natawa na lang ako. Para kaming magboyfriend na may LQ and siya lang yung nag-eefort.
"Mom I'll just go to the comfort room." Paalam ko kay Mom kaya tumango siya.
Pagkapasok ko sa comfort room bigla akong kinabahan. So ito na yun? Hindi man lang muna ako nagkaroon ng lovelife bago ma-engage. Yeah tama yung term na engage. Arrange marriage as what it is. Nasa family na namin yung ganun kaya hindi na ako nagtaka kung pati ako ma-engage sa taong hindi ko mahal. Huminga ako ng malalim at napagdesisyunan kong bumalik na.
Pagkalabas na paglabas ko ng comfort room saktong labas din ng isang familiar na tao sa boys comfort room habang hawak ang phone nito at nakakunot ang noo.
"Ken?" Nag-aalangang tawag ko sa lalaking nasa harap ko. Hindi kasi ako sure kasi blonde yung buhok or should I say dirty white yung hair niya? But when he faced me, si Ken nga. He's looking at me wide eyed. "Blonde?" Medyo natatawang tanong ko habang nakaturo dun sa hair niya.
"What are you doing here? Wait about your text lately, what do you mean by that?" Naguguluhan at natatarantang tanong nito sa akin.
"We can't be together. I'm getting married." I said while giving him a weak smile. His expression suddenly become blank.
"Y-You're what? Getting married to whom?" He asks but I just shrug my shoulders kasi di ko naman talaga alam kung kanino.
"For Pete's sake Kennie what took you so long?!" Biglang singit ng isang babae na mukhang nasa mid-30's na. Napatingin naman kami sa kanya at napatingin siya sa akin na parang inaalam kung sino ako.
"Noona ca-"
"Omy! You're Erine right? It's really nice to meet you!" Sabi nito sa akin at niyakap ako. Ehh? ano meron? "So magkakilala na pala kayo ng kapatid ko?" Tanong nito sa akin kaya naman tumango na lang ako. Kapatid niya si Ken?
"Noona what do you mean? She's my schoolmate and why do you know her?" Nagtatakang tanong ni Ken.
Inalis na nito yung pagkakayakap niya sa akin at nagulat kaming dalawa sa sagot niya "Of course I know her! She's my soon to be sister-in-law and the one who'll bear my niece and nephew someday!"

ESTÁS LEYENDO
Playboy (REVISING)
RomanceWhat would happen if a playboy met a girl who's indeed very different from the girls he used to flirt with? Would he considered her a challenge or a threat?