Chapter 07: How Come?
Erine's Point of View
It's our second day here. After lahat ng students magpakita ng pictures at i-explain kung bakit yun yung napili nila ay sinabi na kung sino yung nanalo. And surprisingly was me and Ken. After nun ay sinabi kung ano yung prize, actually akala ko kung ano yung prize yun pala foods lang pero hindi basta foods, may desert pa kaya naman saya saya ko nun. Yung ibang students usual foods lang yung kanila. Medyo awkward nga nung kami lang ni Ken yung nasa iisang table. I don't know why pero bigla akong nailang sa kanya after nung sinabi niya. Hindi rin naman niya ako kinausap after nun kaya mas lalong awkward. Para kaming tanga na patingin tingin kung saan tapos kapag nagkatinginan iwas agad. Hanggang sa matapos kami kumain at makatulog na hindi pa rin kami nakapag-usap.
It's just 7:30 in the morning and maliligo na sana ako nang biglang sumulpot sina Jina, Urise at Kathy sa harap ko. Yung dalawa ngiting ngiti sa akin tapos si Kathy naman parang umiiwas ng tingin.
"Erineeeee!" Bati sa akin nina Jina at Urise at niyakap ako.
"Miss me?" Natatawang tanong ko sa kanila kaya naman tumango silang dalawa habang yakap pa rin ako. Si Kathy tahimik lang sa likod na parang umiiwas talaga.
"Are you dating Ken?" Out of the blue na tanong ni Kathy na ikinagulat ko. Si Jina at Urise naman tumigil na ng pagyakap sa akin.
"Oh my! Oo nga are you and Ken together?" Excited na tanong sa akin ni Urise habang tumatalon talon pa.
"Yah Erine! So kayo nga? Nawala lang kami saglit kayo na agad ng kaaway mo nung first day mo sa school ah!" Pang-aasar naman ni Jina sa akin na ikinatawa ko.
Naaalala ko pa yung araw na yun. Inis na inis talaga ako sa Kenneth na yun tapos sinabi ko pa na hindi pa kami tapos. Sino mag-aakala na magiging magkaibigan kami nung uling na yun ng wala pang isang linggo? Akala ko mag-aaway kami ng mag-aaway sa University yun pala magiging partners kami at magkaibigan.
"Grabe Jina!" Natatawang sabi ko sa kanya at hinampas siya kaya naman nagtawanan kami maliban lang kay Kathy.
"So ano gagawa na ba kami ng fansclub ng Kenrine?" natatawang tanong ni Urise sa akin na ikinatawa ulit naming tatlo.
"Sira! Fansclub agad? At bakit Kenrine?" Ang pangit pakinggan naman nun and bakit kami ishiship? Hindi naman kami.
Magsasalita pa sana si Jina nang biglang sumingit si Kathy. "Can you please just answer my question Erine?" Sabi nito na may halong inis ang tono kaya naman napatingin kaming tatlo sa kanya.
"We're just friends." Nakangiting sagot ko kay Kathy. After I answered her question bigla na lang siyang umalis kaya naman nagtinginan nalang kami nina Jina at Urise.
"Maybe she still love Ken." Umiiling na sabi ni Jina habang nakatingin kay Kathy habang papalayo. "Pero seriously Erine friends lang? What about dun sa explanation niya kagabi?" Takang tanong ni Jina sa akin. I just shrug my shoulders meaning hindi ko rin alam ang sagot sa tanong niya.
"You two didn't talk about it?" Seryosong tanong naman ni Urise sa akin.
"Nope. Hindi na kami nakapag-usap after that." Sabi ko na lang sa kanila kaya naman tumango na lang sila.
"Wait nakaligo ka na? I know may falls dito and pumayag naman sina Sir Law kaya ano tara?" Excited na tanong ni Urise sa amin.
"Wala akong isusuot." Sabi ko sa kanila kasi naman puro jeans and pajamas yung dala ko walang shorts.
KAMU SEDANG MEMBACA
Playboy (REVISING)
RomansaWhat would happen if a playboy met a girl who's indeed very different from the girls he used to flirt with? Would he considered her a challenge or a threat?