Eight: Unexplained

27 0 0
                                    

Chapter 8:Unexplained

"Okay. Turn left.. nice. Mabilis ka naman palang matuto eh. But, you know, you can't drive a car running 30kph in a highway, princess."

"Papa naman. Syempre naman hindi pa ako magd-drive sa highway. Nagpa-practice pa nga lang ako eh."

Kaka-park ko palang ng kotse ko. Hahaha, nakakaproud namang sabihin yung kotse KO. hihi. Di ko padin kasi talaga maisip na may kotse na ako. And who would have thought that a beginner will drive a BMW?

Anyway, kakapark ko lang sa garahe namin. Mahirap din ang parking. Lalo na kung ang parking space ay napagigitnaan ng dalawang kotse. Mahirap mag-tantsa, baka makabangga pa ako. Magagasgasan yung kotse ko, hirap na.

"So, what are we gonna do now?" Sunday na ngayon. Kakauwi lang namin ni papa from 'driving lessons' kuno. Medyo natuto na ako compared kahapon. Muntik pa nga ako maka-bangga ng tumatawid na aso eh. Kasi di ko agad naapakan yung break.

"Dinner? Gutom na ako eh."

"Okay, i'll cook." My papa's good at kitchen. Proud daughter here!

Pumunta na kami ni papa ng kitchen. Sabi niya ipapatikim niya daw ang Chef Sebastian's Pacham. Pa-chamba daw sabi niya. Boring daw kasi dito dati nung wala pa ako kaya ayun, nag-experiment siya ng kung ano-ano sa kusina. Pinapanood ko lang si papa mula sa counter habang paikot-ikot siya sa kusina. Kumakanta pa ng All out of love, tapos yung apron niya, violet na floral. Ang cute tuloy ni papa.

"Andrea?" Out of the blue, nagsalita si papa. Hindi talaga sanay si papa sa katahimakan oh.

"Yes, pa?" Sagot ko kahit na hindi nakatingin sa kanya. Naglalaro kasi ako sa phone ko.

"Kamusta naman sa school mo?" Napahinto ako sa pag-tap sa screen. Nag-flashback tuloy bigla sa akin yung nangyari nung friday. Naalala ko din yung first day ko. Naalala ko si Lucas, Alice pati si Levi. Naalala ko yung grupo ng mga gangsters. Naalala ko yung schoolmates kong akala ko eh puro pag-aaral lang ang inaatupag, hindi pala lahat kasi yung iba ay tumatambay sa bar tuwing friday ng gabi. Siguro 4 out of 10 lang ang matino. Paano ko nasabi? Basta, maniwala nalang kayo.

"Okay lang naman, pa." Yes, papa. Okay lang kasi pwede akong ipatapon sa jupiter ng mga gangsters kong schoolmate lalo na yung Lucas na 'yon, pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo.

"Kwento ka naman." Inilagay ni papa sa isang bowl yung niluto niya at nilapag sa dining table.

Dapat ko bang sabihin? maiintindihan naman niya siguro kasi papa ko siya di'ba? Eh kaya lang paano kung OA mag-react si papa at biglang mag high blood?

"Uh.. I-I have a friend there." huminto sa paghahain si papa sa lamesa at lumingon sa akin saglit bago siya nagpatuloy sa ginawa niya.

"a friend? what's her name?" Lumipat nadin ako ng upo sa dining table. 8 seats, pero sa gabing ito sa mga susunod na mga araw, dalawa lang ang okupado. Great, Andrea. Distract yourself.

"Her name i-is A-alice." Why am I stuttering? Hindi naman ako nagsisinungaling ah?

Kasi hindi mo masabi kung ano talaga ang gusto mong sabihin.

Stop talking, conscience. Oo na, guilty na ako.

"Alice?"

"Alice Frost." Umupo nadin si papa sa harap ko at mukhang interesado talaga siyang magkwento ako.

"Frost?"

"Yes. You know her, pa?"

"Uh, no. So, tell me about her." What will I say? She's a gangster and she has an assh*le bro? I think no.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Painful OptionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon