Five: Behind Those Words

59 1 0
                                    

Chapter 5:Behind those words

Mabilis na lumipas ang araw. Parang kailang lang, na-encounter ko pa yung dalawang grupo ng gangster na 'yon. Di ko akalain na aabot pa ang ako ng friday ng walang nangyayaring masama sa'kin. Pero gano'n pa man, Hindi ko padin magawang magpasalamat dahil hindi ako napapahamak. Hindi ko alam, pero iba yung pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay may mali. Physically, I not disturbed. But something that I don't know yet is bothering my mind.

Si Lucas. Nung unang araw ko dito ay nakipagsagutan ako sa kanya. Sa harap ng maraming tao. Sa harap ng tauhan niya at kaaway niya.At sa klase niyang tao, hindi niya hahayaang may umapak sa ego niya. Siya yung tipo ng taong maghihiganti. Hindi sa gusto kong masaktan, pero nakapagtataka dahil wala siyang ginagawa sa'kin. Oo, natatakot akong masaktan. Pero mas ikinatatakot ko ang bagay na bigla nalang mangyayari, lalo na't wala akong ideya kung ano yon. Yung mga bagay na mas malala sa pisikal na sakit. May iba ba siyang plano? O masyado lang akong nagiisip ng masama?

Si Levi. Hindi ko naman alam kung anong problema niya. Para siyang kabute. Minsan, bigla ko nalang siyang makikita nakatitig sa akin. Malayo lang siya. But I can see that his two bored-looking, hazel brown eyes are staring back at me. At sa tuwing mahuhuli ko 'yon, bigla nalang siyang iiwas ng tingin at mawawala nalang sa paningin ko. Ano bang problema niya?

Sa pheriperal vision ko, nakikita ko ang mga taong sinusundan ako ng tingin. Nakakatawang isipin dahil tinatanong ko ang sarili ko kung 'ano bang meron?' Pero hindi ko naman talaga alam ang sagot. Pakiramdam ko ay any moment, mamamatay ako dahil sa mga matalas nilang tingin kung posible man 'yon.

"Ay!" Okay na eh. Okay na sana, kung hindi lang ako napatid ng mga nakasalubong ko. Buti nalang at nasalo ako ng kasama niya at hindi ako napadive sa lupa. Pero natapon naman sa damit ko ang juice na hawak niya. Great.

"Sorr-" napatigil ako sa pagso-sorry nang makita ko silang palihim na nagtatawanan. Err, powerpuff girls? Totally spices? Maria Leonora Teresa? Hindi ko alam kung anong tawag sa kanila. Basta ang alam ko lang, sila ay tatlong babaeng tinubuan ng coloring book ang mukha. Mga stylish at maaarteng babae. Tss. Mukhang sinadya naman nila. Bakit kaya nagkalat ang mga taong walang magawa sa mundo? Eh kung nagpakamatay nalang kaya sila para naman mabawasan ang mga walang silbing tao sa mundo?

Tumalikod na ako sa kanila dahil wala naman akong mapapala dito. Pero di pa man ako nakakalayo ay hinila na ako nung babaeng kulot ang buhok at mistulang regalo dahil sa laki ng pulang ribbon sa ulo niya.

"Where do you think you go?" Ay hayup si ate. Lakas maka-english, wrong grammar naman. Napaghahalataang 'social climber'. Yung tipong pupunta ng starbucks tapos pipicturan yung binili niya na akala mo eh ngayon lang nakatikim ng kapeng 195 pesos. Yun. Social climber nga tawag doon.

"Oh? Bakit ka nakatingin?" Masyado na pala akong nag-iisip at 'di ko napansing nakatitig na ako sa kanya.

"Ah,wala." Pinilit kong kumalas sa pagkakahawak niya. Wala kasi akong mapapala dito. Masasayang pa ang oras ko. Isa pa, gutom nadin ako eh.

"Ano, tatalikuran mo kami? 'Kala ko ba matapang ka?"

"Baka naman tapang-tapangan lang?" Nakisabat naman yung isa sa mga babae at nagsalita nadin yung isa pa nilang kasama.

"Aah, baka naman bago ang strategy. Ngayon nagbabait-baitan naman. Hindi siguro gumana yung tapang-tapangan niya."

Parang biglang nagpanting ang tenga ko sa sinabi nila. They're judging me without even knowing me. Sumusobra na 'tong mga 'to eh. Humarap ako muli sa kanila.

"Oh bakit lalaban ka? Bakit? Ano bang ipinagmalaki mo? Isa kang De Vera? Eh kawawa nga ang parents mo dahil nagkaroon sila ng bitch na anak na gaya mo eh!" Sabi no'ng chinitang babae habang dahan dahang lumalapit sa'kin.

Painful OptionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon