Two: Maviell University

117 2 0
                                    

Chapter 2: Maviell University

*MONDAY*

Nakaharap ako sa salamin habang suot ko ang uniform ng Maviell University. Okay. Ready na ako para sa first day ko. Ready na nga ba ako? Medyo kinakabahan ako eh. Kasi naman wala pa akong kilala doon eh. Tsaka, hindi ko alam kung anong klaseng tao ang makikita ko don.

Napatingin ako sa pintuan ko na nagbukas ng marahan. Si Auntie Jane pala. "Andrea, handa na ang breakfast."

"Sige po Auntie. Susunod na po ako."

Inayos ko ang necktie ko at kinuha ang bag ko. Kailangan ko munang pakalmahin ang sarili ko. Sabi nga, mas lalong magugulo ang mga bagay kung mangingibaw ang kaba mo. Relax lang dapat.

Go Andrea! Kaya mo yan!

Sumunod nadin ako kay Auntie Jane sa pagbaba.

"Good morning, Princess. How was your sleep?"

"It was fine, Pa."

"Sige na, kumain ka na. Hihintayin nalang kita sa kotse, okay?"

"Yes, pa."

Naglakad na si papa palabas. Sinimulan ko naman na ang pagkain dahil medyo excited na ako sa pag-pasok ko kahit na wala akong kakilala doon. Okay lang naman sa akin. Andoon naman ako para mag-aral, hindi makipag-pasosyalan sa mga studyante doon. Sabihin na nating, Isa sa mga sikat na negosyante sa Spain ang mom at dad ko, Pero hindi ako katulad ng mga anak mayaman na mga mayayabang. Pinalaki nila kami ni kuya ng may magandang manners.

Agad akong pumunta sa garahe ng matapos ako kumain. Nagpaalam nadin ako kay auntie Jane.

"Ready?" tanong ni papa nang makasakay ako sa passenger seat ng kotse niya

"Of course, i'm always ready."

"That's my girl." ginulo ni papa ang tuktok ng buhok ko. Buti nalang at hindi ako naglagay ng kahit anong kaartehan sa ulo ko.

Pina-andar na ni papa yung kotse niya at nagsimula nadin kaming magkwentuhan ng kung ano-ano.

"Princess, kailan mo ba gusto magka-kotse?"

"As soon as mapapayag na natin si mama."

"Pano kung sabihin kong pumayag na ang mama mo?" napatalon ako sa upuan ko kung posible man yon dahil sa narinig ko kay papa.

"Talaga ,pa? pumayag na si mama?!"

"Syempre joke lang. HAHAHAHA!" napasimangot naman agad ako. Akala ko pa naman ay pumayag na si Mama. Si papa talaga, kung makapantrip sa akin, akala mo teenager.

"Ano ka ba, wag ka nga sumimangot jan. Nakausap ko na kagabi ang mama mo. Syempre tutol siya, pero mukha namang mapapa-oo natin siya. Konting suyo pa." agad namang nawala yung simangot ko.

"I love you talaga papa!"

"Alam ko na yan. Wag ba mang-bola." Tumawa nalang ako sa sinabi niya.

***

Huminto ang kotse ni papa sa parking lot ng school. Ang gara talaga. Galing na kami ni papa dito kahapon para maging familiar ako sa bawat sulok ng university na ito. May malawak na soccer field, pool area at gymnasium. Pero mas nakakamangha padin ang dalawang building 'na konektado sa isa't-isa. Para itong twin tower. Grabe, hanggang ngayon naamaze padin ako dito.

"Dito ako nag-aaral nung college ako."Napalingon ako kay papa na nagsimulang magkwento . "Dito ko din nakilala ang mommy mo. Ayokong maging boring ang buhay mo at ilulong mo ang sarili mo sa pag-aaral ng business. I want you to learn, learn and learn about everything that goes around the earth. And be brave whatever you are facing, lalo na kung nasa tama ka. Why not fight for it? Don't forget my princess, You're strong. " Napangiti ako sa pangaral sa'kin ni papa. Kahit kailan ay hindi ako magsasawa na makinig sa kanya.

Painful OptionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon