Three: Guts and Fear

65 2 0
                                    

Chapter 3: Guts and Fear

I walk towards him as if I didn't see the other group. I walked with confidence. Hanggat kaya ko, pinipigilan ko pa yung sarili kong saktan siya. Huminto ako sa harap niya.

"Good. Marunong ka palang sumunod eh."

"Ano bang gusto mo, ha?" My jaws are clenched while talking. Nakakagigil talaga yung pagmu-mukha nito eh. Humakbang siya papalapit sa'kin at bumulong.

"Kiss me. Kiss me in front of everybody. Show them that I can get a girl easily. Don't worry, I'll give you anythi- Sht! ano ba?!"

Lahat sa paligid ay nagulat. Pati siya. Syempre, sino ba namang hindi magugulat kung bigla-bigla ka nalang masusuntok. Yep, I punched his faced. Nakakabastos yung sinabi niya eh. Anong akala niya sa'kin? I ain't like the other girls. Ibahin niya ako. Teka wait lang di pa ako tapos.

Umatras ako and I make sure that everyone around here is getting a clear view of me.

"Everyone, listen! This man asked me to kiss him." Nagsimulang magbulungan ang tao. Pagtingin ko sa kanya ay namumula siya, nanlalaki ang mata. pfft.

"He said that he wanted to know what it feels to be kissed. Naiinggit daw kasi siya sa mga romantic movie. Ang he said he wanted to be kissed by a Goddess." Nagtawanan ang mga tao. Ha! oh ano ka ngayon?

"H-hey! that's not what I said! I-i said that.. that.. She-" so defensive, dude. I cutted what he was saying.

"Oh, and one more! He asked me kung naniniwala daw ba ako sa Love at First Sight. Tinamaan daw kasi siya agad sa'kin eh. " lalong tumawa ang tao sa paligid.

"FCK! STOP LAUGHING KUNG HINDI SASAMAIN KAYO SAKIN!" huminto din naman ang tawanan. mga masunurin. tsk. takot lang kasi. This time, mas madilim na ang mukha niya. Na-pikon ata. Eh yun naman ang plano ko eh. Ang mapikon siya.

Some part of me is scared. Baka pumapatol pala talaga sa babae 'to. but some part is satisfied. That's my revenge and it was successful.  He stared walking towards me. I took two steps backwards. Uh-oh.

Bago pa siya tuluyang makalapit sa akin ay lumapit sa kanya ang isang babae. Maganda siya. Maputi. Mukha ngang foreigner eh. Lalo pa siyang pumuti dahil sa itim niyang pananamit. At parehas sila ng mata netong lalaking panget na kausap ko. Deep eyes.

"Don't do anything, Lucas. She's the new girl. She does not know anything."

Ano daw? wala akong alam kase bago lang ako. Eh ano nga bang hindi ko alam? Hinarap nung Lucas yung babaeng kumausap sa kaniya.

"Why, Alice? Naaawa ka nanaman ba, kaya mo pipigilan ang pwede kong gawin? Ipagtatanggol mo ba siya? tsk.That's why father is always disappointed with you."

Dumilim yung mukha nung tinawag ni Lucas na Alice. Tumingin siya sakin. Ano bang nangyayari? wala na akong naiintindihan eh.

Nagpamulsa si Lucas at bumuntong hininga.

"You're useless, Alice." Pumikit si Alice. Masyadong masakit ang sinabi sa kanya ni Lucas. You're useless..

Lumapit sa akin si Alice at hinawakan ang pulso ko. Akma na siyang lalakad at hihilain ako. hinigit ko ang kamay ko pero hindi niya padin ito nabitawan.

"Come with me." Mahina niyang sabi.

"Why?" tanong ko.

"'Cause she's gonna tell you everything and warn you to watch what you are doing. Right, Alice?" Si Lucas ang sumagot sa tanong ko.

Pumikit lang ulit si Alice at humigpit ang pagkahawak niya sa pulso ko.

"Please let's go." pakiusap niya sa'kin.

Painful OptionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon