Chapter 1

79 9 5
                                    

"Okay everyone. Class dismissed." Sabi ng Filipino Teacher namin.

"Bye Sir!" Bati naman namin pabalik.
Recess time na kaya naman unahan na kaming bababa papunta sa canteen. Bibili na kasi kami. Kami? Sila lang pala. Buraot tayo eh.

"Val, bili ka ng C2. Tig-iisa tayo." Sabi ni Sam. Sanaol gold.

"Hoy bakit isang libo? Di ba uso sayo yung barya kang sa umaga?" Sabat ko nang magbigay sya ng pera. Yung bagong 1000 bill pa talaga ha.

"Keep the change na ba ito, Sam?" Sabi ni Kaye. Kayleigh talaga full name nyan. Hirap iprounounce eh di Kaye nalang. Mapera din naman ito eh. Kaso nag iinvest daw sya para sa album.

"Hoy hoy hoy! Anong keep the change?" Bulyaw samin neto. Astig namin eh. Walang pake sa paligid.

"Beb, anong gusto mo?" Siniko ko muna si Sol. Tutok kasi sa Cp nya. May kachat nanaman ito. Hay Soleil.

"Ah yung Yakult nalang" sabi nya. Ineexpect kong makikipagchat sya ulit.

Pero unexpectedly ay nagpatugtog ito. Matutuwa na sana ako. Ang ganda na ng intro eh. Kaso lang-

"Punta 'ko sa palengke doon sa gulayan" Napatingin kaagad kami ni Kaye.

"Mayro'ng cute na tindero, ang pangalan ay Juswa" Napaubo naman si Sam.

"Inalok n'ya 'ko ng kanyang tindang talong"

"Hoy Sol anubaaa" Pilit inaagaw nini Kaye yung Cp

"Mataba't mahaba, tiyak ako'y busog"

Habang nagpapatugtog ay nakita kong papalapit na ang Group of friends ng crush ni Kaye. Gwapo nga red flags naman. Duh.

Expected na lalapit na sila sa table namin. Siksikan na nga kami dito eh.
"Kaye, bili ka nga drinks natin." Sabi ni Dylan. Famous Rich boy sya kasi matalino. Super yaman laging nanlilibre pero asahan mo na nung tons of commands. Lagi nyang kasama ang mga katropa nya.

"Nuka Gold?" Pagtanggi nito. Si Kayleigh? Tumanggi sa libre? Aba miracle.

"Sige na Kaye. Please?" Pakiusap ni Liander Joshua.

"Hays sige na nga. May magagawa pa ba ako?" Walang choice na sabi ni Kaye. Nagplease ba naman si Crush.

"Ahem ahem" We faked a cough. Then laughed.

"Ang bilis ng panahon noh? 16 na tayo." Biglang sabi ni Sol.

"Oo din. Kaso si Kaye eh kinse palang. Kinse mumints." Sabi ni Sam na syang nagpatawa sa amin.

"Ganyan ba effect kapag nagsweet 16 ang bitter?" Sagot ni Kaye na nakabusangot na.

"Oo din" agree ko nalang dahil ang sakit na ng tiyan ko kakatawa.

"Dito na kami uupo." Sabi ni Gef. Isa sa katropa ni Dylan.

Ang kakapal talaga ng mga mukha netong mga toh.

"Ano baon mo for lunch?" Tanong sakin ni Dylan.

"Uhh nuggets. Why?" Sabi ko naman.

"Hulaan ko Gef, Canton niluto mo noh? Di ka nag-order sa Canteen eh." Hula ni Sol.

"Hoy paano mo nalaman? I didn't know that I had a stalker."  Sabi nya sabay taas baba ng kilay.

Sol just laughed instead of getting irritated.

My Upturned Life With YouWhere stories live. Discover now