03

72 2 0
                                    

Meet him

Lena's POV

Pabalik balik si sir Mark habang nakakunot ang noo at malalim na humihinga. "Sigurado ka na ba talaga dyan sa desisyon mo na yan Lena?"

Nakapamewang si sir Mark at nakatingin sa akin. Nasa office nya kami ngayon, kinausap sya kanina ni tita Grace at sinabi yun tungkol sa job na inooffer nya. Kaso si sir mukhang hindi kumbinsido eh.

"Oo nga! Bakit parang hindi ka pa masaya? Eh napaka laking oportunidad na 'to para sa akin ah!" Napatawa ako.

"She's making you her son's nanny and you're asking me why?"

"Excuse me sir. Correction! Hindi po nanny, kundi personal assistant slash bodyguard." Pagtatama ko sa kanya.

Nagpokerface sya sakin at itinaas ang kilay. "It's the same."

"No it's not."

"It is."

"Hindi nga eh."

"Whatever. It's still the same anyway. Magiging alalay ka lang ng anak nya, and it's not okay with me."

"But it's okay with me! Bakit ka ba kasi ganyan ah?" Naiirita na ako. Bakit ba kasi hindi nalang sya maging masaya para sa akin? Oportunidad ko na 'to para at least mabago ang buhay na meron ako ngayon, para matupad ko ang pangarap ni nanay para sa akin tapos sya pa ang galit? Wow lang ah.

"Sabi mo kaibigan kita diba? Hindi ba dapat maging masaya ka para sa akin? Pero hindi, sinisiraan mo pa si tita Grace! Sya na nga yun tumutulong sa akin tas sasabihan mo pa sya na baka niloloko lang ako? Can't you be just happy for me? Please?"

"Lena.. I-I-"

"At tsaka aalis ka naman diba? Hindi mo na naman ako makikita at hindi na rin kita makikita pa, kaya wag mo nalang akong pakielaman. Salamat nalang sa lahat. Sige po, alis na po ako." Hindi ko na sya tiningnan pa at lumabas na ako ng office nya.

Nakakabadtrip talaga sya! Bakit ba kasi hindi nalang sya maging masaya para sa akin diba?

Naiirita ako sa kanya pero at the same time nalulungkot ako dahil aalis sya. Aalis rin naman ako kaso pakiramdam ko mas masakit na sya yun aalis dahil parang lumabas na rin sya sa buhay ko. Parang iiwan nya ako. Katulad ng pagiwan sa akin nina nanay at tatay. Ngayon naman sya.

Bakit ba lahat ng mahalaga sa buhay ko iniiwan ako?

"Hoy Lena aalis ka na daw? Aalis ka na rin?"

"Ah oo. May nagoffer sa akin na trabaho eh. Maganda syang opportunity kaya tinanggap ko na. Hehe!"

"A-aray!"

"Mamimiss kita kulit!" Niyakap ako ni Belle ng pagkahigpit higpit. Mamimiss ko rin sya.

"Group hug! Waaaaaaaaah!" Niyakap na rin kami ni kuya Philip.


"HERE." nginitian nya ako at ibinigay yun susi. "You can use the key but then, there's a code-lock on the door. You can change the password anytime you want.

Tumango tango ako at tinanggap naman yun susi at dahan dahan inilagay dun sa butas para mabuksan yun pintuan.

Napanganga ako sa nakita ko. Sobrang ganda ng condo!

"You like it?" nilingon ko sya at tumango.

"Sobra po tita."

"Let's go inside."

A piece of you and me [JaDine FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon