05

45 0 0
                                    

First day on the job

Lena's POV

Mabilis na dumaan ang sabado at linggo, kaya lunes na ngayon. Equals, first day of school sa bago kong eswelahan.

Nakapamili na ako ng mga gamit at libro at dumating na rin yung uniform ko. Ang cute nya! Para syang uniform na napapanood sa mga japanese at korean drama. Kulay pink at black yun palda tapos puting kamiseta at pink na ribbon sa leeg. Tapos black shoes.

Maaga akong nagising para makapag-prepare at hindi malate sa school. Aba syempre first day no, bawal ang late. No, no, no.

Naligo ako habang kumakanta at nag-umagahan na rin. Naggisa ako ng corned beef at kanin tapos  isang basong gatas ang ininom ko. For sure fully charged na ako, ready to go to school na!

Ah oo nga pala, sabay nga pala kami ni Jake papasok. Kinuha ko yun gamit ko at lumabas na ng bahay.

Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Simula kasi nung nagkausap kami sa restaurant hindi na ulit kami nagkita pa.

Kinuha ko yun susi ng condo ni Jake at binuksan yun. Binigyan rin kasi ako ng susi ng bahay nung unggoy ni tita Grace, kaya kahit daw ayaw akong papasukin ng anak nya ay makakapasok pa rin ako.

"Jake ready ka na ba? Nasa baba na si kuya Art." Nagpalingon lingon ako sa condo nya habang sinasara yun pinto sa likod ko.

Hindi ba uso sa kanya ang salitang malinis at maayos? E parang tapunan ng mga basura ang salas nya eh! Lahat ng mga pinagkainan ay nakakalat sa kung saan saan katulad ng mga damit nya.

Teka, ano yun naka sabit sa itaas ng tv?

B-Brief ba yun?

Ew! Kadiri!

Binalewala ko na lang yun at naglakd pa "Jake?" Dumeretso ako sa kusina dahil wala sya sa sala pero wala rin sya dito eh.

Kumatok ako sa kwarto nya na nakasarado pero wala parin sumasagot. "Jake, papasok ako ah."

Dahan dahan kong binuksan yun pintuan at natagpuan ko syang nakadapa habang nahagok pa.

Napasapo ako sa aking noo. Juskolord! Anong oras na! Alas 9 ang time namin pero quarter to nine na tapos tulog pa sya.

Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa tabi ng kama nya. Dahan dahan kong niyugoyog yun balikat nya. Baka kasi pag-ginising ko sya ng brutal maging leon o lobo pa sya. "Jake? Gising na.. Malalate na tayo.. Huy.." Pero wa-effect. Ayaw nyang gumising. Parang gusto ko yatang kumuha ng isang baldeng napaka lamig na tubig at yelo at i-ice bucket challenge sa kanya.

Napatingin ako sa matipuno nyang likod na hubad, pero yun ibabang parte ay natatakpan ng puting kumot. Napalunok ako.

Pinagmasdan ko rin yun perpekto nyang mukha. May ganito palang tao? Napaka kinis, walang pores? Tapos ang tangos tangos ng ilong nya at yun labi nya ang pula pula na parang nilagyan ng lipstick. Tapos napakaputi pa nya-

"Are you done staring at me?"

"AH!" sa bigla ko ay nahulog ako sa pagkaluhod ko. Napahawak ako sa pwetan ko dahil masakit!

"Hoy hindi kita tinititigan ah! Feeling nito!"

Tumayo ako at bumangon na rin sya at naginat inat. Biglang nahulog yun kumot na nakataklob sa ibabang parte ng katawan nya.

"Ahhhhhhhhhhhh!" napasigaw ako at tinakpan yun mata ko.

"Hey stop screaming will you! Ang aga aga!"

"Magdamit ka nga! Ang maniac mo!"

"Tsk. Now, I am the maniac? You were the one who was checking me while I was sleeping right? You pervert woman."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A piece of you and me [JaDine FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon