02

140 7 16
                                    

Opportunities

Lena's POV

Minulat ko yun mata ko. Ang sakit ng likod ko, ikaw ba naman ang matulog sa upuan!

Tumingin ako dun sa wall clock na naka sabit sa pader, alas 5 lang pala ng umaga. Ayy, makabangon na nga tutal nawala na yun antok ko.

Tumayo ako at pumunta dun sa banyo. Dito sa FAC ako nagpalipas ng gabi, nun pumunta kase ako kay na kuya Philip sabi nya dito nalang daw ako matulog, dumating kasi yun pamilya nya kaya hindi ako pwede sa kanila. Kaya binigay nya sakin yun susi nun cafe.

Naghilamos ako at nagtoothbrush, habang nagtutuyo ako nang mukha ay napagmasdan ko yun eyebags ko. Actually eyeluggages na sila kase ang laki talaga eh.

Kung bakit ba kase nakalimutan kong magbayad ng renta.

Bakit nakatapon lahat ng gamit ko sa labas?! At bakit bukas ang ilaw at pintuan?! May magnanakaw?!

Mabilis akong tumakbo at natagpuan ko si aling Belen sa loob nung bahay ko. Sya yun may ari ng bahay namin ni nanay na inuupaan ko.

"Aling Belen.. Ano pong..?"

"Lena, may nakabili na ng bahay na 'to."

"Hindi po pwede! Kay nanay po ito!"

"Noon yun, ngayon may bago ng may ari. Diba sabi ko sayo pag hindi ka pa nakapagbayad nitong buwan na ito ay papalayasin na kita?!"

"Pero aling Belen.."

"Wala ng pero pero. Nasa labas na lahat ng mga gamit mo. Mas mabuti siguro kung maghanap ka na ng matutulugan mo."

"Aling Belen please po.. Wag po.." Maiyak iyak na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Yun bahay na ito na nga lang ang natira kong alaala kay nanay tapos mawawala pa. Hindi pwede.

Pero hindi ako pinakinggan ni aling Belen kahit lumuhod na ako. Tinapon nya lang ako sa labas ng bahay kasama yun mga kaunting bagay na meron ako.

Nagumagahan ako ng mga tira tirang pagkain sa may kusina ng cafe, nakakahiya kasi na magbukas pa ng bago eh.

"Lena?" napalingon ako sa may pintuan. Sa gulat ko muntik na akong matal-akan.

"T-T-Tubig" nag agitate na ako at naghanap ng tubig. Mabilis lumapit sa akin si sir Mark at binigyan ng isang basong tubig. Ininom ko at finally nakahinga na rin.

Ipinatong ko yun baso sa lamesa at nadatnan syang nakatitig sa akin habang nakangisi. "Are you okay?"

"O-opo, salamat po."

Humalukipkip sya dun sa tabi ng pintuan at bahagyang napatawa. "I told you you to drop it with the 'opo', 'po' and whatever. You make me feel old."

"Pero sir hindi naman po kayo matanda eh."

"Exactly. I'm just 22. I believe that I'm not that old. And just call me Mark. I don't like the 'sir' too."

Nakatingin lang ako sa kanya habang nakakunot. Ibang klase talaga 'tong lalaking 'to ah. Sya ang ang boss pero ayaw nyang tawagin ko syang boss? Ano yun? Close kami?

"Sir, hindi naman po tama na hindi ko kayo respetuhin-"

"You just calling me Mark and don't saying opo, aren't we being just friends? See Lena for me you are like a younger sister, a friend and not an employee. I'm your boss okay? Kaya pakisunod na lang ang utos ko."

A piece of you and me [JaDine FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon