01

207 9 8
                                    

Beggining

Lena's POV

CHRISTINE THEA G. CASTILLO

Umupo ako sa damuhan katapat ang puntod ni nanay. It's been 2 years, pero hanggan ngayon ramdam ko parin ang sakit.

Pagkatapos nung aksidente sa tapat ng cafe.. two years ago, dead on the spot si nanay.

Hindi na sya umabot sa ospital.

"Nay, magdadalawang taon na po.. Miss na miss ko na po kayo.." Pinilit kong wag mapaluha, alam ko kasi na hindi sya matutuwa pag nakita nya akong umiiyak eh.

"Nay, alam mo ba mukhang makakapasok na ako ulit ng school? Kaya ko na kasing bayaran yun tuition fee eh, may naipon na ako.." I forced a smile at hinipo yun lapida nya.

"Kung nandito lang po kayo ngayon.." I paused at ipinatong yun bulaklak sa kanya.

Tumingala ako at tiningnan ang langit. Ang gandang ng araw ngayon, walang kaulap ulap at ang sarap pa ng simoy ng hangin. Ipinikit ko ang mata ko at naisip ko ang lahat lahat ng nangyari sa buhay ko.

Isinilang ako ng walang ama, hindi ko alam kung wala ba talaga kasi patay na or wala na kasi iniwan kami. Everytime kasi na itinatanong ko noon kay nanay kung sino at nasaan ba ang tatay ko, ang isasagot lang nya sa akin ay wala na daw sya.

Mahirap ang buhay namin, wala kaming ibang kamaganak at pa iba iba ng trabaho si nanay. May time pa nga na wala kaming tirahan at pagala gala lang kami sa kalsada at nanglilimos.

Nung magquinze anos ako, ay napag alaman namin na may malubnay na sakit pala si nanay, at hindi na sya pwedeng magpatuloy sa trabaho. Kaya ako nalang ang nagtrabaho para samin, nung una ayaw ni nanay, kasi ayaw daw nya mahirapan ako at tumigil ako sa pagaaral.

Pero hindi ko sya sinunod, nagpatulong ako kay kuya Phil na makakuha ng trabaho kahit fifteen pa lamang ako, at ipinasok nya ako sa cafe na pinagtatrabahuan nya.

Kaso hindi ko akalain na maaga rin pala mawawala ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Bakit sya pa? Bakit hindi nalang ako?! Yan ang lagi kong tanong sa Diyos.

Hindi ko talaga kinaya yun pagkawala nya, biruin mo, wala na nga akong ama, nawalan pa ako ng ina. Sobrang sakit nun, na kulang nalang ay magpakamatay ako.

My past is a really dark side of me. Masakit lahat ng pinagdaanan ko. Masakit at nakakapanghina. Pero tiniis at nagpakatatag ako. Sa tulong na rin nina kuya Phil at sir Mark.

"Oy Lena! Halika dito bata ka! May ibibigay ako sayo!" Sigaw ni aling Carmela mula sa karinderya nya. Dali dali naman akong lumapit sa kanya.

"Ano po yun?" Ngiti kong tanong.

"O ito. Kunin mo." Binigyan nya ako ng isang supot at ngumiti. Binuksan ko yun supot at may laman na dalawang siopao at tatlong stick na barbecue.

Tiningnan ko sya at kumunot yun noo ko. "Para saan po ito?"

"Diba ngayon ka ulit mageenroll sa eskwela? Mahaba ang pila, baka kasi magutom ka."

Si aling Carmela ay isa sa pinakamabait na tao na nakilala ko. Parang pangalawang ina ko narin sya. Kakilala nya si nanay kaya paminsan minsan ay binibigyan nya rin ako ng pagkain. Hindi nya naman ako pwedeng kupkupin, hindi sila ganun kayaman at siyam ang anak nya!

"O sige, ingat ka anak ah!-" napalingon kame sa bigla nalang nag salita.

"Ingat ka myLabs! Muah muah!-" sabi nya with matching flying kiss at kindat kindat pa. Teka? Kindat ba yun? Bakit dalawa yun isinasara nyang mata, hindi ba dapat isa lang?

A piece of you and me [JaDine FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon