NAGISING si Yophiel nang maramdamang may mga palad na marahang tumatapik sa kaniyang pisngi.
“My lady.” Sumalubong ang mukha ng nag-aalalang si Eziyah. Hawak-hawak siya nito sa mga bisig.
“Yoyo, you’re awake!” Napatingin din siya kay Prinsipe Adelio na nakatalikod sa kanila. Napapalibutan sila sa Nebula Shield na ginawa ng prinsipe. Isa itong anyong tubig na hugis parisukat. He was protecting them from the attack outside. Kita niya mula sa labas ang ama at si Lady Gisela na pilit sinisira ang shield ni Prinsipe Adelio. Mukhang nasagip siya ng dalawa matapos siyang mawalan ng malay kanina.
Kumikirot ang buo niyang katawan lalo na ang kaniyang ulo pero pinilit niya pa ring bumangon. Hindi nawala sa isipan niya ang pag-uusap nila ni Inferio kanina.
She had made up her mind. And she needed to do it right for the first time. In order for her wish to take place, she needed to get Inferio’s book.
“Prince Adelio,” tawag niya sa prinsipe. “Mag-so-sorry na ako ngayon pa lang. I might hurt Lady Gisela’s body, but she will be okay.”
Nilingon naman siya ng prinsipe. “Did you find out who is inside her body?”
“Yes. It is the one who wrote you.”
Napakunot naman ang noo ng prinsipe. Binalik nito ang atensyon sa Nebula Shield nang muntikan nang masira dahil sa lakas ng pinakawalang suntok ng ama.
“Yoyo, I would love to laugh about your joke, but this is not the right time to kid around! What are you saying?” sagot nito sa kaniya.
She knew that the prince would not believe her, but that didn’t matter. “Prince Adelio, I want you to fight my father, but please, do not kill him.”
“I can’t even touch him, how am I supposed to kill him?”
Kung mangyayari ang nakasulat sa nobela, magigising ang water element ni Prinsipe Adelio. Kapag nangyari ‘yon, magagawa nitong lamangan ang kapangyarihan ng ama.
“Basta. Harapin mo si Papa.” Napunta ang tingin niya kay Eziyah. “Eziyah.” Hinawakan niya ang kamay nito. “I need to ask you something.”
“Anything, my lady.” Pinahid nito ang dugo sa kaniyang noo na nagbadyang tumulo papunta sa kaniyang mga mata.
“Kailangan kong pumunta sa kuwarto ng imperial palace. Kailangan kong kunin ang libro ni Inferio.”
Kaagad na napakurap ang lalaki sa kaniyang sinabi. Tumakas sa mga mata nito ang kaba sa posible niyang gagawin.
“But you said you’re not going to go back anymore. You will stay with me, right?” He pressed her hand, hoping that she would say yes.
Napakagat naman si Yophiel sa ilalim ng kaniyang labi upang pigilan ang mga luhang nagbabadyang kumawala sa mga mata. Niyakap niya ang lalaki dahil hindi niya kayang ibigay ang nais nitong sagot. Ayaw niya mang umalis pero hindi kakayanin ng kaluluwa niya na manatili rito habambuhay.
“It’s different from before. This time, this is for you and Papa. Kaya kung puwede, iiwan ko muna saglit si Lady Gisela sa ‘yo. Keep her busy until I come back.” Humiwalay siya sa yakap.
Hindi sumagot si Eziyah. His eyes were pleading to take back her word.
But she couldn’t do that.
“Please?” Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi.
Mariiin naman itong napapikit bago tuluyang tumango. “A-all right.”
Hinalikan niya ang pisngi ni Eziyah bago tuluyang bumitaw. Inalalayan siya nitong tumayo. Nakatingin sa kanila si Prinsipe Adelio at naghihintay lang sa kaniyang senyas.
“We’ll succeed,” sabi niya bago tumalikod, hudyat para tanggalin nito ang Nebula Shield.
Kaagad na tumakbo si Yophiel papasok sa imperial palace nang mawala ang shield ng prinsipe. Kaagad namang sumunod si Lady Gisela sa kaniyang direksyon. Sinulyapan niya ito at hindi na muling lumingon pa nang makita si Eziyah na hinarangan ang babae.
“GET out of my way!”
Sinangga ni Eziyah ang umaapoy na kamao ni Lady Gisela gamit ang espada. Kaagad siyang umatras upang iwasan ang hinagis nitong nag-aapoy na bola mula sa kaliwang kamay.
“Even you? Jeez, Eziyah. Do you even know who you are trying to fight?” Hindi niya magawang makita ang mukha ng babae dahil napapalibutan ito ng apoy.
“Yophiel said you are our maker.” Tinaas ni Eziyah ang isang daliri. Huminga siya nang malalim habang pinapakiramdaman ang mana na dumaloy mula sa kaniyang puso papunta sa dulo ng mga daliri.
A ball of white, hot light formed on the tip of his finger. Pointing it to the direction of Lady Gisela, he shot the fiery woman. Kaagad itong lumipad upang iwasan ang kaniyang atake.
Lumipad din siya at sinundan ang babae. Hindi niya ‘to hinayaang makawala. Not in his watch. His woman ordered him to keep Lady Gisela in check, so he would do anything just to stop her from reaching his beloved.
Even though his heart was troubled by what might happen after, he couldn’t just ignore her words. She might have found a way to stop the woman in front of him and save her father, so he would trust her.
“Stop being annoying!” Hinarap siya ng babae. Muli na naman itong nagpakawala ng suntok pero sa pagkakataong ito, sinalo niya ang kamao nito.
Nanuot sa kaniyang balat ang apoy subalit hindi ito nangalahati sa sakit na naranasan niya sa digmaan no’ng nakaraan. Pulling Lady Gisela, he kicked her abdomen. Before she could attack back, he grabbed her neck, and like a meteor, they flew down together. Rough and fast, he slammed the woman’s head on the ground.
Napadaing ang babae. Tumulo ang dugo nito sa ilong. Nawala ang apoy na pumalibot sa buo nitong katawan. Hinawakan nito ang kaniyang braso at pilit na inaalis ang pagkakasakal niya.
“L-let go!” Kuminang ang pula nitong mga mata. Naalala ni Eziyah ang nangyari sa kaniya no’ng um-oo siyang pumunta sa tea party kaya agad siyang napabitiw at umiwas ng tingin.
Ang akala niya’y mapapasailalim siya sa manipulasyon nito subalit walang nangyari.
A fake?
Isang suntok ang natanggapp niya sa babae kaya napaalis siya sa ibabaw nito.
“Damn, sa lahat pa talaga ng magiging aware, kayo pa.” She gritted her teeth as he looked at him. Tumayo ito at sinugod siya.
Sinalubong niya rin ang suntok nito ng kaniyang kamao. Sabay silang napaatras dalawa dahil sa lakas ng puwersa sa pagitan nila. Bumangga ang kaniyang likuran sa isang matigas na bagay.
“Oh, sorry.” It was the prince’s back. Mukhang tumilapon din ito.
Napaangat ang kaniyang tingin sa ibabaw nang lumipad si Lady Gisela upang humugot ng lakas. Parang talon na nagraragasa itong bumaba papunta sa kaniya. Muling napalibutan ang katawan nito ng apoy pero imbes na pula, ito'y naging itim.
Napahigpit ang hawak niya sa umiilaw niyang espada. Bending, he focused his strength on his feet. Hindi na niya hinintay pang makababa si Lady Gisela at buong puwersang tumalon. Nag-iwan ng bitak ang tinapakan niya. Sinalubong niya sa ere ang kamao nito gamit ang espada.
“Tsk.” Napasingkit ang kaniyang mga mata. Hindi man lang naparuhan ang kamay nito.
“Why are you trying to get in my way? Nalason ka na rin ba sa isa kong karakter na ginawa, ha?” Lumayo ito sa kaniya.
“And why are you trying to get in my lady’s way? You are the author, right?” Tumingin siya sa ibaba at nag-iisip kung saan puwede niyang itapon ulit ang babae. Binalik niya ang tingin sa babae pagkatapos makita ang fountain. “Why are you hurting your own character?”
She snorted. “Because I don’t like what she’s doing. She’s messing up everything. It will be detrimental for me if all of you become aware of this world.”
“Why are you afraid if that happens?”
“I’m not afraid. It would just be too annoying. For example, you . . .” Tinuro siya nito. “It’s too annoying that you’re using your capability that I have put in you against me as if it will change anything. No one can change what will happen to all of you in the end, except for myself.”
Kinuyom nito ang mga kamao at handa na naman siyang atakihin pero inunahan niya ito. He kicked the side of her stomach to lose her focus. Tinaas niya ang espada at buong puwersa na pinakawalan ang inipon niyang light energy. Five giant parallel lights came out from his sword. It was too blinding, making the woman closed her eyes.
Natamaan si Lady Gisela dahilan para bumagsak ito, insakto sa gitna ng fountain. Parang isang pagsabog ang pagbagsak nito dahil sa lakas ng tunog na nalikha at sa lawak ng alikabok na naglipana sa ere.
He flew to the direction of Lady Gisela while casting a magic spell. “Chain of Dawn.”
Mula sa lupa, parang mga halaman na tumubo ang mga kadena na gawa sa liwanag. Pumulupot ito sa leeg, braso at mga paa ni Lady Gisela upang hindi na makatakas pa.
He landed on the ground. Nilingon niya ang direksyon ng imperial palace kung saan naroroon si Yophiel pero iba ang nakakuha ng atensiyon niya. It was Prince Adelio. Napapalibutan ng anyong tubig ang katawan ng prinsipe. Ang kulay ng buhok nito ay unti-unting nagbabago at naging mahaba. Sinubukan ng duke na magpakawala ng higanteng Wind Spear subalit nalusaw lang ito nang tunama na sa tubig na nakapalibot sa prinsipe.
“Eziyah, let go of me. What you’re doing is pointless, anyway.” Napabalik ang tingin niya kay Lady Gisela na pilit kumakawala sa kaniyang kadena. Sinubukan nitong sunugin ang kadena gamit ang itim na apoy pero hindi nito nakayang pantayan ang elemento niyang liwanag.
“Don’t order me. You are not my lady nor my master.”
Inirapan siya ni Lady Gisela. “I told you, it’s pointless. You will still have the same fate as what I wrote in the novel! You, Niklaus, and Yophiel will share the same fate in the end!”
“My fate?” Napakuyom ang kaniyang kamao.
After Yophiel told him that he was just a fictional character, he had been curious of what was his end. What was he in the novel? What was his fate?
“W-what will happen to me in the end?” he asked.
“You will die. Obviously!” sigaw nito. “Side character ka lang naman. You are just a second lead who turned into a villain in the end alongside with Niklaus and Yophiel.”
Napakurap siya matapos marinig ang pangalan ng kaniyang minamahal. Nabitawan ni Eziyah ang kaniyang espada at napaatras. Isa-isang pumasok sa kaniyang isipan ang mga ginagawa ni Yophiel dati. She knew about the novel, which meant she also knew what would happen to her in the end.
“Is that the reason why she wanted to go back so badly? Because she doesn’t want to die?”
Mariing napapikit si Eziyah habang nagsisisi kung ilang beses niyang pinigilan ang babae na bumalik. “Why didn’t you tell me . . .”
How selfish of him to ask her to stay. He should’ve just let her go. He should’ve just allowed her to go back, so that she wouldn’t suffer the ending of the novel.
Napakuyom ang kaniyang kamao. Naglaro sa kaniyang mga mata ang galit habang tiningnan si Lady Gisela. “Why would you kill us?”
“Because villains deserve to die! You deserve it! And the readers like it too.”
His jaw tightened as he looked at her. “You are a heartless writer.”
How could this be the woman who wrote him? Hindi niya kayang tanggapin na isang kagaya nitong walang puso ang nagsulat sa kaniya. “No wonder my lady hated this world.”
Kinuha niya ang espada na nabitawan niya at naglakad sa tabi ni Lady Gisela. Nanginginig ang kamay niyang itinuon ito sa dibdib ng babae.
His eyes darkened as he stared at the woman. “I will kill you first.”
Wala siyang pakialam kung ito pa ang nagsulat sa kaniya dahil maliban sa umuusbong na galit at pagkasuklam, wala na siyang iba pang maramdaman. After knowing from the mouth of his own maker his end, he now hated this world as well. Kung siya lang sana mag-isa ang mamamatay sa huli, makakaya niya pang tanggapin iyon. Pero kung kasali ang lalaking kumupkop sa kaniya at ang babaeng mahal niya, hindi niya ‘yon kakayanin.
“You can’t kill me.” Ngumisi ito dahilan para mas lalong mandilim ang kaniyang paningin.
“Eziyah!” Napalingon siya sa tumawag sa kaniya at nakita si Yophiel na paika-ikang tumatakbo papalapit sa kaniya.
His expression softened when he saw her blood-filled face. Napatingin siya sa libro na hawak-hawak nito. Ang libro ni Inferio. Ang libro na palagi nitong dala sa tuwing nagbabalak ang babaeng gumawa ng portal spell.
Biglang sumagi sa isipan niya ang sinabi ni Yophiel sa kaniya kanina.
For me and for the duke, huh? What are you trying to do this time, my lady?
BINABASA MO ANG
Into the Realm of Fiction (Published under PaperInk Imprints)
FantasíaPAPERINK FANTASY COLLABORATION A cursed magician. A soul's wish. And a cyclic fictional reality. After getting poisoned, 24-year-old Blank Herana transmigrates into a historical fantasy novel she hates the most. She becomes the cursed daughter of t...