Chapter 5: FEELINGS

189 9 0
                                    


Mica's POV

"Something bothering you?" Natigilan ako. Bumalik ako sa ulirat ng marinig si mama.

"Nothing." Agad ko namang sagot. Tinaasan naman niya ako ng kilay. Di niya tanggap ang sagot ko.

"You occasionally touched your earring when something is bothering you." Sabay turo niya sa tenga niya.

Binaba ko naman ang kamay ko na nakahawak nga sa kaliwa kong tenga.

Yuki is bothering me.

Tumayo ako at umakyat na lamang sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at doon nagmuni-muni.

If Yuki doesn't feel anything for me? Then my desires to be with him influencing him? But where that desire came from? I barely remember Yuki when we were young-

Natigilan naman ako. Tama. Wala akong masyadong naaalala tungkol sa kanya maliban sa alam ko na magkasabay kaming maglaro. Di ko nga alam na 6 years na kaming nagkakasama.

I barely remember him... That means...

Napahawak ako sa earring ko at di mapigilang kabahan.

Yuki met my other self before.

But this doesn't make any sense. If I go back to my other self, my hair will become black and my eyes will turn red. My human parents never mentioned that to me before. So... I guess..

It's just my feelings for him.

In short I like that guy. Reason? I don't know. Last week lang kami ulit nagkita simula nang umalis siya nuong elementary.

Napabunting hininga naman ako kasabay nun ang pag ring ng cellphone ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ang pangalan ni Yuki. Sinagot ko naman iyon.

"Mica!" Gulat niyang sabi. Mukhang nagulat siya dahil sinagot ko.

"What's up? You need anything?"

"Uhm... Yung nangyari kanina. Kung may nagawa ako sayo na di ko namalayan, pasensya na. Di ko talaga sinasadya." Bumangon ako at pumunta sa terrace namin.

It's not your fault, it's mine.

"Ayos ka lang ba? You looked scared earlier. I'm worried." Di ko na kaylangang basahin ang emosyon niya dahil halata sa boses niya na nag aalala siya.

It makes my heart ache.

Kasi alam ko ang nararamdaman niya para sakin ay ilusyon lamang at kaylangan kong alisin ang ilusyon na iyon.

"I secretly desire you."

Nagulat ako sa sinabi ko at agad tinikom ang bibig. Tinampal ko ang ulo ko. Bat parang may kumukontrol sakin?

Kinabahan naman ako kasi wala akong marinig mula sa kanya. Ngunit alam kong nandoon siya dahil rinig ko ang paghinga niya.

"Just forget what I said-"

"Wanna watch movies together? I mean here... In our house."

Yuki, this is just an illusion. I have to do something about it before it gets worse.

"Sure, see you tomorrow."

"Nice!"

----

KINABUKASAN ay pumunta ako sa kanilang bahay. Di ko alam kung saan magsisimula at kung papaano ko pawawalain ang ilusyon sa kanya pero mas mabuting tignan ko nalang muna at obserbahan kung saan ako dadalhin nito.

"Si kuya Mica!" Niyakap ako agad ni Yuno nang makapasok ako sa bahay nila.

"Yuno." Ginulo ko ang buhok niya.

How the Prince of Demons fell in love with a human.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon