CHAPTER 13: PIERCING

47 3 0
                                    

Jake's POV

"Is Mica gonna be fine?" Alalang tanong ni Rin habang dala-dala siya ni Rem.

Tumatakbo kami papalayo kay Mica at papunta sa lugar kung saan nanggaling ang pana.

"We are not going to be fine if we stay with him. He's worried and angry, he can't control his emotion right now, and that's why his power is going berserk."

"Is there a way to control his power?" Tanong pa ulit ni Rin.

Di ako sumagot dahil meron naman ngunit ayokong ibigay iyon kay Mica baka magalit lang lalo. Nangako narin ako sa kanya noon na di ko siya ikukulong ulit.

"Yuki, where to?"

"J-just go straight." Nahihirapang sagot ni Yuki.

Tumango ako at mas binilisan pa ang pagtakbo. Di ko alam kung hanggang saan ang paghihirap ni Yuki, ayoko na siyang mawala sa piling ni Mica ulit. Kahit na mabubuhay rin naman siya kapag namatay siya rito ngayon ay mahihirapan parin akong hanapin siya sa dirami rami ng mundo.

"Stay with us, Yuki."

Nasa likuran ko siya ngayon habang si Camilla ay hawak hawak ko sa mga braso.

"I'm not going to die!"

Huminto kaming dalawa ni Rem. Nagkatinginan kami.

Nararamdman niya rin ang nararamdman ko.

"Why did we stop?"

Unti unti naming naririnig ang kaluskos ng mga dahon na nanggaling sa puno papalapit sa amin. Ang mga dahon ay nagsilaglagan galibg sa nga puno.

Huminto ang kaluskos.

"Be ready."

Binitawan ko muna si Camilla at binaba si Yuki. Agad namang inalalayan ni Camilla si Yuki. Habang kami ni Rem ay naghanda.

Nilabas ko ang dalawang katana ko habang si Rem ay hinanda ang kanyang mga kamay sa posibleng umatake.

Malakas na pagkabagsak ang galing sa isang grupo ng kalalakihan galing sa puno at pumalibot samin.

May dala dala silang ibat ibang armas. Kutsilyo, pana at espada.

"Sino sa inyo ang pumana sa kasamahan namin?" Tanong ko.

Tumayo lang sila habang nakatingin sa amin. Tumingin sila kay Yuki.

Bumagsak sa harapan namim ang isang babae. Para siyang ninja sa outfit niya na puro itim at may mask pa siya sa bibig.

"Please, we need your help." Pagmamakaawa ko.

"That's not the look of a person who needs help." Sabay tingin niya sa armas ko.

Humigpit ang hawak ko sa armas at tumingin kay Yuki na naghihinalo na sa sahig. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.

"Help us."

Nawala gamit ang mahika ang dalawa kong katana at itinaas ko ang dalawang kamay.

Tiningnan naman niya si Yuki ngunit di pa siya nakakalapit ay napahinto siya.

"W-who are you?"

"He's name is Yuki. He's a friend." Sagot ko ngunit parang wala siyang narinig. Dahan dahan siyang lumapit at lumuhod sa harapan ni Yuki.

"No way." Rinig kong sabi ni Camilla habang nakatingin sa babae. Nagkatinginan sila ng babae.

"Camilla."

"Regina."

-----

Mabilis ang sumunod na nangyari. Tinulungan kami ng mga bandido. Dinala nila kami sa kuta nila at binigyan ng kwarto si Yuki para matingnan siya habang kami ay nanatili sa labas.

How the Prince of Demons fell in love with a human.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon