Chapter 7

230 25 3
                                    

Enjoy reading everyone \(๑╹◡╹๑)ノ♬

P.s sorry po sa mga typos and errors na inyong mababasa.
-----

Viviana's point of view

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa grupo nina Kane upang makita kung sino ang malakas ang loob na sumuway sa pinag uutus ko.

Tumambad sa'kin si Bella na walang malay habang hawak hawak ni Kane.

Ow, si Bella pala.

"Lahat ng mahuli kong naktingin dito ay lalagyan ko ng collar." Pagpaparinig ko. Itinapat ko ang kamay ko sa leeg ni Bella at nag cast ng healing spell upang mawala ang pamumula nito.

Advance healing spell ang ginamit ko para magising siya agad.

Hindi ako papayag na dalhin siya sa clinic no. Edi nagkaroon niya nang dahilan para magpahinga. Ha! Hindi ako papayag.

"Anong mahirap sa pinag uutos ko at paulit ulit ninyong sinusuway?" Tanong ko.

"Sinuway? Nagpahinga lang si Bella saglit, pag suway na ba agad 'yun?" Galit na tanong ni Agustine.

"Ano bang sinabi ko? Hindi ba't walang magpapahinga? Ang simple simple ng instructions hindi masunod sunod."

"Leader, ilang oras na kaming nag iinsayo.... Oo sanay tayo sa matinding training pero si Bella hindi."

Itong lalaking 'to, kanina pa niya sinasagad ang pasensya ko.

Sinabihan ko na sila na hindi kami nandito para maging baby sitter. Pero hindi sila marunong makinig.

Pinapanindigan talaga nila kung ano yung sa tingin nila 'yung tama.

"Kung ganun, wala siyang choice kundi masanay. Miss Quade bangon, sana hindi na maulit 'to." Malamig na saad ko at tinalikuran na sila.

Bakit ako maawa sa katulad niyang may maduming budhi? Bakit?

Nuong ako yung nagmamakaawa at humingi ng tulong, tinignan at hinugahan n'yo lang ako.

Ha! Magtiis kayo diyan. Wala 'yan sa kalingkingan ng dinanas ko sa selda kaya wag n'yo kong artihan.

Simpleng training ang dami n'yong putak.

Kakairita!

*****

Bella's Point of View

Patuloy padin akong nag iinsayo kahit oras na nanang pahinga namin ngayon.

Nag cast ako ng mga spell na ibinigay samin ni Leader pero bigo akong magawa 'to.

Sinubukan kong matutunan gumamit ng mga sandata ngunit masyadong mabigat ang mga 'to para sa'kin, kaya inabisuhan nila akong masmabuting mag focus na lang sa pag gamit ng mahika.

Kaylangan kong mapatunayan sakanilang kaya ko dahil ayoko nang bumalik sa mundong nagpahirap sa'kin.

Pero paano ko nga ba gagawin 'yun?

"Ano ba ang dapat kong gawin para mailabas ko ang kakayahan ko?"

Kung gusto kong lumakas, kaylangan kong magpatulong sa malakas na tao.

Paano kaya kung lumapit ako kay Vice leader? Pero baka lalo lang mainis sa'kin yung mga mga kaklase ko kung didikit ako kay Kane.

Wait!

What if kay leader kaya? I mean, mas better kung sakanya ako lalapit. Malakas at matalino siya, wala din magiging problema sa mga babae kung sakanya ako magpapatulong.

Third TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon