Chapter 14

200 32 9
                                    


Enjoy reading everyone!

Ps. Sorry sa mga typos and errors na inyong mababasa. Understanding naman kayo kaya thanks! 💋
------

Viviana's Point of View

"Malaki ang pasasalamat ko sa pagtulong mo sa'kin Ms. President pero malabong mapapayag ko si Lolo na pumunta dito sa academy." Saad nito Sol.

Kasalukuyang nandito kami ngayon sa Cafeteria. Sa Clinic ko dapat siya dadalhin, kaso tumanggi siya at sinabing maayos na daw ang lagay niya kaya't sa cafeteria ko na lang siya hinila para mapag usapan ang isang mahalagang bagay.

"Sol, kaylangan ko lang makausap si Mas-- si Mr. Velmor kahit ako nalang ang pumunta sa lokasyon niya, handa naman ako."

"Pasensya na talaga,"

"Hindi mo naiintindihan, nais kong gawing professor ng Elite Class si Mr. Velmor." Natigilan siya ng marinig ang aking sinabi.

Si Sol ay apo ni Mr. Velmor ang pinaka mahusay na Professor na minsang nag turo dito sa academy. Maraming tao ang talagang humahanga sakanya dahil sa kagalingan nito bilang isang guro. Ngunit marami rin ang taong nais siyang patalsikin at isa na dito ang mga taong maymataas na posisyon.

Isa lamang na commoner si Mr. Velmor, kaya't walang laban siyang napaalis sa academy nuong may minsan siyang may nakaalitan na isang anak ng Nobel.

Sigh.

Ito ang dahilan kung bakit masaya akong makita si Sol, minsan ko na siyang na meet nuon. Kaya familiar na talaga ako sa taong ito, medyo matagal na panahon na 'yun kaya't hindi agad sila pumasok sa isip ko ng kaylanganin ko ng maasahan na professor.

Pumayag lang kayo sa offer ko, ako mismo gagawa ng paraan para mapatalsik yung spoiled brat na 'yun.

"Hindi na... Hindi na gugustuhin pang magturo ni Lolo. Kaya sana humanap na lang kayo ng iba. Mauuna na ako, at paumanhin." Blangko ang expression na pakiusap niya.

" Kung nangangamba ka na maging hadlang ang lahat ng 'to sa mga pinaplano mo.---

"Ano.....Anong nalalaman mo?" Putol na  tanong niya at matalim akong tinignan. Nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya na nang galing sakanya kaya mabilis kong kinuha ang baso ng tubig sa table at binuhos sakanya.

"Kung ayaw mong mabisto ng iba, matuto kang kumalma.... Wala akong balak mangialam sa mga plano, kung gusto mong maghigante, maghigante ka." Pabulong na saad ko.

"Palagay mo ba maniniwala ako sayo? Eh pare parehas lang kay--"

"Huwag mo kong ihahalintulad sa mga basurang 'yun," Malamig na  putol ko sakanya. "Sa ngayon, hahayaan kitang pag isipan muna 'yung offer ko. Magkita nalang tayo muli sa araw ng Hunting Festival at dun mo sa'kin sabihin ang magiging sagot mo."

Hindi na siya muling kumibo pa matapos kong sabihin 'yun at tuluyan ng umalis.

Aish. Nakakita nga ng kapalit, alinlangan naman.

"President, ipinapatawag ka ni Headmaster," sulpot bigla ni Gracia kung saan.

"Nanaman?!"

----------

-Headmaster Office-

"Ano 'to? Anong gulo nanaman 'to Ms. Darthe, hanggang kaylan mo planong pag intan si Mr. Arne?"

Habang buhay I guess?... Ikaw ilang beses mo ko planong tawagin ngayong araw?

"Anong pag-initan?" Maang maangang tanong ko.

"Ms. Darth, alam ko lahat ng nangyayari sa academy, alam mo kung anong ibig kong sabihin."

"Hmmm i see, well kung alam n'yo naman pala lahat ng nangyayari, edi sana alam n'yong reasonable naman 'yung mga naging actions ko so far."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Third TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon