Chapter 12

208 14 11
                                    


Enjoy reading everyone (⁠^⁠∇⁠^⁠)⁠ノ

P.s pasensya na po sa nga typos and errors na inyong mababasa. Thanks!

-----

Viviana's Point of View

Yaaaaawn*

Pwede kayang hindi muna pumasok ngayon? Gusto ko lang humilata at matulog buong araw.

Busy kasi ang mga istuyante ngayon, pinaghahandaan nila ang nalalapit na hunting festival. Agad din kasing ginawa ni Gracia 'yung pinag uutos ko, as in kinabukasan may poster na siyang ginawa para sa announcement.

Hindi rin tumagal at kumalat na rin ang balita sa buong academia. Marami ang may nais na mapabilang sa Elite Class, dahil kung napapansin n'yo ang kadalasang ginagawa lang namin ay ang mag training at sumalang sa mga mission.

Delikado man tignan pero ninanais ng karamihan ang buhay na meron kami.

Compare din samin, sila din ay may iba't ibang subject na kaylangang aralin. Katulad ng history, memorization ng simple spells, combat training, mana training at iba't iba pa, na kung iisipin ay talagang nakaktamad gawin.

Ito ang isa sa dahilan kung bakit marami saamin ang tutol sa pagpasok ni Bella, maliban samin, tutol din ibang class dito.

Labis nilang pinagpapaguran at pinaghihirapan para lang mapabilang sa elite class tapos siyang wala namang alam ay walang ka hirap hirap na nakapasok rito.

Hindi ko rin maintindihan sa Author ng mundong 'to, bakit nga ba masyado niyang pinadali kay Bella lahat? Ang Nonsense tuloy kung iisipin.

"Aa...ha...... Ha..."

Kunot ang noong napabaling ang tingin ko kay Gab ng mapansing ang kakaibang inaakto nito.

Teka nga, anong oras na ah, bakit hindi ba siya bumabangon?

Dali dali akong bumangon at lumapit sakanya.

"G,Gab? Gab.. gising Gab." Tapik ko sakanya. Bigla naman itong bumangon at hingal na hingal na tumingin sa paligid.

"Anong na-nangyari?" Naguguluhang tanong niya.

"Binabangungot ka," sagot ko. " Tsaka hindi kaba papasok? Anong oras na ah, kadalasan masnauuna kapang magising sa'kin."

"Hala oo nga, nahirapan kasi ako sa pag tulog kagabi, pero papasok ako." Sagot niya at pilit na ngumiti sa'kin.

"Sigurado ka?  Kung hindi maganda pakiramdam mo, masmabuting magpahinga kana muna."

"Nako Via, ayus lang ako, kaya ko. Tsaka kilala mo ko hindi ko rin gugustohin mastock dito mag-isa."

Sigh.

"Oh sige pero huwag mong pwersahin ang sarili mo kung hindi mo pa talaga kaya." Nag-aalalang bilin ko pa.

Hindi ko alam pero parang ang tamlay niya lalo ngayon. Hindi ba tumalab ang healing spell ko? Pero malabo 'yun, depende nalang....

Hindi Via, wag kang praning, baka wala lang talaga siyang sapat na tulog.

*****

Bella's point of View

Sigh

Hindi ko maiwasan hindi mapabuntong hininga. Simula nung araw na nakarecover ako, at malaman ang biglaang pag alis ni Professor Fablo ay pinili ko munang manatili saaking silid.

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon na manatili pa ko dito, tama bang pumunta pa ako sa mundong 'to?

Pero kahit naman anong gawin ko kahit ilang tanong ang itanong ko sa sarili ko, wala na akong choice nandito na ako. Itong lugar na ito nalamang ang pag-asa ko.

Third TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon