Isa ako sa mga taga hanga ni Akiro Salvador. Sikat at talaga namang pinagkakaguluhan s’ya ng mga babae sa school namin. Bukod kasi sa gwapo na, matalino pa, mabait, at lahat-lahat na.
Araw-araw pinagmamasdan ko s’ya mula sa malayo. Nakuntento na ako sa ganitong set-up. May mga pagkakataon na nakakasalubong ko s’ya sa hallway, pero wala lang. Sino ba naman ako diba? Isa lang akong hamak na taga hanga n’ya. Isang taga hanga na never n’yang mabibigyan nang pansin.
Sino ba namang makakapansin sa isang babaeng hindi kagandahan tulad ko. Masaya at kuntento naman ako sa kung ano ako. I was just stating the fact na malabong mapansin ng gaya n’ya ang hamak na katulad ko. Ganoon lang kasimple. Well, hindi naman na ako umaasa.
***
Lumabas agad ako pagkatapos ng klase ko. Inilabas ko ang payong ko at tinahak na ang daan papuntang gate. May napansin akong lalaki na naglalakad sa ulanan na ang gamit lang na pamayong ay ang mga braso n’ya. Binilisan ko ang aking hakbang para maabutan ko s’ya nang sa ganoon ay mapayungan ko na rin.
Nang maabutan ko s’ya ay agad ko s’yang pinayungan. Napatigil naman s’ya sa kaniyang paglalakad. Nakatalikod s’ya sa akin kaya hindi ko pa makita ang mukha n’ya. Tinanggal n’ya ang mga brasong nakatakip sa ulo n’ya. Natulala ako nang humarap s’ya sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko expected na si Akiro ang bubungad sa akin.
Pakiramdam ko sa aming dalawa lang ni Akiro umiikot ang mundo. Nakatayo kami sa gitna ng parking area ng mga nagtatrabaho sa school habang patuloy pa rin ang pagbuhos ang ulan. Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla s’ya ngumiti sa akin.
Hindi ko sukat akalain na mabibigyan ako ng pagkakataon na matitigan s’ya nang ganito kalapit. Kulang na lang ay hindi na ako kumurap dahil sa mala anghel na kaharap ko. At dahil nga hanggang chin n’ya lang ang taas ko ay medyo nakatingala ako na nakatitig sa kaniya. Wala na akong pakialam kahit mangalay pa ang leeg ko. Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang nasa mismong harap ko s’ya ngayon.
Lalong lumalabas ang kagwapuhan n’ya dahil sa gupit n’yang undercut tapos side part ‘yong style. Good boy na malakas ang dating kung titingnan. Hindi ko alam kung may kinalaman ba ang kurso na kinukuha n’ya sa haircut n’ya. Secondary Education major in Math kasi ang kurso na kinukuha n’ya habang ako naman ay Business Administration.
“Ayos ka lang?”
Natauhan lang ako nang magsalita s’ya. Sunod-sunod naman akong napatango bilang sagot sa kaniya. Hindi ko alam kung gaano katagal na ba akong tulala na nakatitig sa kaniya.
“Salamat”
Nakangiting sabi n’ya habang nakatingin pa rin sa akin. Ngumiti lang ako at umiwas na ng tingin sa kaniya. Nanlalambot na ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa sobrang saya nito.
“Ako na ang hahawak ng payong.”
Bahagya akong napaatras sa gulat nang akma n’yang hawakan ang payong. Naramdaman ko ang kamay n’ya sa waist ko.
“S-Sorry a-akala k-ko kasi na-out of balance ka.”
Mabilis n’yang tinanggal ang kamay n’ya sa waist ko. Tumango lang ako. Hindi ko na talaga kinakaya ‘to. Hinawakan na n’ya ang payong. Hindi naman sinasadyang masagi n’ya ang daliri ko. Agad ko namang binitiwan na ‘yong payong.
Alam kong wala lang sa kanya na nasagi n’ya ‘yong daliri ko, pero para sa akin kasi iba sa feeling. Syempre, crush ko s’ya e.
Sabay kaming naglakad papuntang gate, walang nagsasalita sa aming dalawa. Iniingatan ko na hindi ko s’ya masagi. Kahit medyo nababasa na ‘yong balikat ko. Sa pinaka likod kasi ‘yong building namin kaya medyo malayo ang lalakarin namin papuntang front gate.
Nagulat ako nang bigla na lang s’yang huminto. Mas nagulat ako nang bigla n’ya akong inakbayan at inilapit sa kaniya. Napatingin ako sa kaniya pero seryoso lang s’yang nakatingin sa daanan.
“Nababasa ka na e.”
Sabi n’ya pagkatapos ay nagsimula na ulit kaming maglakad. Pigil na pigil ang paghinga ko. Sana, sana lang ay hindi n’ya marinig ang mabilis na tibok ng puso ko.
Buti na lang wala masyadong estudyante. Iilan lang kasi kaming may mga panggabing subjects. Nakarating na kami sa gate at huminto kami sa shed malapit sa gate ng school. Lumayo na ako sa kaniya ng konti kasi hindi ko na kakayanin. Pinanghihinaan na ako ng tuhod. Kami lang dalawa ang nandito sa shed kaya sobrang nakakailang.
“Salamat sa pagpapasukob sa akin.”
Nakangiting sabi n’ya habang pinanunuod ang wala pa ring tigil na patak ng ulan. Tahimik lang akong nakatingin sa kaniya.
“Dito ka lang ba?”
Inalis ko ang tingin ko sa kaniya nang humarap na s’ya sa akin.
“O-Oo, gamitin mo na ‘yang payong ko para makauwi ka na.”
Hindi ko s’ya tinitingnan sa mata. Hindi ko kaya.
“Hindi na… nakakahiya na sa’yo.”
Goodness! Gusto ko na s’yang paalisin kasi naiilang ako sa kaniya.
“Okay lang. May sundo naman ako e.”
Sabi ko.
“Hintayin ko na lang na dumating ‘yong sundo mo. Ang sama ko naman kung iiwan lang kitang mag-isa rito.”
Hindi na ako umimik pa. Tahimik lang kaming nakatayo habang tinitingnan ang sunod-sunod na pagpatak ng ulan.
After 5 minutes, may tumigil na kotse sa harap namin. Finally, dumating na rin ang sundo ko. Poker face akong sumakay sa kotse. Hindi ako lumingon sa kaniya kaya hindi ko alam kung ano ang expression ng mukha n’ya. Alam kong mali ang ginawa ko, pero kasi ilang na ilang na ako.
Pagkaalis ng kotse saka lang ako lumingon. Nakatayo lang s’ya, ilang seconds pa ang itinagal n’ya roon bago n’ya binuksan ang payong at umalis na rin.
Nagpagulong-gulong ako sa kama ko. Gabing-gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko ang mga nangyari kanina. Kinakain ako nang konsensya ko sa hindi ko pagpansin sa kaniya. Hindi man lang ako nag-paalam. Basta ko na lang s’ya iniwan doon, matapos n’ya akong samahan na hintayin ang sundo ko. Anong gagawin ko?
Dapat ba akong humingi ng sorry sa kaniya dahil sa ikinilos ko? Ano naman kaya ang iispin n’ya kapag ginawa ko ‘yon?
Magsosorry ba ako o hindi? Aaarrrgh! Ano na ba kasi ang dapat kong gawin?
***
NO TO PLAGIARISM ‼️
Please don't forget to vote, comment and follow!
Maraming salamaaat 🖤©️ All Rights Reserved. His Secret Girlfriend
BINABASA MO ANG
His Secret Girlfriend (On-going)
RomanceMadalas kong naririnig na ang crush is paghanga. Crush na kapag tumagal ay nawawala o lumalala. Dalawa lang naman ang maaaring kahantungan. Una, maaaring mawala, mapalitan, o madagdagan ang hinahangaan mo. Pangalawa, maaaring mag-turn sa 'like'. Hin...