KABANATA VII

19 1 0
                                    

Pagpasok ko sa gate ng school, sinalubong agad ako ni Dani at Dana. Napakunot naman ang noo ko dahil hindi maipinta ang mukha nilang dalawa.

“Are you mad?”

Tanong ni Dana sabay hawak sa kamay ko.

“Prank ba ‘to?”

Naguguluhang tanong ko sa kanila.

Galit ka ba sa amin ni bal?”

Seryosong tanong ni Dani sabay hawak sa isa kong kamay.

“Bakit naman ako magagalit sa inyong dalawa?”

Balik na tanong ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Ano bang nangyayari sa dalawang ‘to? Bakit naman nila iisiping galit ako sa kanila?

“Dahil sa nangyari kahapon.”

Sabi ni Dani.

“Hindi ako galit sa inyo, okay?”

Paglilinaw ko. Sabay naman silang napabitaw sa kamay ko.

“Akala talaga namin galit ka sa amin e.”

Sabay nilang sabi at sabay rin na nagbuntong hininga.

“Ang adik n’yo rin e ‘noh.”

Medyo natatawang sabi ko.

“Tara na.”

Humawak ako sa magkabilang nilang braso at sabay-sabay na kaming naglakad.

Napatigil kami sa paglalakad dahil bigla na lang umingay ang paligid. Nagkumpulan ‘yong mga babae sa gate dahil sa pagdating ni Akiro. Sinalubong s’ya nang sunod-sunod na mga tanong. Akala mo mga reporter kung makapag tanong sila at kinukuhanan nila ng pahayag si Akiro.

Siniko naman ako ng mahina ni Dana kaya napatingin ako sa kaniya. Tinaasan n’ya lang ako ng kilay. Ibinaling ko ulit ang tingin ko kay Akiro na pinaliligiran ng mga babae.

“Wala ka man lang bang gagawin, girl? Nililinta na ‘yong jowa mo oh!”

Sabi ni Dani habang masamang nakatingin sa mga babaeng nakapaligid kay Akiro.

“Hanggang kailan mo kayang tiisin ‘yang ganiyang scenario, Andy?”

Dagdag naman ni Dana.

“Alam n’yo naman na wala akong magagawa e,”

Malungkot na sabi ko.

May dumating na tatlong babae. Natatandaan ko ang mga mukha nila, sila ‘yong mga babaeng lumapit sa akin dati sa labas ng gym. Tumahimik ang mga babaeng nakapaligid kay Akiro na parang sirang plaka na kanina paulit-ulit sa katatanong. Hindi naman sila pinapansin ni Akiro. Nagtaka kaming tatlo kung bakit nagbigay ng way ‘yong mga babae para makalapit kay Akiro ‘yong tatlo.

“Anong meron? Special treatment?”

Rinig kong pagtatakang tanong ni Dani.

Nagkabalikan na ba sila ni Trixie?”

Napalingon kaming tatlo sa dalawang babae na medyo malapit sa kinatatayuan namin.

“Naging sila ba?”

Balik na tanong no’ng isa.

“Hindi ko rin sure kung totoo e. Diba may kumalat dati na girlfriend ni Akiro si Trixie.”

His Secret Girlfriend (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon