7 PM
Kaniya-kaniya nang nagsilabasan ang mga kaklase ko. Maingay ang paligid dahil sa buhos ng ulan. Wala ako sa sariling tumayo na at naglakad palabas ng classroom. Sobrang daming tumatakbo sa isip ko gaya nang kung paano ko sasabihin kay Akiro ‘yong nangyari o dapat ko pa bang sabihin.
Napatigil ako sa paglalakad nang may mabunggo ako. Umatras ako at nakita ko si Akiro. Seryoso ang expression ng mukha n’ya at diretsong nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko naman magawang tumingin sa kaniya. Ang ginawa ko na lang ay lumingon ako sa paligid at inalam kung may mga estudyante pa ba.
“Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?”
Nabalik ang tingin ko kay Akiro. Bakas sa mga mata n’ya ang labis na pag-aalala.
“S-Sorry”
Sambit ko.
Wala na naman akong ibang masabi kundi sorry. Tumango-tango s’ya pagkatapos ay pilit na ngumiti. Nasaktan ko na naman s’ya. Hanggang kailan ko kaya s’ya sasaktan?
“Kung hindi pa sinabi sa akin ni Andrei, hindi ko pa malalaman.”
Ramdam ko ang lungkot sa boses n’ya. Maingat n’yang idinampi ang palad n’ya sa pisngi ko.
“M-Masakit ba?”
Umiling lang ako bilang sagot at bahagyang ngumiti.
“Uwi na tayo at baka lumakas pa lalo ang buhos ng ulan.”
Hinawakan n’ya ang kamay ko. Magkahawak kamay naming tinahak ang daan patungo sa gate.
Binitiwan n’ya ang kamay ko nang makarating kami ng gate. Inilabas n’ya ang kaniyang uniform na nakalagay sa bag n’ya. Inilagay n’ya ito sa ulo ko. Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya.
“Para walang makakilala sa’yo kung sakaling may makakita sa atin.”
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko habang nakatingin ako sa mga mata n’ya.
Kailan ba ako magiging proud na maglakad sa tabi n’ya? Kailan ba ako hindi makakaramdam ng kaba o takot na baka may makakita sa aming magkasama?
Binuksan n’ya ang payong na dala n’ya at sabay na naming tinahak ang daan papunta sa sakayan ng tricycle. Hindi rin kasi ako masusundo ni mommy dahil kailangan n’ya na namang mag-overtime sa work. Ngayon ko lang ipinagpasalamat na overtime s’ya. Ayaw kong makita n’ya ang sugat sa labi ko at ayaw ko rin na dumagdag pa sa iisipin n’ya.
***
Tinitigan ko ang mukha ko sa salamin bago ako tuluyang lumabas ng bahay. Mabuti na lang at hindi na masyadong halata ‘yong pasa sa pisngi ko ganoon din ang sugat sa gilid ng labi ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawang pagsampal sa akin ni Trixie. Huwag lang talaga magcross ang landas namin ngayong araw.
Malayo pa lang ay natatanaw ko na ‘yong kambal. Nakatayo sila sa harap ng gate. Busy na naman si Dana sa hawak n’yang libro. Si Dani naman ay palinga-linga na parang may hinahanap. Bakit kaya hindi pa sila pumapasok? Hinihintay ba nila ako?
“Buti naman at dumating ka na. Kanina ka pa kaya namin hinihintay ni kambal.”
Bungad sa akin ni Dani sabay hawak sa braso ko. Sandali lang akong tiningnan Dana at bahagyang ngumiti. Pagkatapos ay itinuloy n’ya na ang pagbabasa. Naglakad na kami papasok sa loob.
“Oh look who’s here.”
Tingnan mo nga naman, kung sino pa ang ayaw mong makita ay s’ya pang bubungad sa’yo. Nakatayo si Trixie malapit sa gate. Hinihintay n’ya na naman siguro ang pagdating ni Akiro.
BINABASA MO ANG
His Secret Girlfriend (On-going)
RomanceMadalas kong naririnig na ang crush is paghanga. Crush na kapag tumagal ay nawawala o lumalala. Dalawa lang naman ang maaaring kahantungan. Una, maaaring mawala, mapalitan, o madagdagan ang hinahangaan mo. Pangalawa, maaaring mag-turn sa 'like'. Hin...