Umikot ako sa kabilang gilid ng aking kama dahil ramdam ko na ang sikat ng araw na nagmumula sa bintana ng aking kwarto. Wala akong klase every Saturday kaya hanggang ngayon hindi pa rin ako bumabangon.
Pagkatapos kong uminat ay tumayo na rin ako. Kumukulo na rin kasi ang t’yan ko sa gutom. Lumabas ako sa aking kwarto at dumiretso sa kusina. May nadatnan naman akong pagkain sa lamesa. Kinuha ko ang sulat sa ibabaw nang natatakpang pagkain.
“Alam kong tanghali ka na naman magigising kaya ipinagluto na kita ng kakainin mo. S’ya nga pala pag-uwi ko mag-uusap tayong dalawa. May boyfriend ka na pala hindi mo man lang sinabi sa akin.”
Nanlaki naman ang mga mata ko sa nabasa ko. Paano n’ya nalaman na may bf na ako? Oh my gosh!
“Ipinagpaalam ka n’ya sa akin kanina na kung pwede ka raw n’yang ipasyal. Mag-iingat kayo sa date n’yo. May utang kang kwento sa akin mamaya. Love, mom.”
Ang sweet talaga ni mommy.
Close kasi kami ni mommy, we’re like bestfriends. Lahat kinukwento ko sa kaniya. Alam n’ya na may crush ako. Nitong mga nakaraang araw hindi na kami masyadong nagkukwentuhan kasi palagi s’yang overtime sa work n’ya. Naiintindihan ko naman. Excited na ako mamaya na ikwento sa kaniya ang about sa amin ni Akiro, ang ultimate crush ko.
Naglalakad ako ngayon papunta sa 24/7 store na tinutukoy ni Akiro. Hindi naman malayo ang store na ‘yon sa bahay namin kaya pinili ko na maglakad na lang. Limang minutong lakaran lang naman at makakarating na ako. Gusto pa nga sana akong sunduin ni Akiro kaya lang ay tumanggi ako. Ayoko rin kasi na may makakita sa aming dalawa na magkasama. Hindi ko alam kung hanggang kailan mananatiling sekreto ang relasyon namin ni Akiro. Pero, hangga’t kaya pang itago, pipiliin kong patuloy lang na itago. Alam ko na paulit-ulit ko s’yang masasaktan sa desisyon ko na ‘to. Wala naman akong magagawa dahil natatakot ako sa maaaring mangyari.
Nagulat ako nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman itong sinagot nang makitang si Akiro ang tumatawag.
“Love, where are you?”
Bungad na tanong agad ni Akiro sa kabilang linya. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil naiimagine ko ang mukha n’ya.
“Malapit na ako.”
Sagot ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa hiya. Hindi ko namalayan na may nakatingin na pala sa akin. Mukha siguro akong baliw sa paningin n’ya dahil ngumingiti akong mag-isa.
“Dapat kasi pumayag ka na lang na sunduin kita.”
Pinigilan ko ang mapangiti. Alam ko na sa oras na ‘to ay nakanguso si Akiro na para bang bata.
“Huwag kang mag-alala, malapit na ako…”
Sagot ko.
Tumigil ako sa paglalakad nang makita ko si Akiro na nakatayo sa gilid ng store. Black t-shirt ang suot n’yang pang itaas, black na pants naman ang pang ibaba, at nakawhite shoes. Ang simple n’ya lang tingnan sa suot n’ya, pero ang lakas nang dating. Hindi talaga maiiwasan na may mapatingin sa kaniya kung ganiyan s’ya kagwapo. Tsk!
“Love, tingin ka sa kaliwa.”
Sabi ko. Agad naman s’yang tumingin sa kaliwa n’ya kung nasaan ako. Pinatay ko na ang tawag at naglakad na palapit sa kaniya. Nakatingin lang s’ya sa akin at walang reaksyon.
“Okay ka lang?”
Tumigil ako sa harap n’ya. Inalis ko ang kamay n’ya na hanggang ngayon ay nakatapat pa rin sa tenga n’ya na para bang may kinakausap pa.
BINABASA MO ANG
His Secret Girlfriend (On-going)
RomanceMadalas kong naririnig na ang crush is paghanga. Crush na kapag tumagal ay nawawala o lumalala. Dalawa lang naman ang maaaring kahantungan. Una, maaaring mawala, mapalitan, o madagdagan ang hinahangaan mo. Pangalawa, maaaring mag-turn sa 'like'. Hin...