Naging magkarelasyon kami ni Akiro. I’m his secret girlfriend. Hindi kami nagkakasama sa school, hindi nagkakausap ng personal, hindi nagkakasabay kumain kapag break time, hindi namin nagagawa ang mga normal na ginagawa ng mga magkarelasyon. Pero lahat ‘yon tanggap at kinakaya ni Akiro.
Alam ko na may mga times na nasasaktan ko na s’ya dahil sa sarili kong kagustuhan na magtago bilang girlfriend n’ya. Natatakot kasi akong mahusgahan kapag nalaman ng iba, natatakot ako sa sasabihin nila sa akin.
Kasama ko sina Dani at Dana na nakaupo sa gilid ng pathway. Nagrereview ako para sa susunod kong subject.
“Gimik tayo after class.”
Sabi ni Dani.
“Game ako d’yan, bal.”
Pagsang-ayon naman ni Dana sabay tiklop ng librong binabasa n’ya. Napatigil ako sa pagrereview nang dahil dito. Sabay kaming hindi makapaniwalang napatingin ni Dani kay Dana dahil sa naging sagot n’ya. Kadalasan kasi talaga ay hindi s’ya sang-ayon kapag usapang gimik.
“Why?”
Sabay kaming umiling ni Dani bilang sagot. Tinitigan naman nila akong dalawa at hinihintay ang magiging sagot ko.
Hindi naman ako makapag-salita kasi nakita ko si Akiro na parating.Nahalata naman ni Dani at Dana kung bakit hindi ako umiimik kaya tumahimik na lang muna sila. Alam nilang dalawa ang tungkol sa relasyon namin ni Akiro.
Ngumiti sa akin si Akiro, pero naging seryoso rin s’ya agad. May mga kasalubong kasi s’ya tapos may mga babaeng bumabati sa kaniya. Bumibilis na ang tibok ng puso ko dahil palapit na s’ya nang palapit sa pwesto namin. Nagulat ako nang huminto s’ya sa gilid ng table kung saan kami nakaupo. Kunwari inaayos n’ya bag n’ya pero may pasimple s’yang nilapag sa table namin. Pagkatapos ay umalis na s’ya. Hindi ko na s’ya nilingon.
“Ayiiieee! Haba naman ng buhok mo, girl.”
Sabi ni Dani sabay hampas sa braso ko.
“Huwag kang maingay!”
Saway ko kay Dani. Agad n’ya namang tinakpan ang bibig n’ya at lumingon sa paligid. Nang masiguro n’ya na walang nakahata ay muli n’ya akong hinampas sa braso. Hindi ko na pinansin ang sakit sa ginawang paghampas sa akin ni Dani. Mas nangibabaw kasi ang kilig na nararamdaman ko.
“Tingnan mo na kung ano ‘yan.”
Sabay nguso ni Dana sa nakaplastik na galing kay Akiro. Kinuha ko naman ito. Pagbukas ko sa plastic bumungad agad sa akin ‘yong sticky note na nakadikit sa chuckie which is sobrang favorite ko.
“Ano ang laman?”
Excited na tanong ni Dani.
“Huh? A-Ano… Wa-Wala.”
Sagot ko.
“Weh?”
Sabi naman ni Dani na hindi naniniwala.
“Bakit namumula ang mukha mo?”
Umiling lang ako.
“Patingin.”
Sabi ni Dani sabay hila sa plastic na hawak ko. Tumayo silang pareho ni Dana at lumayo sa akin. Wala na akong nagawa.
Nilabas ni Dani ‘yong chuckie sa maliit na plastic at sabay silang umirit nang makita ang nakasulat sa sticky note. Napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa ginawa nila. Pinagtinginan tuloy sila ng ibang estudyante, pero ayon dedma lang silang dalawa. Lumapit sila sa akin.
“I miss you, love.”
Sabay nilang basa sa nakasulat.
“Huwag nga kayo maingay d’yan!”
BINABASA MO ANG
His Secret Girlfriend (On-going)
RomanceMadalas kong naririnig na ang crush is paghanga. Crush na kapag tumagal ay nawawala o lumalala. Dalawa lang naman ang maaaring kahantungan. Una, maaaring mawala, mapalitan, o madagdagan ang hinahangaan mo. Pangalawa, maaaring mag-turn sa 'like'. Hin...