Nang makapasok ako ng gate ay nagulat ako dahil may apat na babae ang nagmamadaling naglakad palapit sa akin. Napatigil ako sa paglalakad at hindi ko malaman ang gagawin ko. Kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko. Naalis lang ang kaba sa dibdib ko nang lampasan nila ako.
“Akiro…”
Sambit no’ng isang babaeng nakapwesto hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Ibig sabihin ay nasa likuran ko lang din si Akiro. Bumilis na naman ang pagtibok ng puso ko. Gusto ko nang umalis pero hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko.
“Okay ka lang ba, girl?”
Nagulat ako nang bigla na lang sumulpot sina Dani at Dana sa harap ko. Seryosong nakatingin si Dani sa likuran ko. Hinawakan naman ni Dana ang magkabila kong pisngi.
“Namumutla ka girl… anong nangyari sa’yo? Okay ka lang?”
Tumango lang ako bilang sagot.
“Hay naku, girl. Kailan ka ba kasi lalantad na girlfriend ni Akiro. Tingnan mo oh nililinta na naman ang boyfriend mo.”
Sabi ni Dani sabay sunod-sunod na umiling. Inalis na ni Dana ang kamay n’ya sa pisngi ko at tumingin sa kung saan nakatingin ang kambal n’ya.
“A-Akiro, totoo bang may girlfriend ka na?”
Hindi ako lumingon sa kanila. ‘Yong kambal lang ang nakakakita kay Akiro at sa kung ilang babae na naman ang sumalubong sa kaniya. Gusto ko na sanang umalis pero mas gusto ng tenga ko na marinig ang isasagot ni Akiro sa tanong sa kaniya.
“Oh my gosh! Nakatingin dito si Akiro...”
Pabulong na sabi ni Dani na may pahila pa sa braso ko.
“Huwag ka ngang magulo kambal, baka mamaya akalain nila na ikaw ang tinutukoy ni Akiro.”
Pagsaway ni Dana sa kambal n’ya. Agad naman na tumigil si Dani sa ginagawa n’yang paghila sa braso ko.
“Yes.”
Sagot ni Akiro. Ramdam ko na nakatitig s’ya sa akin.
“Si T-Trixie ba?”
Napakagat labi ako dahil sa tanong.
“Hindi.”
Mabilis na sagot ni Akiro.
“Gigil ako ng babae na ‘to. Tara na girl, ready na akong sabunutan ‘yong nagtanong na ‘yon.”
Palakad na sana si Dani kaya lang ay hinila s’ya ni Dana pabalik.
“Tara na.”
Hinawakan ko ang braso ng kambal at hinila ko na sila paalis. Nang masiguro ko na malayo na kami sa kanila ay tumigil na ako sa paglalakad. Bumitaw na ako sa pagkakahawak ko sa kambal. Naguguluhan silang nakatingin lang sa akin.
“Oh bakit naman ganiyan kayo kung makatingin sa akin? Alam ko, okay? Hindi ko pa lang kaya sa ngayon.”
Ngumiti ako at sinikap na huwag pumatak ang luhang namuo sa mga mata ko. Umagos ang luha sa magkabila kong pisngi nang yakapin ako ng kambal.
“H-Hindi n-naman d-dapat a-ako iiyak e...”
Humihikbing sabi ko habang yakap pa rin nila ako.
“Nakakainis kayo!”
Yumakap na rin ako sa kanilang dalawa.
Sobrang bigat sa pakiramdam na binabalewala ko lang si Akiro. Sobra akong naiinis sa sarili ko. Kung nasasaktan ako, kung nahihirapan ako, kung ganito ang nararamdaman ko ngayon, paano na lang kaya si Akiro. Wala na naman akong naiisip na gawin kung hindi ang magsorry sa kaniya.
BINABASA MO ANG
His Secret Girlfriend (On-going)
RomanceMadalas kong naririnig na ang crush is paghanga. Crush na kapag tumagal ay nawawala o lumalala. Dalawa lang naman ang maaaring kahantungan. Una, maaaring mawala, mapalitan, o madagdagan ang hinahangaan mo. Pangalawa, maaaring mag-turn sa 'like'. Hin...