Sa ilang araw ay ganoon ang nangyayari sa amin. Mang-aasar siya at uulitin ako ng panget dahil sa mga tigidig ko sa mukha dahil marami ay halatang halata na akala mo nga ay tagihawat na tinubuan na lang ng mukha. Pero minsan ay nakakainis na din. Tapos pag natagalan ang guro manggugulo siya o di kaya ay banat ng kanyang lumang pick up lines.
"Kape ka ba?" Biglang banat nya.
"Hindi." Seryoso kong sagot. Napakamot naman sya sa ulo nya sa sagot ko.
"Ayyy... Ang sasabihin mo lang ay bakit. Ano kana uulitin ko ai. Kape ka ba?" Pag- uulit nya sa tanung nya kanina.
"Oh, bakit?" Naguguluhan man ay tinanung ko din.
"Hindi mo kasi ako pinapatulog kakaisip sayo." Banat nya.
"Ayyy.. anong corny mo." Naiilang kong sabi sa kanya.
Lagi na syang ganyan kaya minsan ay hindi ko na pinapansin, gaya ngayon puyat na naman ako kababasa ng e-book. At dahil 2 o'clock na ang panahong halos lahat ay gusto ng matulog. E gusto ko sanang umidlip kaso ang napakabait kong pinsan pinupokpok ang lamesa ng teacher na narito sa unahan.
"Anne? Anne?" Tawag nya sa akin.
"Bakit?" Tanung ko.
"Anne, nagreview ka na ba?"
"Bakit? Wala naman tayong quiz at recitation." Nalilitong tanung ko.
"Aish! Pick up line yun." Sabi nya.
"Hehe... Sorry naman." Napakamot naman ako sa batok ko.
"Oh, ulitin ko ah. Nagreview ka ba?" Seryosong tanung nya.
"Bakit?,... Kasi pasasagutin mo na ako mamaya. Wag kang mag-alala sasagot ako ng no." Nakangising sagot ko.
"Putik! Bakit alam mo Yun." Tanung nya.
"Mga laos naman ang pick up lines mo." Nakangisi at iiling iling na Sabi ko sa kanya.
"Wala, iba pa rin pag ako na ang nagsabi." Sabi niya. Naiiling na lang ako sa sinabi nya. Lakas talaga hangin non e.
Lagi kaming ganun mag-aasaran, pag - uusapan ang mga naging crush nya at ang may gusto sa kanya. At yung babaeng 'mahal' nya talaga.
"Kaya mo pa kayang maghintay after 10 years?" Tanung ko hindi kasi ako naniniwala, baka niluluko na lang 'tong pinsan kong ito.
"Ea, un ung sinabi nya. Kaya kakayanin ko." Sabi nya. Napapangiti na lang ako, ang palad nung girl sa pinsan kong 'to at hihintayin sya kahit matagal.
"Ea, bakit nagjojowa pa sya?" Tanung ko sa kanya. Kasi may narinig akong kwento na ganun.
"Ewan ko nga dun. Pinaghihintay ako pero may iba." Napa - iling na lang ako sa sinabi nya.
"Basta ako iintayin sya." Dagdag nya pa.
"Swerte na nga sya kasi may handang mag- antay sa kanya e. Bakit parang balewala lang sa kanya?" Tanung nung kaklase long isa na si Reah. Hindi naman na sumagot 'tong si Gelo. Kaya iniba na rin ang usapan namin.
Mas naging close pa lalo kami ni Gelo dahil na din siguro lagi din kaming nagkakakwentuhan. Gaya ngayong araw nagkwekwentuhan kami kasama ang iba naming kaklase habang nagsusulat dahil wala ang guro namin at nagpapasulat daw. Na- isama sa kwentuhan na kamukha ko daw si Mae, yung girl na hinihintay nitong pinsan kong ito.
"Malayo kaya." Sabi ni Gelo habang tinititigan ako, ako naman ay nagsusulat lang at di sila pinapansin.
"Oo nga, Anne ipakita mo kasi ng I.d. mo." Sabi ng kaklase ko sa akin. Pero di ko pa din pinansin at pinagpatuloy na lang ang pagsusulat.
"Patingin nga." Sabi ni Gelo kaya wala akong nagawa kundi ang ibigay ang i.d. ko. Upang wala ding umistorbo sa akin kasi alam kong kukulitin ako ni Gelo na ipakita ang i.d ko.
"Malayo naman ah." Sabi ulit nila Gelo at ni Gin.
"Baliktarin mo kasi." Sabi ni Christine kay Gelo at ginawa naman agad nito.
"Wengya, oo nga no." Sabi ni Gelo. Di makapaniwalang sabi ni Gelo.
May similarities nga tagala kasi kami kahit sa personal ang nag-iba lang makinis at bagsak ang buhok nya, ako dugyot kasi puro tagihawat ang mukha ko at buhaghag ang buhok na pwede ng walis tambo. Parang siya yung glow up version ko, Kung may iglo-glow up ako. Marami na din kasi ang nakakapansin nun, kahit ang mga guro namin. Simula ng makita nila si Mae. Kahit ako nga nalinlang din ng sarili kong mga mata ng una kong makita ang i.d ko kasi sa picture ko na lang tinitingnan at hindi sa name kasi napakarami nun kaya akala ko nung una naisama sa batch namin ang i.d. ni Mae pero hindi pala dahil sa akin yun.
"Kamukha mo talaga sya." Hanggang hanggang sabi ni Gelo habang hawak ang I.D ko. Tumango na lang ako bilang sagot.
"Oo nga ano? Ikaw ahhhh..." Panunukso sa akin ni Gin after nyang makita ang i.d ko.
"Huh? Anong ako?" Naguguluhang tanung ko.
"May gusto ka wari kay Gelo." Sabi ni Gin, nakasinging napailing na lang ako sa theory ni Gin.
"Aish! Pinsan ko yan Gin."
"Ako? Hui, wala akong balak pumatos sa pinsan ko noh?" Sabi ko na lang sa kanya kasi yun ang rule ko sa sarili ko.
Tas ganun na nga ang maghapon namin ang pag-usapan ang pagkakaroon ng similarities namin ni Mae dahil hindi makaget over si Gelo na magkamukha kami ni Mae.
YOU ARE READING
Mr. Panget meets Mr. Assuming
Novela JuvenilA high school loves story. They know each other in years but just in a name not who they really are. They lived in a same baranggay and they are classmates. However they are not close enough to call each other friends. And in their grade 10 year t...