Anne P.O.V.:
Haist! Mahuhuli na naman wari ako sa klase ko. It's already 7: 28 and I only have 2 minutes before the bell rings. Lunes pa naman ngayon, mayroon kaming flag ceremony at lahat kami ay kailangang pumunta dun kahit na huli ka pa. Kaasar! Baka maging instant famous ako nito."Bebe bilisin mo naman ah. Mahuhuli na tayo." Medyo naiinis ko ng sabi sa kapatid ko. Kahit malaki na kami iyon pa din tawag sa kanya kasi sa lahat ng magpipinsan sya ang pinakabata plus bunso ko pa sya. Dadalawa lang naman kasi kami. Pero ang mabait king kapatid inirapan lang ako.
"Haist! Buti naman at nakaabot pa tayo." Ng nakarating sa school at makita ang oras sa relong pambisig ko.
(Ring... Ring... Ring)
Agad naman akong pumasok sa room namin dahil malapit lang kami sa school gate at dali dali kong binaba ang bag ko dahil sakto namang tumunog ang bell.
"Guys, tara na. Pakibilisan ang mga kilos dahil nandyan ang principal ayaw nun ng may natitira sa loob ng classroom. Makikita dito Kung may tao lalo nasa tapat Lang natin ang faculty room." Sabi ng isa kong kaklase na SSG (Supreme students government) officer dahil ang iba ay nagpolbo at nagpapaganda o gwapo pa dahil umagang umaga ay hagard na dahil naglinis. And fyi, perks of being late di ka makakapaglinis.😅😛
Ng narinig iyon ay medyo bumilis ang kilos nila. At agad ding pumila ganun din ako na pumunta sa medyo malapit sa unahan dahil masakit aminin ay hindi ako matangkad pero at least hindi ako ung pinakamaliit mga panglima lang naman. After ng flag ceremony naman ay agad din naman nagsipunta ang lahat sa kani- kanilang room para makapagsimula na ng klase.
"Anne check the attendance." Utos ng adviser namin kahit hindi nakatinggin sa akin dahil nag- aayos ng projector. Tumango naman agad ako kahit di nya ako nakikita at agad na kinuha ang attendance notebook. Aist! Napabuntong hininga na lang ako sa isip ko. Di naman ako nagrereklamo pero ang totoo di dapat ito ang gawain ko kasi di naman ako secretary ng room at di din naman kagandahan ng sulat ko pero ako ang inatasan kasi ako naman ang secretary ng SSG. Dahil na din sa napakasipag ng nabotong secretary dito sa room namin.
Break time namin ngayon at may mga kanya kanya kaming mga mundo at grupo dahil na rin sa apat na taong pagsasama at ang iba ay mas matagal pa. At dahil siguro matured na kami, wala na masyadong lumalabas sa room namin. Ang iba nakatambay lang sa labas na katabi din ng room namin, ang iba ay nagse- cellphone lang, ang iba ay nagchichikahan gaya namin ni Tita Ayi, tita ko from my mothers cousin na nandito sa likod nakaupo.
"Anne kanina ka pa tinititigan ni Gelo. " Sabi sa akin ni Tita habang nakatinggin sa likod ko. Kaya agad din naman akong lumingon at tininggnan kung totoo nga. At ng makumperma ko ay agad ko itong inirapan kasi ganyan din ang ginawa nya nung isang araw kay Mica na kaklase namin. Walang magawa kaya nang- buburaot ng mga babae. Or I better say na nakikipagflirt sa girls through sending message in his eyes.
"Ganyan naman na yang si Gelo, wala magawa sa buhay. Nung isang araw na kasama ko si Mica nagreklamo dahil tinititigan sya ni Gelo sa mata ilang araw na." Naiilang kong sabi, wapakels sa kalukuhan nya. Ewan din kung bakit di ako madala sa appeal nya, kasi sabi nga nila ma-appeal daw yung pinsan ko na iyon. Kaya siguro ganun kasi ilang taon na kaming magkaklase at alam ng lahat na medyo may pagkaflirt ang Tiyo mo at siguro na din dahil pinsan ko sya.
"May gusto daw sya sa iyo kaya ganyan iyan." Sabi ni Tita sa akin.
"Tsk! Sari ka Tita e. Pinsan ko yan, tas masayado lang flirt yan." Sabi ko kasi naman iyon ang totoo, di lang sure kung fourth o fifth cousin ko sya e.
"Sabi nya nga sa akin, may gusto daw sya sa iyo. Maganda ka naman din kasi." Muli nyang tudyo sa akin sa pinsan namin. Oo, pinsan namin kasi nga pinsan nya din iyon gaya ko. Di na lang ako nagreact sa sinabi nya.
Kinabukasan, ay agad na dumating ang aming guro sa aming silid - aralan. At nakita kaming magugulo. May mga naglalaro sa likod ng mini militia, may nagkwekwentuhan, may mga nagpapaganda at nagpupusudan.
"Silence class! ... Tumayo kayong lahat at isama ninyo sa inyo ang inyong nga gamit." Galit na sabi ng adviser namin. Kaya kaming lahat ay tumayo.
"Anne, dyan ka na. Kailangan kita dito sa unahan para kapag may absent ay maibibigay mo sa akin." Sabi ni Ma'am ng makita nya akong tumayo din. Tumango naman agad ako at umupo na dito kasi talaga na ako pinaupo sa pinakaunahan.
"Mica dun ka sa 1st row sa gilid.... Ikaw naman Emman dito ka sa likuran ni Anne." Sabi ni Ma'am. Umupo na ang iba sa kani- kanilang upuang ibinigay ng adviser namin habang ako ay nasa upuan pa din nakikinig na lang.
"Gelo dito ka sa tabi ni Anne." Sabi ni Ma'am.
Pagkatapos ng sitting arrangement ay nagturo na si Ma'am. At buong maghapon ay turo, pakikinig, at pagsusulat na lang ang ginawa namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/316846324-288-k368435.jpg)
YOU ARE READING
Mr. Panget meets Mr. Assuming
Teen FictionA high school loves story. They know each other in years but just in a name not who they really are. They lived in a same baranggay and they are classmates. However they are not close enough to call each other friends. And in their grade 10 year t...