Hindi ko alam kong anong meron ngayon araw dahil inuulit na kami ng mga kaklase namin. Tapos nakahiligan na rin ni Gelo na manitig, oo nga at dati ng naninitig si Gelo pero tumigil din naman ngayon na lang ulit naulit.
"Wag ka daw manitig." Sita ko sa kanya. Naiilang kasi talaga ako, ganito na kasi ako ayaw kong may tumitingin o naninitig sa akin. Mahiyain akong tao hindi lang halata, hahaha.... Pero wala naninitig pa rin sya kaya hindi ko na lang pinansin at patuloy ako sa kung ano mang ginagawa ko.
Mawawala na sana ang atensyon ko sa paninitig ng mabait kong katabi kaso pinansin ng kaibigan kong si Christine.
"Matutunaw yang si Ate Anne, kung ice cream lang sya tunaw na sya sa paninitig mo Kuya Gelo." Sabi ni Chris pareho kasi naming pinsan ni Gelo."Ai... Alisin mo naman ang iyong paningin sa kanya at hindi naman iyan mawawala." Sabi ni Reah.
Kaya inulit na naman kami ng mga kaklase namin, ilang na ilang na nga ako. Pinabayaan ko na lang sila kasi lalo daw kaming uulitin kung magalit pa ako.
At habang tumalagal pati mga guro namin inuulit na kami. Ewan ko nga ba paniwalang paniwala sila na may gusto daw sa akin si Gelo. Gaya ngayon, may ang topic namin ay about infatuation wari, hahaha... Ang bait kung bata di ba? Basta pinag- uusapan ay about sa pagkakaiba ng panliligaw noon at ngayon.
"Anne anong gusto mo na pagnililigawan ka?" Tanung ni Gin sa akin.
"Huh? Syempre ung gaya ng dati pangit kasi yung way ngayon. Mas maganda pa din yung traditional way." Patay malisyang sagot ko.
"Oh, Gelo alam mo na." Sabi ni Gin kay Gelo magkatabi kasi sila sa likuran. Lumipat kasi si Gelo muna doon.
"Ahhhh... Sige, alam ko na." Seryosong sabi ni Gelo. At yun naghiyawan naman ang mga kaklase ko, kilig na kilig sila. Ako naman ay hiyang hiya na dahil natuon ang atensyon sa akin at kay Gelo.
Ewan ko nga ba kung bakit hindi nagrereact yung isang iyon, e may iniintay naman sya. Tapos minsan sya na ang gagawa ng paraan para lalo kaming maulit, isang araw nga bigla na lang babanat iyon ng pick up lines.
"Anne, I think you dropped something." Seryoso nyang sabi sa akin.
"Ano?" Naguguluhang tanung ko sanay na kasi ako sa kanya e.
"My jaw! Because you're so beautiful. Makalaglag panga."
"Nakakatuwa ka naman dami ko tawa Ai, mga tatlo. Corny mo." Naiiling na sabi ko sa kanya.
Tapos ang hilig nya pang umakbay. Naiinis naman ako dun, ayaw ko sa lahat ay may umaakbay sa akin na lalaki.
"Gelo alisin mo yang kamay mo sa likuran ako." Sabi ko ng may pagbabanta.
"Ang assuming naman nire sa bangko mo lang dinantay ko yung kamay ko ah." Pa-inosente pa nyang sabi.
"Naku naman, alisin mo pa din kahit dyan mo lang nilagay." Sabi ko.
"Damit nire. Sa bangko lang e." Sabi pa nito kaya't sinamaan ko na ng tinggin.
"Basta alisin mo." Naiinis na sabi ko na.
"Okay okay." Sabi nya sabay taas ng dalawang kamay tanda na sumusuko sya.
"Gelo!?" Banta ko ulit dahil nakalingat lang ako nandun na naman ang kamay nya sa likuran ko or dun sa bangko ko daw kuno.
"Hindi na nga." Sabi niya at binawi na ang kamay nya.
"Tsk!"
"Panget." Tawag nya ngunit hindi ko pinapansin. Naiinis na kasi ako sa totoo lang dahil nagiging entertainment na din kami ng mga kaklase namin.
"Panget." Tawag nyang muli.
"Ano ba?" Naiinis na tanung ko.
"Patingin nga ng palad mo." Sabi nya.
"Huh!?" Naguguluhang tanung ko.
"Ganituhin mo yung kamay mo."Sabi nya at i-demonstrate nya sa kamay nya, inilahad nya yung kamay kaya ginaya ko naman kaagad. Kahit wala akong idea sa nais nyang gawin.
"Yan!" Tuwang tuwa na sabi nya tapos pinatung nya ang kamay nya sa palad ako at kinapitan.
"Ayyyy... Huo mo, Gelo." Naiinis na sabi ko sa kanya.
"Bagay pala kamay natin ay, kasyang kasya sa kamay ko e." Sabi nya.
"Alisin mo na nga." Sabi ko at binawi na ang kamay ko sa kapit nya.
"Mamaya na." At siya naman ay mas lalong hinigpitan ang kapit sa kamay ko.
"Aishhhh! Isa." Banta ko ulit.
"Dalawa." Sunod nya sa pagbibilang ko. Aish! Ang bait di ba?"Dali na, Gelo. Alisin mo na." Pilit ko sa kanya.
"Mamaya na nga. Gin tingnan mo ohhh." Tawag nya sa pinsan nya.
"Tsk! Ang bait talaga." *Insert sarcasm*
"Aba talaga naman." Sabi ni Gin.
"Aish! Isa pa to, napakabait din niyan."
"Gelo pwede pakialis nyang kamay ko sa kamay ko." Sabi ko sa kanya.
"Natinggnan lang e." Sabi nito.
"Naku naman wag daw ako." Sabi ko sa kanya.
Tumigil din naman sya sa pantritrip nya pero lagi nama siyang nagpipick up lines.
"Tumigil ka na dyan. Nandyan si Mae oh." Sabi ko sa kanya.
"Tinutulak mo ako sa iba e ikaw Naman ang gusto ko." Sabi niya.
"Aish!" 🤦🏻♀️
"Nakadrugs ka ba?" Mataray na tanung ko sa kanya.
"Hindi, pero adik ako sayo." Sabi niya.
"Yunnnnn.... Ayieeeeeee..." Ulit ng mga kaklase ko dahil narinig nila yung Banat ng isang ito."Haist! Ang hirap talaga ng tao kapag walang magawa." Naiiling na lang ako. Pinabayaan ko na lang sya sa gusto nya.
"Bakit na kasi ayaw mo, gusto nga kasi kita." Sabi pa nya.
"Ge na lang ai." Pilit na sabi ko, kunwaring naniwala ako sa sinabi nya.
YOU ARE READING
Mr. Panget meets Mr. Assuming
Teen FictionA high school loves story. They know each other in years but just in a name not who they really are. They lived in a same baranggay and they are classmates. However they are not close enough to call each other friends. And in their grade 10 year t...