CHAPTER 5: Password

0 0 0
                                    

"Anne, why can't you give him a chance?" Tanung ng mga kaibigan ko.

"He's my cousin. And I don't like him." Sagot ko.

"Pero parang gusto mo din naman sya." Sabi ng isa kong kaklase.

"Really? Ako?" Naiiling na napapangiti ako. Ako kasi ung tipo ng tao na tumatahimik at sinasarili kung ano man ang naiisip lalo na kung sa tinggin ko naman ay hindi maganda, yung parang alam ko na makakasakit ako. Or pag magkaiba kami ng thought dahil baka magkaargumento lamang kami.

"Just give him a chance." Pilit nila sa akin.

"Think about it Anne." Sabi ng isa ko pang kaibigan.
  

"Haist! How? He's my cousin. Ang pamilya ko ay pinapahalagahan ang rules na bawal makipagrelasyon sa pinsan. I don't really know what to do. Aish!"

"Tara inom tayo?" Aya ko sa best friend kong si Christine.

"Tara, san ba?" Tanung din nya tapos sabay din kaming natawa sa mga sinabi namin. Malakas lang talaga ang loob namin na nagsabi nun pero hindi malakas ang loob gawin yung mga bagay na ganun.

"Haist! Naku besh kung pwede lang tayo ginawa na natin e."

"Oo nga at kung hindi tayo mababait na apo." Sang-ayon ko.

"Di ba yabang ko noh?" Mabait lang to pag tulog. Pareho kami ni Besh na nasa Lola nakatira at kasama sa bahay, kami din ung halos lahat ang ginagawa sa bahay at pareho pa kaming problemado ngayon.

"Haist! Buhay is life nga naman."

"Saklap ng buhay natin Besh!" Sabi ni Besh at natahimik na lamang.

     Pero kahit ganito masaya pa din kami, kasi kung hindi ganito ang nangyari nasan si Besh makilala kaya namin ang isa't isa. May mag-aalaga ba sa amin, may Anne pa Kaya? Kilala kaya namin si Lord, baka kilala nga namin pero hindi namin tinatanggap sa buhay naming tagapagligtas at makapangyarihan sa lahat. At saka baka napulot na lang kami ni Besh kung saan e. Kaya blessed pa din kami  na kahit broken family kami ni Besh, nasasandalan namin ang isa't isa at may sandigan kaming sakalam.

"Besh, Besh." Tawag sa akin ni Besh.

"Haist! Tulala ka na naman, napuyat ka na naman ano?" Tanung nito, nakangiti na lang ako. Kilala nya talaga ako.

"Aish! Tara na nga uwi na tayo." Yaya sa akin ni Besh.

    At ng makabalik kami ni Besh sa school ay tapos na rin ang lunch time, buti na lang tamang tama ang dating namin.

"Panget may sasabihin ako." Sabi nito, tingnan ko lang sya. Alam na nya ang ibig sabihin noon sa tagal na naming magkatabi, alam na nyang nakikinig ako.

"Ung password ng phone ko ung pangalan ng taong gusto ko." Sabi nito.

"Ohhhh! Tapos?" Mataray kong tanung sa kanya.

"Aish! Katamad ka naman." Naiinis na sabi nito sa akin.

"Aba ako pa talaga? E, ano naman kung pangalan ng gusto mo ung passwlord mo. Alam ko namang si Mae na iyon. At saka bakit mo ba sinasabi sa akin iyan, may sarili naman akong phone." Sabi ko ulit kasi obvious naman. Ewan ko ba dito sa isang to.

"Mali, panget. Saka masaba bang magshare?" Sabi nito.

"Tsk! Wala. At saka sya lang naman ang alam ko na crush na crush mo, papaanong mali? Iniintayin mo nga yun ng 10 years e." Sabi ko.

"Hindi na po, iba na. Tingnan mo." Sabi nito. Tas pinakita ang password sa akin.

"Ohhhh? Bakit yan ang nakalagay?" Naiinis na sabi ko.

"Oh, wag kang mainis at gumaganda ka lalo." Nakangiting sabi nya sa akin.

"Bwesit nito!"

"Wag mo akong bulahin ah, di ako bola." Naiinis na talaga ako.

"Totoo naman kasi iyon." Seryoso nyang sabi na akala mo talaga ay totoo ang mga sinasabi nya.

"Tsk! Palitan mo uan." Naiinis kong sabi.

"Hindi, si panget naman kasi talaga ang gusto ko e." Pagpupumilit nya pa.

"Suntok gusto mo?" Naasar na tanung ko sa kanya.

"Hahaha... Panget sanay na ako dyan, at saka mahina ka namang sumuntok." Pangungulit nya.

"Aba't!"

"Aray!" Natatawang sabi nya. Nasuntok ko kasi dahil madalas tinutoo ko yung sinasabi ko.

"Haist! Anong drugs na naman ba nahithit mo?"

"Wala, pero adik ako sa'yo." Banat nito.

"Tsk! Waley." Sabi Ko.

"Weh! Bakit namumula pisngi mo?" Sabi nya, at totoo yun ramdam kong mainit ang pisingi ko. Wengya.

"Mainit ai. Malamang!"

"Hahaha... Palusot mo bulok panget." Nakangiting sabi nito sa akin.

"Gelo pahiram ng phone mo." Sabi ni Gin. Inabot din naman nya agad Yung phone nya kay Gin.

"Password?" Tanung ni Jin.

"Panget." Sabi din nito.

"Aba, ayieeee.... Sanaol inapassword." Gusto nito sa Amin.

"Wengya!" Umirap na lang ako.

    Kaya buong maghapon tinutudyo ako ni Gin.

"Aish!" Naiilang na lamang ako.

Mr. Panget meets Mr. Assuming Where stories live. Discover now