ILUSYON
2006"Tayo'y mag utso-utso~
Utso-utso~ Utso-utso~
Mag utso-utso na~!"Todo giling pa ako niyan.
"Wahhhhhh, ang galing ko ba?"
"Oo naman,ako naman!!!"
"Pamela one! igalaw ang katawan~
Pamela two kumimbot ng ganito~!""Hahaha para kang bakla!"
Gaya ng nakagawian, nagkita ulit kami dito sa aming tagpuan.
2016
"Preny! where are you? We rarely see each other this past few days, are you that busy ha?!"
" Booh!!!"
"Ahhhh!!"
"Bakla ka talaga!"
Ang kyut niya talaga pag ginugulat.
" Do you know?"
"Hindi, do you?!pfft haha"
" It's our 11th anniversary, ang tagal na pala ng friendship natin preny!"
I can't help but fake a smile.
"Heheh Oo nga eh."
Kinulit ko siya. Gaya ng dati, siya ang pikon ako naman ang nang-aasar.
"Prend, Ito na ang huli"
"Hah? ano ba yang sinasabi mo. Kanina pa talaga kita napapansin hah, bigla bigla ka nalang nagseseryuso Preny!"
"Wala nang kasunod, ito na ang huli"
"Huling?"
"Huli nating tagpo?"
" Ano? b-bakit mag a-abroad kaba hah, o may sakit ka? ano sabihin mo sa akin!"
" Ako'y isang ilusyon mo lang"
"A-ano?"
"Ako'y ilusyon na likha mo."
Hindi siya makasagot.
"Natatandaan mo noong una nating pagkikita. Ikaw ay lugmok na lugmok dahil sa pagkasawi ng mga magulang mo, pagkamatay ng aso mo, pagka sunog ng bahay niyo. Dahil sa kadesperaduhan mong may maka-usap, maka intindi sayo. May taong nasa tabi mo ay nalikha mo ako. Nalikha mo ako ng hindi mo namamalayan, nilikha mo ako dahil nasa puso mo noon na gusto mo paring ma buhay"
"No, you're just saying this d-dahil para iwasan ako, dahil ba sa pinagtapat ko noong nakaraang linggo? kahit na hindi mo na ako mahalin basta magkaibigan parin tayo"
" I'm sorry, ngayon na handa kana, ngayon na wala kanang takot sa buhay ay mawawala ako. Maglalaho sayo. Tandaan mo, minahal din kita. Mahal kita pero hindi tayo pwede. Nandiyan lang ako sa loob mo, parating nakasubaybay sayo. Kung maaari hiling ko, huwag na huwag mo akong papalabasin. Hmmm mabuhay ka ng walang takot at masaya. P-paalam! Prend!"
Nasasaktan din naman ako. Dahil mahal ko na din siya eh. Kaso, isa lang akong ilusyon.
"No!!!! hindi pwede!! Prenyyy!"
Unti-unti na akong naglaho.
Inabot niya sakin ang kaniyang kamay.
Ngunit wala naring halaga.
Dahil hindi narin naman ako makakahawak pa.
"Mahal kita!"
Huli kong mga salita.
Masakit mang maging ilusyon mo lang,
Pero nagpapasalamat ako't nakilala kita,
Mahal kong Prend.
--------
Work of Fiction
Grammatical and Typographical Error
Photo Credit To The Rightful OwnerWritten by: Binibining_Hari
BINABASA MO ANG
Waves Of Files
RandomIn every single curl, you might come across to something unforeseen. Beware, you can be drown.