POVERTY
Pila.
Hindi ko maiwasang mapa luha ng mamataan ko ang inang na sumisiksik at pilit na hinaharangan ang mga sumusuot.
"Oh, huwag kayong mag-alala. Mabibigyan naman kayong lahat basta ba hindi kayo nanloloko. Sa oras na malaman naming may nandaya dito ay hindi namin palalampasin."
"hayyyy nakuha ko rin. Bugoy anak ayos lang ba kayo dito? Oh ikaw junior anong ginagawa mo?"
Si Junior ang bunso kung kapatid na siyang karga karga ko ngayon. Isa't kalahating taong gulang pa lamang ito.
"N-nang, p-paano nayan?"
" Halika ka, sa bahay tayo"
Alsa-balutan.
"Saan na tayo nito Li, paano na ang mga bata? naubos lang ang palugit nilang dalawang linggo sa wala"
" Doon muna tayo sa basketbolan pansamantala pumayag naman ang Mayor natin"
" Bukas naba sila magsisimula sa panggigiba ng mga bahay dito satin?"
"Oo, wala tayong laban eh demolisin nalang nila ito lahat at patayuan ng matataas na bahay yan naman ang gusto nila. Umunlad daw ang bayan. Put*ng*na!"
" Pssst, ang bibig mo hah may mga bata baka marinig ka. Tsaka paano nayan, limang libo lang ang ibinigay nila satin. Kailan kaya ito magtatagal?"
"Hahanap ako ng paraan"
Napahinto na pala ako sa paglalagay ng damit namin sa sako dahil sa mga nadinig. Ano ba kasi ang maitutulong ng isang labing dalawang taong gulang lang.
Sakit.
Nangangalakal ng basura si itang habang si inang naman ay nandoon nagtatrabaho bilang labandera kaya ako itong natirang nagbabantay sa tatlong kapatid. Si inang walang kapatid maging si itang. Parehong hindi alam ang magulang. Maaga silang nagsama sa iisang bahay doon sa skwater erya namin noon.
"Jun, bangon kana bunso. Luto na ang lugaw ni kuya oh!"
" Bunso??!!"
Kinapa ko ang noo niya at maging sa katawan. Ang init niya. Nanginging ang mga labi, mga kamay at paa niya ay napakalamig.
Agad ko siyang kinarga."Kuya? ok lang si Jun?"
Tanong ng sampung taong gulang kong kapatid.
" Hanapin niyo si Inang at itang bilis,sabihin niyo dinala ko sa Ospital si Jun!."
"Maawa na po kayo, Unahin niyo muna itong anak namin. Kinukumbolsyon napo eh. Dok! Dok!"
"Nay, ilagay mo muna siya dito tapos-"
" Doc! doc! ang anak at kaibigan ng congressman na aksidente."
" Asan sila?"
" Andiyan na"
"Dok dok! paano po ang anak namin!"
" Nay, si nurse Ean na ang bahala sa anak niyo"
Limos.
Ang maliit na kabaong ay naka patong sa isang upuang kahoy habang may isang kandila sa ibaba. Walang tigil sa pag-iyak ang inang, itang maging kaming mga natirang anak. Junior! Bunso! bakit mo iniwan si kuya? bakit mo iniwan si Inang at Itang? si ate mong dalawa? hah. Madaya ka, bunso naman eh.
" Maawa napo kayo, pampalibing lang po ng kapatid namin"
May bente pesos na nahulog sa aking lata.
BINABASA MO ANG
Waves Of Files
LosoweIn every single curl, you might come across to something unforeseen. Beware, you can be drown.