Nang Dahil Sa Inipong Love Letters

0 0 0
                                    

Nang Dahil Sa Inipong Love Letters

Nangingisay ako sa kilig habang nagtatago at nakasilip sa mga naglalaro ng basketball sa may ground. Oh my ghad I love you 31!!!! Ang sarap sigurong isigaw noh,iyong rinig ng lahat.

Uwian na, ngunit dito agad ang punta ko, syempre gawi na eh sanay na sanay na si self. So ito kasi yon, alam kong may praktis sila sa tuesday,wednesday at friday kaya chance ko itong masulyapan ang puso ng buhay ko!!! 2nd year college na ang sinta ko samantalang grade 12 palang ako! Hindi talagah ako makapaghintay gumraduate at maging isang styudante ng kuleheyo. Pareho lang naman ang kinuha nya sa gusto ko eh. Civil engineering, match na match kami ano?! hahahah

"Bro, wala napong tao. Unless kinahumalingan mo eh multo. Gosh bro kailan pa yan hah?"

Nanlilisik ang mata na nilingon ko ang nagsalita. Ang sanay na sanay din, sanay na manira ng trip at plano ko! Fine! yes, dahil sa daydreaming ko, hindi ko na napansin na nagsi alisan na pala ang lahat na naglalaro kasama na ang puso ng buhay ko!

" Ikaw sis! talagang nakakarami ka na hah! Ano upakan nalang tayo"

"Hindi yan magugustuhan ng puso ng buhay mo"

" Telege" 

Nagpabebe ako habang nagpapakyut. Pinaliit nadin ang boses para mas nakaka inlove. Binibining binibini.

" Yuckssss!! bro nakakasuka ewwww hahah"

Tumakbo agad ito dahil sa naging lion na po ako!.

--------

Kanina ko pa hinanap itong Sistah ko na parang bet si dora, gustong gumaya eh. Kung saan saan napupunta. Uwian na, wala parin ang gaga, nandito na ako sa gate at dahil monday, wala akong schedule sa tabi na skwelahan. Hindi paba tapos ang klase non? Section A ang gaga, matalino eh pang Section B lang ako. Pero wag kayo, nangunguna  ito noh please give me a big round of  applause. Hahaha sige na nga, parang gustong magpa sundo eh. Baka iniisip non 'bakit ako lang lageh ang sumusundo pwedeng siya naman?' haha

Maramirami parin naman ang styudante eh, karamihan ang pinag-uusapan ay patungkol sa mga group projects, nagpaplano. Paliko ako ng makasalubong ang kaklase ng baklang si dora the explorer.

" Jun, nakita mo si Troy?" 

" Hindi eh, galing ako sa practice room, baka nasa room pa namin yon"

" ahhh ganun bah? sige salamat nalang "

Isang maswerteng biniyayaan sa talentong pag kanta yong si Jun kaya siguro nag papratice sila. Narating ko na ang room nila pero parang wala ng katao tao. Kumatok ako, no response. Binuksan ko ng dahan dahan ang pinto, baka kasi kung ano pa ang makikita ko sa loob diba? I will never witness a loving scene again because of stupidity, yucky talagah Inosente po ako!! guysss knock before you enter. So ayon, nakita ko ang bag niya pero wala ang may-ari. Nilapitan ko nalang ito dahil baka may magnakaw sa mga gamit niya, ngayon palang siya naging burara sa gamit. Aysst.

Maraming papel ang nagkalat, bukas din ang siper ng bag niya. Shit ito nga nga ba sinasabi ko eh. Dali dali kong tinignan ang loob, wallet ✅ Laptop ✅ yan lang naman ang importante sa mga gamit niya pero nandito lahat. Sinara ko nalang ito at sinimulang pulutin ang mga papel.

Malapit ko nang mapulot lahat ng mapansin ko ang Malalaking Letra na naka ukit ang pangalan ko. Hah? Kaya tinignan ko nalang ang nasa kamay ko.

June 8, 2015

Bro, how I wish bro means love. Being your friend in 4 years was enough for me to fall for you. Your naughtiness, kindness, playfulness all of them bad or good I love them all. Wala akong lakas na ibigay to sa iyo, my first ever made letter just for the woman who in the first place gave me sparks into bringing the color of my life. Ito nalang muna, I love you.

-Troy

August  13, 2017

Bakit ba kasi torpe ako, bro ang sakit eh. Makita kang masayang kinukuwento ang tungkol sa lalaking crush na crush mo. Masyado kasi akong kampanti na wala kang magugustuhan, sana bro ako nalang. Hindi mo na kailangang magtago. I love you always

-Troy

May kung anong pumatak sa papel na hawak ko. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Ililipat ko sana sa iba ng malakas na bumakas ang pinto. Hindi ako lumingon, alam ko ang amoy nayan. I-isang tao na nagmamay ari sa mga papeles na ito.

" S-sweet"

Humarap siya sa akin, tumingin sa mukha kong umiiyak patungo sa bagay na dahilan nito.

"B-bro, P-please don't mind what was written in that papers. A-ayaw kong mailang ka sa akin. K-kalimutan mo nalang yan hah"

akma niya itong kukunin sa akin ng inilayo ko ito at tiningnan siya ng masama.

" Gaga! sinabi mo sana kaagad sa akin hindi yong pinahirapan mo pa akong paselosin kang animal ka!"

Umiiyak kong sumbat sa kaniya.

Tulala lang ang gaga.

" Tutunganga ka lang diyan? sige maiwan ka dito mag-isa!"

" T-teka lang naman bro, hindi pa ma digest eh"

" Pwes! digest-sen mong mabilis yan madali akong mainip."

" Ibig sabihin non bro? M-mahal mo din ako?"

" Duhhh, noon pa. Elementary palang tayo stalker mo na ako. Buti nga nilapitan mo ako noong unang araw ko sa secondarya eh, alam mo bang napakasaya ko na naging kaibigan kita. Gusto kita noon pa pero natatakot ako, baka magkaiba tayo ng nararamdaman,tsaka baka pagkatapos ng aminan eh mag ka iwasan  na tayo. Ayaw ko non eh"

Muli akong napa hikbi.

Humakbang siya at niyakap ako.

" Stalker kita, stalker mo din ako. Paano nangyaring hindi tayo nagtagpo noon? tadhana nga naman. My sweet, my brothah You don't have to be afraid. hmmmm mahal kita, mahal mo din ako yon na yon"

" Eh kung hindi ko pa nabasa ang mga letters nayan, habang buhay mong itatago ano!"

" Kung hindi ko hinanap at naiwala ang phone ko, hindi mailalabas lahat ng letters ko ano?"

Tugon nito.

" Argghh"

" I love you"

" Ge na nga, mahal din kita"

That's how we found our own hidden affection. It's been what? 14 years pero hindi ko parin makalimutan kung saan

Dahil sa inipong love letters.
Nakasama ko ngayon ang tiyak na kasabay kong aabutin ang forever.

#sanaol may ka poreber

---------

Work of Fiction
Grammatical and Typographical Error
Photo Credit To The Rightful Owner

Written by: Binibining_Hari

Waves Of FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon