First Love Never Die

0 0 0
                                    

FIRST LOVE NEVER DIE

________________________

Hindi ko maiwasang maiyak habang nag aabang na mubukas ang puting silid, sa silid nayon nag-aabang ang mga mahal ko sa buhay at pinaka importanteng lalaki sa balat ng lupa. Kahit na natatakpan ang mukha ng puting belo ay alam kong mapapansin agad na umiiyak ako. Paano ba kasi, yon ang pinaka hinihintay ko, namin. A dream come true.

Napahikbi ako ng tuluyan ko ng maaninag ang mga nakangiting tao na malaki ang papel sa buhay ko. Dumako agad ang mga luhaan kong mata sa isang lalaking nakaupo habang abot langit ang ngiti sa saya. Mahal, papunta na ako. Lumapit si Uncle at inalalayan ako papunta sa lalaking tinitibok ng puso ko.

" I-ingatan mo pamangkin ko iho, mahal namin yan" Pumiyok si uncle kaya napatawa ako. Uncle talaga.

" M-maaasahan mo po ako tito"

Kinuha niya ang kamay ko ng malumanay na para bang takot siyang masaktan ako.

" Ma, *smile* ang ganda mo, ikaw na ang pinaka magandang bride na nakita ko. I love you"

" Hal naman, pinapa iyak mo ako eh.... Mahal din kita tsaka ikaw nga din eh" hinaplos ko ang ulo niyang wala nang buhok " Ang kaguwapuhan mo ay hindi kumukupas "

"Bolera ka talaga ma, hahaha"

"Eherm!" tikhim ng pare.

Sabay kaming napatawa ganun din ang lahat ng saksi namin sa araw na iyon.

" Sige na po Father start na po tayo. Na carried away lang itong future husband ko. Sorry" nahihiya kong paumanhin.

Nagsimula na ang seremonya. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ng lalaking mahal na mahal ko na kasalukuyang nakaupo sa aking tabi.

Turn to say our vows.

" I, Aniya Maron take you as my husband, today and forever. Hal, ikaw ang nagbigay liwanag sa madilim kong buhay. Ikaw ang nagbalik ng sigla ko na matagal ng nawala simula ng pumanaw ang mga magulang ko. Hal, salamat at hindi mo ako sinukuan kahit na ang sungit sungit ko sayo. Hal, patawad hah at nasaktan kita ng paulit-ulit, eh kasi naman masyado akong naging bitter. Salamat at ninakawan mo ako pffftttt"

Napatawa rin sila sa sinabi ko. Yes nagkakilala kami dahil bigla niyang hinablot ang shoulder bag ko noon. Hinabol ko siya noon sa kabutihang palad naabutan ko naman at saktong may pulis kaya pinadakip ko siya. Muntik na nga kaming mag rambulan sa prensento eh, buti at naawat rin. Yon pala ginawa niya iyon dahil sa dare nilang magkakaibigan. Talo sa pustahan.

" Buti nalang at ako ang naisipan mo hablutan hal no hindi iyong iba kung mga nakasabay noon ang swerte ko talagah. Hhaha. Hal, masyado lang talaga akong naging sinungaling sa sarili ko na hindi ko maamin na sa simula palang ay nagustuhan na kita kaya noong paulit ulit kitang binasted at nakita kong iniiwasan mo ako ay talagang napakasakit. Kaya hindi na ako nag aksaya pa ng panahon. Mahal salamat at tinanggap mo akong muli, Nandito lang ako para sa yo hah. Nangangako akong sasamahan k-kita sa hirap at ginhawa, sa saya at lungkot. Hindi ko man maipapangakong hindi kita masasaktan pa dahil hindi naman natin alam ang mangyayari sa hinaharap basta mahal gagawin ko ang lahat, ibibigay ko ang lahat mapasaya lang kita. Even d-death can't do
us apart. I love you"

Nagpasalamat ako na nasabi ko ang lahat ng iyon ng malinaw, pumipiyok kasi ang boses ko minsan dahil sa pag-iyak. Pinahid ko ang luhang tumulo sa kaniyang mga mata. My Mahal.

" M-ma,  Ikaw ang pinili kong dukutan p-para mapansin mo ako. N-noon pa kita gusto ma, hindi mo lang ako napapansin. M-ma I didn't gave up that time, nagpahinga lang ako sandali t-tapos sasabak ulit *umubo*"

" Shhhhh , hal kuntiin mo nalang hah alam ko namang mahal mo ako eh. Hindi magbabago iyon"

" Ma, *pumiyok* g-gusto kong mangako pero ayaw kitang masaktan b-basta hanggang kabilang b-buhay ikaw lang ang mamahalin ko. M-ma..."

Umiiling ako habang palakas ng palakas ang iyak niya.

" I vow to love you eternally, wherever I go to.
Ingatan mo ang regalo ko sayo ma hah... Maaaring siya ang mag  pupuno sa kulang ko. Maa- *umubo ng umubo*"

Nagkagulo ang lahat at tinawag ang doktor. Mahal, huwag mo akong iwan!!!! Ibinalik nila sa teresa ang mahal ko at isinuot ang oxygen niya pati lahat ng monitor ay ikinabit nadin nila.

" H-hal lumaban ka hah, h-hindi pa nga tayo naka pirma eh"

Umiling siya.

Pinilit niya kunin ang oxygen sa kaniyang bibig gamit ang nanghihinang kamay kaya tinulungan ko siya.

" M-ma, pangarap ko ang palitan ang apelyedo mo sa akin p-pero nasasaktan ako ma. K-kasi mapapalitan ko nga yan hindi naman kita makakasama *umubo*"

Akma kong ibabalik ang oxygen ng mahina itong umiling. Doon ako mas umiyak.

" E reserve mo nalang yan hah, sa taong makakasama mo habang buhay. Ma, p-pagod na ako. Hindi ka naman magagalit Ma kapag magpapahinga ako diba? Ma-mahal K-kita....."

Pahina ng pahina ang boses nito. Ang malamig nitong kamay na nasa pisngi ko ay unti unting nahuhulog. Ang mga mata nito ay unti unti pumipikit.

Ngumit siya bago tuluyang nahulog ang kamay niya sa kama.

*tingggggggg..(tunog ng heart beat monitor)*

____________________

Straight, flat line yan ang natanaw ko sa monitor. Mahal.

Hindi ako nagwala, ang ginawa ko lang ay umiyak habang yakap ang wala ng buhay niyang katawan. He was diagnosed 3 months ago after he proposed to me of  stage 4 brain cancer. Noon niya na pala napapansin na parang may mali sa kaniya kaso iniinda niya lang. Nagmakaawa ako sa may-ari ng ospital na payagan kaming gumawa ng seremonya. Dahil siguro sa naaawa sila sa amin ay pinayagan kami. Hindi gusto ng mahal ko ang ganun dahil daw wala ng kwenta, mawawala din naman daw siya. Diyan naman ako hindi pumayag, gusto kong maranasan niya ang maghintay sa kaniyang minamahal, gusto kong ibigay ang lahat sa kaniya kahit sa huling sandali. Mahal! Masaya ako at payapa kang namaalam sa mundo. Sa wakas mahal nag udlot na ang mga paghihirap mo. Mamahalin kita hangang sa magkita tayong muli. I love you!

-------------------

"Ma, tama nga ako, andiyan ka na naman. Sabi ko naman sa iyong sabay nalang tayo medyo na busy lang ako dahil sa binyag. Oh umiiyak ka na naman diyan"

Inakbayan ako ng anak ko, he was the gift his father gave to me. Ang taong makakasama ko habang buhay, ang taong nagdala ng apelyedong hinangad ko na rin.

Hinaplos ko ang lapida ng kaniyang ama.

" Pa, binyag po ng pangalawa niyong apo. Gabayan niyo po sana kami parati. Mahal ko po kayo kahit na hindi kita nakasama"

Napaiyak ako sa tinuran ng aking anak. Itinayo niya ako.

" Ma, umaambon na oh tara na umuwi na tayo. Pa, si mama oh ang tigas ng ulo!"

" Hahaha, ang OA mo anak. Hal uwi ng kami ng kamukha mong anak. Babalik ako bukas"

Tumalikod ako habang naka akbay sa akin ang anak ko.

Hindi kita pinalitan mahal dahil hindi ko kaya.
Iginugol ko lahat ng oras ko sa anak natin mahal.

My love for you wouldn't fade.

My first love.

My first love never die.

Forever.

Eternally.

---------------

Work of Fiction
Grammatical and Typographical Error

Written by: Binibining_Hari

Waves Of FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon