Chapter 12

489 6 0
                                    

Naging mabilis ang pangyayari.

Noong gabing iyon ay agad kong pinuntahan si Archer. Natagpuan ko siya sa morgue, walang kabuhay buhay ang mata.

He looked so wreck while staring at the cold body in front of him. He keeps talking to Norjannah even though he couldn't receive a reply.

That night, he cried in my arms. He cried so hard and it was my first time to see him shed a tear. Ngayon niya lang ipinakita ang kahinaan niya.

Ngayon na ang burol niya. I was the one who took care of everything because Archer couldn't function well. Wala na ring mga magulang si Norjannah kaya kami nalang ang inaasahang mag-asikaso ng libing niya.

Blangko siyang nakatingin sa lapida ni Norjannah. Dumidilim na ang paligid. Bumubuhos na ang ulan na para bang nakikiramay sa pagkawala niya.

"Archer, umuwi na tayo," I called him but he didn't answer me.

Tila walang wala siya sa sarili. He was so near yet so distant. Nagsimula na naman siyang tumangis. Nakikisabay ang ulan sa kaniyang pag-iyak.

I tried my very best to understand him and to be very patient with him. He lost a friend, a girlfriend. Hindi ko alam ang pakiramdam na mawalan kaya wala akong karapatang husgahan ang nararamdaman niya.

Nakaluhod siya sa lupa habang unti-unting lumalakas ang ulan. Tumayo ako sa tabi niya at pinayongan siya.

Tahimik lang kaming dalawa. Nangangalay na ang kamay ko pero kinailangan kong iinda. Hindi siya pwedeng magkasakit.

"You can leave," he said after a long moment of silence.

I shook my head. "I'll wait," pagpupumilit ko.

"Umalis ka na," sobrang lamig ng boses niya. "Susunod din ako."

Ayokong dumagdag sa iniisip niya kaya nagpaalam na ako. Pinahawak ko sa kaniya ang payong ngunit wala man lang siyang pake. Hinayaan niya ang sariling mabasa.

I smiled sadly as I went inside my car. Mabuti ay nandiyan ang sasakyan niya. Nag-aalala lang ako na baka may mangyaring masama sa kaniya.

I went home, feeling heavy. Agad akong nagdiretso sa banyo at naligo. Nakadalawang oras pa ako sa loob dahil ang dami kong iniisip.

Muntik ko nang makalimutan ang anak ko.

Bumaba ako sa sala. I decided to cook for Archer's dinner. Sana lang ay umuwi siya ngayong gabi.

Nag search pa ako sa youtube kung paano magluto ng adobo. My fingers were filled with cuts. Hindi talaga ako marunong magluto.

I smiled in relief when I was done cooking. Tinikman ko ito at napangiti nang mapagtantong masarap ang luto ko. I can't wait to let  him taste it.

Nangingiti akong lumabas mula sa kusina nang marinig ang tunog ng pintuan.

Archer entered. His eyes were bloodshot. Basang basa siya at tumutulo sa sahig ang tubig. He looked like a mess.

"Let's eat?" I smiled nervously.

Pero parang hindi niya narinig ang sinabi ko dahil nilagpasan niya lang ako. Diretso ang tingin niya sa harapan. Napawi ang aking ngiti.

"Hindi ka kakain?" I asked with my small voice.

I didn't receive a reply. Walang pasabi siyang umakyat papunta sa kaniyang kwarto.

I bit my lower lip. Maybe he'll eat tomorrow.

I woke up, feeling hopeful that he'll taste the food that I cooked. Nangingiti akong nagtungo sa kwarto niya pero wala siya roon. I went to the kitchen but he wasn't there. He was nowhere to be found.

Kill Me, Archer (Alonso Brothers Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon