Chapter 17

603 9 0
                                    

I froze. Hindi ko alam kung paano ko ba siya sasalubungin. Lalo na't naunahan na ako ng anak ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Confusion was painted on his face as he looked down at the boy embracing his legs.

Tumikhim ako na siyang nakaagaw ng atensyon niya. Ngayon lamang niya napansin ang presensya ko.

His face turned serious when realization hit him.

"Archie, sit down," pagsuway ko sa bata.

He looked at me and pouted. I gave him a serious look kaya wala na sigang nagawa kundi bumalik sa upuan niya.

"Anak, halika rito," pag-aaya sa kaniya ni tito.

Archer silently walked towards the sit beside his father and sat there. Naglagay siya ng pagkain sa kaniyang plato.

Walang sinumang nagtangkang magsalita sa amin. Marahil nagtatalo rin ang isipan nina mommy kung sasabihin ba nila ang totoo.

Bumaling ako sa anak ko. He was staring at his father, with admiration. Pasimple akong ngumiti. He just can't wait.

Pasimple kong siniko ang anak ko. Ngumuso siya nang mapagtanto ang nais kong iparating. Bago kasi kami umalis ay sinabi ko sa kaniyang huwag na huwag niyang babanggitin sa tatay niya ang totoo. Gusto k osanang ako ang magsabi mismo.

"Daddy Hunter, water please," my son extended his hand at Hunter.

Pansin kong kunot-noong lumingon si Archer sa kaniyang anak. Pabalik-balik ang tingin niya, mula kay Hunter, papunta sa kaniyang anak.

"Does he usually call everyone daddy?" Sa wakas ay nagsalita na rin si Archer.

Hindi ko alam kung ako ba ang tinatanong niya. Gayunpaman, sumagot pa rin ako.

"Y-yes," I stuttered.

He nodded and continued eating. Tinapunan ko siya ng tingin. Wala pa rin siyang pinagbago. He's still cold as an ice.

Marahil naka move on na siya. Marahil limot na niya ang nangyari sa amin noon. Baka hindi na siya apektado. Baka nga nakahanap na siya ng ibang babae.

Well, hindi ko siya masisisi.

I was the one who left him.

But..it was for his good.

Nang matapos kaming kumain ay umakyat muna si Archer sa kaniyang kuwarto upang magbihis. Hunter followed him to have a talk.

Panatag naman akong hindi pa sasabihin ni Hunter sa kapatid niya ang katotohanan.

"Anak, when are you going to tell them the truth?" My mother whispered.

The rest of the family were having a chat.

I bit my lip. "I don't know. Hindi pa ako ready, mommy."

She sighed and caressed my back. "I understand. But you have to think about your son, Lyrae. Ilang panahon siyang naghintay."

I silently nodded. Hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin ang isip ko.

"Mommy," kinalabit ako ng anak ko.

Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin. "Tell daddy na!" he whispered loudly.

Bumuntong hininga ako at hinaplos ang buhok niya. I stood up, ready to tell him the truth. Hinawakan ko ang kamay ng anak ko at sabay kaming umakyat papunta sa kuwarto ng kaniyang ama. Marahil tapos naring mag-usap sina Hunter.

Kumatok ako nang dalawang beses bago bumukas ang pintuan. Iniluwa nito si Hunter na hindi maipinta ang mukha. Two meters away from him, Archer was standing there, confused.

Kill Me, Archer (Alonso Brothers Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon