Chapter Two:Japan

168 7 2
                                    

Chapter Two: Japan

|Airi Martinez|

Shades. Check!

Jacket. Check!

Celphone. Check!

Handbag. Check!

Scarf. Check!

Nandito na ako ngayon sa Japan, kakalapag lang ng eroplanong sinasakyan ko. Kaya ngayon dino-double check ko 'yung mga gamit ko kung may naiwan ba ko or wala.


Pagpasok ko sa loob ng airport, samu't saring fans at cameras ang sumalubong sa akin. Siyempre, todo smile naman ako at kaway sa kanila. First rule of being an idol: Love your fans.



Nakarating din ako agad sa sasakyan at dumiretso sa hotel na pags-stay-an namin. Ang creepy nga lang kasi dalawa 'yung kama sa kwarto pero ako lang mag-isa ang matutulog. Huhu, bakit kasi ako ang pinauna dito eh. Waaah!

Agad akong nag-shower at nagpalit ng damit. Nagsuot din ako ng glasses at nag-disguise ng konti pa. Change of plans, ngayong gabi ako pupunta sa Disconnect Merchandise Store.



Oo naaaa! Ako na fangirl na fangirl. Hindi na ba pwede mag-fangirl ang isang idol? Discriminationnnn!!

Haha, joke lang. So balik tayo. Papasok na ako ngayon sa store at tiningnan 'yung items nila. Hmmm, karamihan sa mga ito mayroon na ako eh. Kasi minsan 'yung mga fans ko, mga disconnect items din ang nireregalo. Haha!

Oh! Found something. 'Yung season photocards nila ngayon and figurinesss! Shems ang cute! I have to buy these!




Agad kong kinuha iyon at binili. Habang palabas naman ako ng store, biglang may bumunggo sa balikat ko kaya 'yung ibang pinamili ko nalaglag sa sahig.



"Gomenasai.(Sorry)" Sabi nung lalaki.

"Ayamaru koto wa nai desu.(There's no need to apologize.)" Sabi ko naman. Phew, buti nalang talaga at kahit papaano nag-aral ako ng basic Japanese.

Pinulot naman niya 'yung mga nalaglag na items sa sahig at inabot iyon sa akin.



"Arigatou.(Thank you.)" Sabi ko habang todo tago sa suot kong scarf para hindi ako makilala.

"Dou itashimashite.(You're welcome.)" Nung sinabi niya 'yon, medyo na-feel kong parang familiar 'yung boses niya. Right, as in familiar talaga.



Agad naman siyang tumalikod saka naningkit ang mga mata ko habang iniisip kung bakit pamilyar siya sa akin. Weird. I shook off that feeling and left the store.

Mga one hour pa kong nagfangirl doon sa new items saka ko naman in-update 'yung fancafe namin bago ako natulog.



—-



Fangirl Idol(Apink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon