Chapter Three: Guesting and the Temptation
|Airi Martinez|
Nanatili ako sa kwarto namin buong oras habang hinihintay magsimula 'yung filming. Kunwari nalang busy pa rin ako sa pagbabasa ng script para lang hindi ako ayain nina Irene pumunta sa kwarto nung iba pang guests din sa show—ang The Disconnect.
Ah shems. Iniisip ko palang na makikita ko na sila at makakasama sa isang show para bang gusto ko nang iuntog ang sarili ko sa pader. Baka kasi mamaya isa lang 'tong panaginip at baka umasa na naman ako na hindi ko sila makikita nang malapitan. Pero huwag naman sana please. Ang sakit kaya kapag nagkataon!
Nagising ako sa maliit na dilemma ko nung tinawag na kami ng staff na pumunta na kami sa set for filming.
*inhale exhale*
"Okay, tara na." Sabi ko sabay tayo. Narinig ko naman na tumawa sila ng mahina sa likod kaya nilingunan ko sila. "So anong nakakatawa?" Pagmamataray ko kunwari.
"Wala, ang funny mo kaya Ate Airi! Bwahaha." Sabi ni Dia. So trip talaga nila akong asarin haaaa!
Dinedma ko nalang sila at dumiretso sa set. Oh fudgeeee.
Pumwesto na kami ng upo doon sa set. May mga pangalan kasi 'yung uupuan namin at muntikan na naman ako mag-fangirl nung makita kong si Eiji ng The Disconnect ang makakatabi ko. Pero mas mabuti na 'yon kaysa ang katabi ko si Hiroto. Baka mas lalong hindi ko makontrol 'yung fangirl hormones ko.
Pero hindi naman ako makakatingin sa bandang left ko kasi doon naka-pwesto si Hiroto. Huhu. Ang hirap pala talaga maging fangirl.
Nakipagdaldalan muna ako doon sa ibang members nung mahagip ng mata ko ang pagdating ng The Disconnect sa set. Naramdaman kong kinurot ako ng mahina ni Chloe na ang ibigsabihin ay girl-huwag-ka-munang-hihimatayin-please-kurot. Napahigpit ang hawak ko doon sa maliit na pillow na hawak ko at napakagat ako sa labi ko para hindi ako biglang tumili at mag-fangirl.
Tumayo agad kami nung pumunta sila sa harapan namin para bumati.
"Hello! I'm The Disconnect's leader, Akagi." Sabi nung leader nila sa akin habang nakikipagkamay siya sa akin. Nginitian ko naman siya(siyempre with pigil feelings of the fangirl).
"I'm Z.O.D.I.A.C.'s leader, Airi." Wika ko.
Nagpakilala kaming lahat sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Fangirl Idol(Apink)
Любовные романыThey live in the same kind of world. Eh hindi ba same charges repel?! May pag-asa nga bang mabuo ang LOVE sa halos magkapareho na tao na ito?