Chapter Five: We Got Married?!

119 7 4
                                    

Chapter 05

|Airi Martinez|


"Olive, huwag mong kalimutan 'yung tumbler mo!" Paalala ko kay Olive na nagsusuot ngayon ng sapatos.

"Opo, 'nay!" Pabiro niyang sagot sa akin. Tinawanan ko nalang siya saka ko nilapag ang tumblr sa tabi niya. 

"Goodluck sa shooting. Huwag magpagutom! Kapag ikaw nagkasakit ay nako Olive, sinasabi ko sa'yo!" 

"Opo, 'nay! Aalagaan ko po katawan ko doon at hindi magpapakapagod. Haha! Babyeeee~" Saka siya lumabas ng pintuan kasama si Manager. 

Lumingon naman ako sa orasan. 3:38 AM.

Napabuntong hininga naman ako saka ko inayos ung kalat na ginawa ko habang ginagawa ko ang breakfast at snacks ni Olive para baunin niya sa shooting. Inilagay ko naman sa ref yung sobrang pagkain saka ako bumalik sa kwarto ko at humiga.

Nah, I don't feel like sleeping anymore.

Bumangon ulit ako saka ko nilabas ang isang folder at sinagutan iyon. 

Ideal man? Mmm... Wala naman.

Pinapili naman ako ng tig-isang boy member sa nakalistang boy groups sa loob at isa pang blank space para sa kung sino pa ung ideal person na gusto ko maging asawa. 

Keyword: ASAWA

Yep, sasali ako sa variety show na We Got Married Global Edition. Hindi naman sa interesado talaga ako(since total NBSB talaga ako) pero it's a rare opportunity para mabigyan ng offer sa ganitong show and siguro, why not try to experiece it hindi ba? 

Hmm... sino kaya yung pwede kong ilagay dito sa blank space? 

Nilibot ko naman ang tingin ko sa loob ng kwarto ko at napangiti. Well, it won't hurt to try right? 

Saka ko isinulat ang taong naisip kong maging asawa. 

THREE WEEKS LATER.

"Teka lang huwag mo naman hilahin yung buhok ko." Mahirap kong sabi doon sa stylist ko. Unat na unat na kasi masyado yung buhok ko tapos uunatin pa lalo? Ugh. 

"Kuya Miko, talaga bang ganito ang susuotin ko? Ang lamig sa labas, tapos magpapalda ako? Huhu." Pagd-drama ko sa manager namin. Kaysa naman mamatay ako sa lamig diba? At least kung mamamatay man ako sa lamig, lumaban ako kahit papaano.

"Airi, tiisin mo nalang muna. Ngayon ang first meeting mo sa kapartner mo sa WGMB, mas maganda nang presentable ka para maganda first impression sayo nun at pati sa audience." 

"Eh bakit naman dito pa sa Japan? Don't tell me na yung isa sa members ng Three Kings or Marked yung magiging kapartner ko? Sila ang nasa current promotions ngayon dito sa Japan eh." I explained while scanning the articles through my phone. Mukhang agad na kumalat yung balita na mapapasama ako sa show at halos lahat ng fans ngayon ay finflood ako sa social media kung sino ba daw kapartner ko.

Jusko shems, kahit ako gusto ko na rin naman malaman. 

Bago umalis sa salon, agad akong nagselfie at nagupdate sa IG. 

Caption: Frozen like ice. *pose na nakatayo sa harap ng pintuan*

Nilaro ko naman ang phone ko throughout the ride papunta sa amusement park hanggang sa tinawag na ko ni Kuya Miko na bumaba na daw kami. Kumuha muna ako ng heat packs bago bumaba. Jusko please lang sana huwag mag-snow mamaya, kasi kung oo, magaala-Elsa talaga ako. 

Binigyan naman ako ng instructions na maghihintay lang daw ako sa isang luxury restaurant sa loob ng amusement park. Other than that, wala na. Kasi daw may nakainstall ng camera doon sa room na pinareserve nilang pagkakainan namin. 

Pagkapasok ko sa loob ng restaurant, doon ko naramdaman ung kaba. Shems, sino kaya magiging kapartner ko? Makakavibes ko kaya o hindi? Mahilig din kaya siya sa wild rides katulad ko? 

Kung ano-anong klaseng personalidad ang tumatakbo sa utak ko to the point na hindi ko na napansin na halos ten minutes na pala akong nakaupo sa loob ng kwarto. 

Tumingin naman ako sa relos ko at napasimangot. Nakakabawas points sa mga lalaki kapag late sila. 

Hindi naman sa hindi sila pwedeng malate katulad ng mga babae pero naman, first meeting to tsong. First meeting! Tapos mala-late ka? Huwaw. Hindi niya ba alam ung salitang First Impression?

Mga ilang minuto pa akong naghintay nung biglang namatay ang ilaw sa kwarto.

"EH?!" Halos mapatayo ako sa kinauupuan ko nung bigla un namatay. Black out?

Tatayo na sana ako para lumabas at tawagan ung staff nung biglang may pumatong na kamay sa balikat ko para pigilan ako tumayo. 

Natigilan naman ako lalo nung narinig ko siyang nagsalita.

"Chotto matte kudasai."(please wait for a second.) 

Pero hindi un ung nakapagpatigil sa akin kung hindi ung boses niya. Hell, it sounds familiar. TOO FAMILIAR. 

Bumalik ako sa pagkakaupo at nilipat ang tingin ko sa harapan ko kahit na dilim lang ang nakikita ko. Nawala na rin ung kamay na nakapatong sa balikat ko nung biglang lumiwanag na ulit ung buong kwarto. Pero hindi pa rin ako lumingon doon sa taong katabi ko ngayon.

Ohmygod no. Don't tell me... oh my god.

Hinugot ko na ang buong lakas ko para lang lingunin ang taong nag-aabot sa akin ng red rose ngayon at ulit, hiniling ko nalang na lamunin ako ng lupa. 

OH.MY.FUDGING.GEE.

"Hiroto?!" 




Fangirl Idol(Apink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon