APRIL'S POV
Ilang minuto din ang lumipas ay dumating na ang doctor ni Hunter. Nagulat pa nga ito dahil pagdating niya ay hindi nagdadabog si Hunter gaya daw ng parati nitong nadadatnan. Sa halip ay nadatnan nitong nasa sahig kaming dalawa at mahigpit pa rin na nakayakap sa akin si Hunter.
Nahirapan pa silang ilayo si Hunter sa akin dahil kailangan itong i-check up. Para itong batang katatapos lang umiyak kaya lutang pa rin na nakayakap sa akin. Buti naman at di kalaunan ay kumalas na siya sa akin. Pero hindi niya ako hinayaang lumayo at nanatiling nakahawak siya sa kamay ko.
"The music may have triggered his trauma but he's all good now. Hindi niya na kailangan pang turukan." The doctor is fixing his medical instruments inside his kit.
Nakaupo kami ni Hunter sa dulo ng kama. He's holding my left hand at pinatong nito ang ulo sa balikat ko para magpahinga.
The doctor smirked with the sight of Hunter being soft to me. Kanina pa ito tahimik at ni isang salita ay wala lumabas sa bibig niya. Tanging tango lang ang sinasagot niya pag tinatanong siya ng doctor.
"Looks like he'll be okay starting today lalo na't nandiyan ka na para sa kaniya. You helped him calm down right?" Tanong sa akin ng doctor.
"Uhm..." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. It's not like I'm the one who calm him down.
"Hindi mo ba alam na hirap kaming pakalmahin siya noon at at tanging ang pagtuturok sa kaniya ang solusyon namin. Now, you're here and you calmed him down without using any medication."
"Miss April is young master's fiance. Kaya madali lang itong kumalma dahil alam niyang si Miss April ang kasama niya." Sagot ni Mr. Lee.
"Ohhhh..." Mas lalong lumaki ang ngisi ng doctor so I looked down and blushed. "... so you're the fiance. That explains it. Akala ko isa ka lang sa mga babae niya."
"Hey, that's rude!" I glared at him. Ano ba tong doctor na to. Kung kumausap sa amin ay parang kapit bahay lang namin siya.
"Easy kitten. Like I said, akala ko lang yun. I'm Dr. Edward Hidalgo. Your fiance's doctor." He offered his hand to me.
Dr. Hidalgo is actually a handsome man. Binata pa ito. Ilang taon lang siguro ang tanda nito sa amin, at matangkad din siya siguro magkasing tangkad sila ni Hunter. Nakikita ko si Zeke sa kaniya. Sa future siguro parang magiging ganito din si Zeke. A young handsome doctor.
I accepted his hand. Sa totoo lang naiilang ako sa tingin niya para kasing may bigla siyang gagawin na ikagugulat ko.
"I'm April Chen. Hunter's fiance."
Kukunin ko na sana mula sa kaniya ang kamay ko ng pigilan niya ito. Naguguluhan naman akong tumingin sa kaniya. Nakatingin ito sa kamay ko na hawak niya, specifically sa daliri kong may sugat.
"May sugat ka."
"Wala lang yan. Hindi naman masakit. Tatakpan ko na lang ng band aid mamaya." Sinubukan ko ulit kunin mula sa kaniya ang kamay ko pero hindi niya pa rin ito binitawan.
"Let me treat it." He said. Yumuko siya sa tabi ko kung nasaan ang kit niya habang hindi pa rin ako binibitawan. I can't help but blush. Geez, boys like him and Zeke really hits me different.
"Don't fucking touch her!" Hunter slapped Dr. Hidalgo's hand that is holding mine kaya nabitawan niya ito.
"Hunter!" I exclaimed. Nakaupo na ito ng maayos habang nakatingin ng masama kay Doctor Hidalgo na hindi man lang natinag at nanatili pa rin itong nakangisi.
Hunter grabbed my hand tightly. Napadaing pa ako dahil naipit nito ang sugat ko. Hindi man lang nito napansin.
"Chill there, tiger. I'm just helping your fiance." Sabi ni Dr. Hidalgo.
BINABASA MO ANG
MISCHIEVOUS HEARTS (Phoenix Series #3)
RomanceHunter James Schroeder only focuses on his life being a pianist, a model, and having fun. But, the end of his freedom has finally come when his parents announced his engagement. Along came the adorable Chinese girl, April Chen. Her cuteness, innocen...