Chapter 10

18 1 0
                                    


APRIL'S POV

Parang sumubok ako sa isang matinding bakbakan nung mga nakaraang araw. I have been so busy studying for the exam and finishing my projects dahil malapit na ang mg deadline nito.

"Aren't you tired? Magpahinga ka nga muna." Hunter opened the door of my work room with a tray of juice and some snacks.

"I'm sorry. Kailangan ko lang talagang tapusin to. The professor needs this by tomorrow." I said while still focused on what I am doing.

I heard him sigh. Lumapit siya sa akin at nilagay sa bakanteng mini table malapit sa akin ang tray. Hindi ko pa rin siya pinapansin. Masyado akong distracted sa ginagawa ko ngayon.

"Hunter!" I hissed at him. Muntik na akong magkamali sa pagdaan ko ng paintbrush dahil sa biglaan niyang pagkulong sa akin gamit ang kaniyang braso. He's kneeling beside me while caging me with his arms. Abot niya pa rin ako kahit nakaluhod lamang siya.

"Wala ka nang oras para sa akin. Nakakatampo ka na." He complained like a child. Dinikit nito ang kaniyang pisngi sa kanang braso ko. Nakanguso ito sa akin na parang nagtatampo.

"Malapit ko nang ipatalsik yang mga professor mo dahil pinagkakait nila sa akin ang oras mo. Tss, I'll call the school tomorrow and complain about them!"

"Silly. Ano naman ang irereklamo mo sa kanila?"

"Pinagdadamot ka nila sa akin! And they're stressing you out. It is not healthy! Paano pag nagkasakit ka?"

"Wala silang kasalanan. They're professors and that's their work."

"Tangina naman! Ba't ako hindi nahihirapan sa course ko?! Ba't ikaw pinapahirapan ka nila?!"

"Hindi nila ako pinapahirapan. I just got busy nung free time ko dahil sa isang asungot na parating nagtatampo pag hindi pinapansin. Kaya heto ako't nagka-cramming."

Siya yung tinutukoy kong asungot. Totoo naman na naging abala ako sa kaniya. He's always asking to watch movie with him, buy him his favorite chuckie, and go out with him. I spent all of my time with him because that is what he wants. Kulang na lang ay yung tumabi siya sa akin sa pagtulog. He's so clingy na siyang hindi ko inaasahan mula sa kaniya.

"We're meant to spend time with each other. Boring kaya pag wala ka." Sabi nito.

"Hindi ka ba busy? May exams din kayo diba? And how about your modeling career?"

"Sisiw lang naman ang exams namin. Tapos next week pa ako may schedule ng modeling. Heather called me this morning about it."

Wow! The way he explains it halatang wala nga siyang pinag-aabalahan ngayon. I know Hunter is smart kaya siguradong mapapasa niya yung exam nila.

"Just play COD or mag Valorant ka na lang." I told him.

"Tss, tinataboy mo naman ako eh." He said.

I giggled. "Halata ba? I just really need to finish this. Pangako babawi ako pagkatapos ng exam."

"Anong pambawi naman yun?"

"I'll do anything you ask for."

Nabuhayan ito sa aking sinabi. "Talaga? Kahit ano?"

"Kahit ano. Now, be a good boy and let me finish my work in peace." I smiled at him and gently tapped his cheeks.

"Nice!" Sabi nito. He gave me a quick kiss in arms. "Humanda ka talaga sa akin after exam!"

Binitawan na ako nito and he grab a chair and placed it in front of me kung saan kitang-kita niya ako. "Akala ko ba hindi mo na ako aabalahin?"

"Hindi nga. But I want to stay here and watch you. Don't mind me." Sumandal siya sa upuan at kumuha siya ng ilang pirasong biscuits na dala niya kanina. Uminom din ito sa juice. Seryoso? Para sa akin ba yan o para sa kaniya?

MISCHIEVOUS HEARTS (Phoenix Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon