Chapter 3

69 2 0
                                    

APRIL'S POV

This should be good right? Hunter accepted the engagement. Ibig sabihin matutupad na namin ang hiling ni mama. Kahit na hindi pa naman kami kasal, pero doon naman kami patungo. I also won't have a problem on bringing him on our dinner with my father on Friday.

"What made you change your mind?" Tanong ko sa kaniya. I'm still stunned on what he just said.

"Yun din ang hiling ni mama. Ang ipakasal ako sa anak ng bestfriend niya. I'm just doing her and your mother a favor. Bonus na din yung sayo."

"Bakit naman bonus sa akin?"

"Honey, you are going to marry the famous, hot, and handsome guy who's standing right infront of you. Isn't it exciting?" Yumuko ito at inangat niya ang chin ko gamit ang mga daliri niya.

Why do I feel like he's up to something? Ang bilis kasi magbago ng isip niya. Kahapon, pursigido itong hindi ituloy and engagement namin, pero ngayon he just accepted it easily. He's like a tiger waiting to capture his prey.

Tinabig ko yung ma daliri niyang nakahawak sa akin. If he's up to something, dapat alamin ko kung ano ito.

Nginitian ko siya ng malawak, but it's fake. He also gave me a smile, also a fake one.

"Honey, I thank you for considering this engagement. My dad is looking forward on seeing you this Friday night." Sabi ko dito.

Unti-unting nawala yung ngiti niya na parang nalugi ito. "F-Friday? Yung papa m-mo?"

"Why? Are you scared, Honey? Don't worry, I told him good words about you."

Kumunot ang noo nito at yumuko na parang nag-iisip. Then, suddenly he faced me with a fake smile again. "Ofcourse not, Honey. I know you're there for me."

"That's good. Hope you'll be on your best attitude. See you tomorrow, Honey." Sabi ko sa kaniya. We're both exchanging fake smiles. By doing this, natatago namin ang iniisip ng isa't isa.

Oh my gosh! We are the weirdest engaged couple!


Sa sumunod na araw, habang kumakain kami ng breakfast ni dad, biglang pumasok ang driver namin na si Kuya Ruel. "Miss April, hindi ko ba kayo ihahatid ngayon?"

Nagtataka akong tumingin sa kaniya habang kinakagatan ang toasted bread ko. "Huh? Bakit niyo po tinatanong sa akin yan?"

"May lalaki po kasi sa labas ang sabi niya po siya ang maghahatid sa inyo sa school niyo ngayon." Sabi ni Kuya Ruel at kinamot nito ang likod ng ulo niya.

Nagkatinginan kaming dalawa ni dad. We don't have any idea about this. I shrugged my shoulders and continued drinking my milk. Baka nagkamali lang yung lalaking yun.

"Sino daw ba yung lalaki?" Tanong ni dad kay Kuya Ruel.

"Sabi niya po fiancé daw siya ni Miss April."

"Pweee!" Bigla kong nadura ang gatas na nainum ko at hinarap ko si Kuya Ruel na mukha pa rin clueless sa nangyayari.

"S-sino daw po siya?" Pagpaulit ko dito. Baka nagkamali lang ako ng dinig. Sana lang talaga nagkamali lang ako.

"Uhm, fiancé niyo daw po." Sagot ni Kuya Ruel.

Parang ngayon ko gustong mahimatay. I didn't expect him to be here. Akala ko takot siyang humarap kay dad dahil may iba itong motibo. Pero heto siya, nasa labas ng bahay ko at hinihintay ako para maihatid niya sa school. He didn't even bother thinking that my father might see him now.

"Ang gentleman naman ng fiancé mo, Yueyue. Bakit hindi mo sinabi agad sa akin na nagkakamabutihan na kayo?" Tuwang-tuwa na sabi ni dad.

I gave him an unsure smile. Maybe he's testing me? Akala niya siguro pipigilan ko si dad na magpakita sa kaniya o di kaya akala niya maagang umalis si dad para sa trabaho. That's right! This is just a test.

MISCHIEVOUS HEARTS (Phoenix Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon