Special Chapter 1

110 4 3
                                    

I've been thinking of doing this for ages. Ayokong ma-misunderstood ng mga "readers" ko si Lorenzo, kaya nag-iisip ako ng paraan kung paanong malalaman ninyo ang saloobin niya. Ang stories ko kasi puro point of view lang ng mga heroine. Tingnan natin kung ano ba ang nilalaman ng puso ni Lorenzo sa mga nangyayari sa ngayon. Hihi. After this special chapter, maraming magbabago. At dahil ito ang unang story ko, dito magsisimula ang special chapters para sa mga heroes ko. Xoxo.

At dahil special chapter, special rin ang dedication. Surprise! Hihihi. I love thee to the depth and breadth and height my soul can reach, Anastasia ng buhay ko. xx

---------------------------------------

Lorenzo Aaron Romano's POV

"Dude," Bati ni Jam.

Mula sa pagkakatalikod ay humarap ako sa kanya. "Hey," I stood up straight and gave him a bro hug. He smirked.

"Anong balita?" Tanong ko. Bumalik na ako sa pagsi-sketch.

Narinig kong umingit ang wooden high chair na hinila ni Jam para upuan sa likod ko. "Wala naman. Naisip ko lang na dumaan. Sabi ng maids nandito ka nga raw."

Hindi ako sumagot, busy sa pagguhit. Kagabi habang nagsi-sketch ako sa kama ko ay naisip kong gumamit ng mas malaking canvas. I'm using a charcoal pencil for this drawing by the way.

"Inom tayo. Alcohol Factory." Aniya.

"Can't. I'm busy."

"Huh." He groaned. "C'mon, man Ano ba yan?"

Hindi ulit ako sumagot.

"Teka," Pabigla siyang tumayo at pa-OA na nilapit ang mukha sa canvas. "Si Summer ba yan?"

Tinulak ko siya palayo. "Tumabi ka nga."

"Si Summer ba yan?" ulit niya.

"Tss. Don't give me that look. It's not as if it's the first time na iguguhit ko siya."

He laughed sarcastically. Umikot siya habang winawagayway ang dalawang kamay sa ere. "Definitely."

Ang tinutukoy niya ang mga painting at sketch ni Summer na nakapalibot sa buong art room ko. Hindi lang naman si Summer ang ginuguhit ko. Si Rosie rin, saka sina Jam. Lahat ng pwede.

Bigla kong naalala ang huling pagtatalo namin ni Summer.

"Oh, to hell with Rosie and your so-called post-monthsary date. Magbi-break rin naman kayo bakit may post-monthsary date pa? Gusto niyo pre-break up celebration? Treat ko. Just come with me tomorrow, alright?"

I narrowed my eyes on her. "You don't say that."

She grimaced. "What?"

"Na magbi-break rin kami ni Rosie. God, how could you say those awful things, Summer?" I finger combed my hair. God, minsan talaga sobrang nakaka-bwiset 'tong babaeng to.

She wrinkled her nose. "So what, Romano? Totoo naman. Sooner or later the two of you will going to break up just like every other couple who's not meant for each other."

My nose flared. I stood up and towered her. "Take it back. Take your bitter words back!"

"Not possible." Maarte niyang sinabi.

Pagkatapos nun ay hindi ako pumayag na sumama sa kanya sa pagbisita niya sa orphanage nila. Gusto ko sanang sumama pero sobrang galit ko that time sa kanya. How could she say those things. Laging mainit ang dugo niya kay Rosie kahit na wala naman itong ginagawang masama sa kanya. In fact, Rosie tries her best para magustuhan siya ni Summer. Si Summer lang ang matigas. Lagi siyang may negative say sa relasyon namin ni Rosie. It's as if she doesn't want me to be happy with someone else.

Crazy, Beautiful, Painful Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon