Kabanata 29
With Me
Starting today after classes ay kailangan kong um-attend ng rehearsals para sa cotillion sa Prom. Nakakainis nga eh. Kaninang umaga ko lang nalaman sa adviser namin. Sigurado akong si mama ang may pakana nun. Alam niyang tinatabangan akong sumama sa prom.
"You really should not miss this one, Olivia. What about the gown that I bought especially for this occasion? Sayang naman yun." Aniya.
"Mom, you can't force me to do something I don't like. I thought we already talk about that?" Reklamo ko.
"Don't be silly, hija. Alam nating pareho na gusto mong um-attend ng prom. I'm hundred percent sure that you're looking forward on that day."
"Hindi na ngayon, mom."
"Well, if this is about you not going to be able to come with Lorenzo, don't worry about that. Leave it to me, hija. All you have to do is show up and be the Queen of the Night."
Late akong dumating sa rehearsal kaya medyo napagalitan pa ako ng dance instructor namin. He's also our gymnastic teacher. He's a gay.
"Summer. Pwede bang kahit four days lang kalimutan mo muna ang pagiging late mo? Alam mong hindi pwede sa'kin yan." Mataray na sabi ni Coach Martinez.
Inirapan ko siya. Thank God wala akong gymnastics. Hindi ko yata kayang regular na makikisama kay Coach Martinez. Hindi ko matatagalan. "Actually hindi ko alam, Coach. And please, you think gusto kong sumama sa cotillion?"
Umasim ang mukha niya. I know he has something to say pero pinili na lang niyang sarilinin. Buti naman na-realize niyang wala ako sa mood ngayon. "Just try your best to come early. Minamadali natin ito. Pair with Mr. Pineda."
Dali-dali akong naglakad towards them at nakita kong si Gilbert Daniel na nga lang ang walang pair. Nakangiti siya nang maluwag habang palapit ako sa kaniya.
"Akala ko tuluyan na akong mawawalan ng partner eh."
I rolled my eyes. "Nasabi ko na bang napilitan lang akong gawin 'to?"
Tumawa siya. "Yeah. At nagpapasalamat ako dahil napilitan ka."
I forced a smile.
Sa kalagitnaan ng rehearsal ay nakita ko si Lorenzo. Nagtagpo ang mga mata namin. Imagination ko lang ba, o talagang masama ang tingin niya sa kamay ni Gilbert Daniel na nakahawak sa beywang ko. Ka-partner niya si Rosie, as expected. I did not know na may talent pala sa pagsasayaw ang babaeng yun. O baka wala nga at napilitan lang si Coach Martinez na isali siya. I'm positive it's the latter.
"Nakapag-decide ka na ba kung pupunta ka sa prom with me?" Biglang tanong ni Gilbert Daniel.
"Huh?"
He smiled. "Di ba niyaya kitang maka-date ko sa prom? You said you're going to think about it. So ano na? Alam kong wala ka pang date." Kampante niyang sabi.
I silently cursed. Of course alam ng buong school that I, Olivia Verana Sespeñe, the Prettiest Face in the St. Charles Academy based on The Inside, ay wala pang date.
"Yes." Sagot ko. "Pero I'm thinking of going alone."
Nagtaas siya ng kilay. "You're going on a prom, without a date?"
I shrugged.
May part sa cotillion na kailangang umikot ng girls at makipag-sayaw sa lahat ng boys. I find it fun. Sa sobrang tuwa ko at cheerful sa pagsasayaw ay muntik na akong ma-out of balance. Buti na lang at nasalo ako ng isa sa mga kasayaw namin.
BINABASA MO ANG
Crazy, Beautiful, Painful Thing Called Love
RomanceSummer have loved Lorenzo Aaron Romano since forever. Ngunit sa itinagal ng panahon, kailanman ay hindi nasuklian ang pagmamahal nya rito. Lorenzo jumped from one girl to another. Tuwing nababakante ito ay wala pa ring pag-asa si Summer. She almost...