Kabanata 28
Magkayakap
This chapter is also dedicated to our high school classmate, Jihan, who just passed away. You'll always be remembered, Angel.
——————————————————————————————————————
Monday, kakatapos lang ng last subject namin and me and Ana we're heading to c.r. Pinili naming yung malapit sa headquarters ng school paper and school council. After this, pupunta naman ako sa isang milk tea/tea place near our school para i-meet si Hazel. We always find time to bond at least once a week.
"Ready ka na for the Prom?" Tanong ni Ana habang naghuhugas ng kamay.
Nakatingin ako sa reflection ko sa salamin habang sinusuklay ko ang buhok ko. "Uh, not sure."
"Why? I thought you love parties."
I sighed. "Yeah. I still do."
She narrowed her eyes. "I know na. Kasi hindi si Lorenzo ang makaka-date mo ngayon." It was a statement, not a question.
Last year kasi when we went to the Prom nang magka-date. Eh ngayon, sila na ni Rosie. Syempre sila ang magka-date.
Hindi ako umimik. Inayos ko ang headband ko at sinuklay-suklay ulit ang buhok ko.
"You're Olivia Verana Sespeñe. I'm sure you can come up with a good plan." Makahulugang sabi ni Ana.
I raised my eyebrow. "And what do you mean by that?"
She shrugged. "It's not like walang gustong maka-date ka naman. In fact, ang daming ang nag-yaya sa'yong i-date mo sa prom, right?"
I rolled my eyes. Sure. Pero ayoko sa iba. Gusto ko si Lorenzo lang.
Tumalikod si Ana para pumunta sa cubicle. She shrieked nang mabusan ang pinto ng cubicle.
"Jihan! God, you scared the hell out of me!" Maarte siyang humawak sa dibdib niya.
I frowned. Mula sa salamin ay tiningnan ko ang nangyayari sa likod. Nakita kong nakatayo si Ana sa naka-open na pinto ng isang cubicle habang nasa loob naman si Jihan. She's our classmate. Geek siya. Medj loner rin, I don't know. We barely talk to each other. Pero alam ko kasama siya sa staffers ng school paper. She's really brilliant but she don't have lots of friends.
Naglakad ako palapit sa kanila. "What the hell are you doing here?"
Dali-daling tinago ni Jihan ang pagkain niya sa loob ng bag niya. Ngumiti siya ng nahihiya sa'min ni Ana. "Hi."
"Bakit dito ka kumakain? May canteen naman." Sabi ni Ana.
"Gusto ko dito, tahimik." Sagot niya.
I stared at her. "C'mon. Everyone knows na you don't have lots of friends pero hindi pa rin yun sapat na reason para magkulong ka dito sa loob ng cr para kumain." I wrinkled my nose.
Tumango si Ana bilang pagsang-ayon. "Agree. If you want, you can join us sa table namin tuwing lunch time." Bumaling sa'kin si Ana. "Right, love?"
I nodded. "No problem." Ngumiti ako kay Jihan.
Ngumiti rin siya. "Hindi na. Pero salamat na rin. Sige, alis na ko." Dali-dali siyang lumabas ng comfort room.
"She's weird." Komento ni Ana nang makalabas si Jihan sa cr. Nagkibit balikat na lang ako at lumabas na rin kami.
After school ay nagpahatid ako kay Manong Joe sa isang sikat na milk tea/tea place near our school. I'm meeting Hazel today. Nadatnan ko siyang nakaupo na sa isang table. Nakalagay ang phone niya sa tenga niya and still wearing her uniform just like me. Nang nag-vibrate ang phone ko at nakita kong siya ang tumatawag ay binalewala ko na lang. Binaba niya ang phone niya pagkakita niya sa'king palapit sa kanya.
"You're always late." Tumayo siya at nag-beso kami sa isa't isa.
"A queen is never late. Everyone else is just early." I said, quoting Julie Andrews on Princess Diaries.
"Ugh, whatever." Umupo na ulit siya at ako naman ay naupo na rin sa tapat niya.
"I miss you, couz." Aniya.
"You always miss me."
She made a face. "I know right?" Tumingala siya sa waiter sa tabi niya. "Winter melon please."
Tumingin sa'kin ang waiter. Actually, di ako sure if he's a waiter or what. Ang alam ko self-service ang tea place na ito. Oh well. "Jasmine tea please."
"I'm delighted to see your boyfriend out of the vicinity, Zel." Sabi ko.
She giggled. "Magkasama kami kanina. Pinalayas ko lang siya kasi alam kong di mo siya gustong makita."
"I appreciate that."
"I heard next week na raw ang prom niyo." She arched an eyebrow. Theirs is not due until third week of February.
"Yep."
"And?"
"And what?" Tanong ko.
She gave me a duh face. "Anong balak mo? I'm sure excited ka na." She winked at me.
I sipped my tea. "Uh, not really. Parang ayoko ngang um-attend eh."
"Huh? Why not? Oh, please don't tell me dahil kay Lorenzo." Magsasalita na sana ako nang maunahan niya ako. "Don't let him kill your vibe. You seriously have to go on that prom, couz. One of a lifetime lang yun."
"Technically it's twice since we had our prom din last year. Junior Senior remember?"
Umirap siya. "So what? This one's different kasi last year na natin sa high school."
I shrugged. "Gusto mo lang pag-usapan kasi gusto mong tanungin kita about sa preparation mo para sa prom nyo."
She clapped her hands. "Correct. You're so brilliant talaga. The whole point of this meeting is that. I'm inviting you sa bahay tonight. Tulungan mo akong mamili kung ano ang mas magandang isuot for the prom." She said cheerfully.
I groaned. Pero nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.
"Mom bought two gowns kasi. Blue and pink. I'm having a hard time picking kasi they're both pretty. And I trust your fashion sense naman so help me, okay?"
Hinayaan ko lang siyang mag-kwento ng mag-kwento. Ibinaling ko ang paningin ko sa labas. Naningkit ang mga mata ko. What the heck was that? Sa labas ng isang fastfood chain, just across the tea place, naka-park ang isang sasakyan. Nakababa ang salamin ng sasakyan kaya nakikita ko ang komosyon sa loob. Si Rosie at Jam, magkayakap?
BINABASA MO ANG
Crazy, Beautiful, Painful Thing Called Love
RomanceSummer have loved Lorenzo Aaron Romano since forever. Ngunit sa itinagal ng panahon, kailanman ay hindi nasuklian ang pagmamahal nya rito. Lorenzo jumped from one girl to another. Tuwing nababakante ito ay wala pa ring pag-asa si Summer. She almost...