Kabanata 21

50 4 0
                                    

Kabanata 21

Stop Loving Her

"Manong Joe, pahatid po sa mansion ng mga Romano." I simply said pagkapasok ko sa backseat ng kotse.

Walang idea si Lorenzo na magpupunta ako sa bahay nila ngayong araw. Wala pa rin kaming communication since nung inaway niya ako sa open field ng school. After ng araw na yun, hindi na siya tumatawag or nagti-text. Kahit yung usual "Good morning" text niya followed by "Kumain ka na ba? Kumain ka na" wala na rin. I always text him naman pero no reply palagi. Kaya ngayon, nagplano akong kumustahin siya ng personal.

I called Tita Lily to confirm kung nasa bahay nila si Lorenzo at oo daw.

"Thanks, Manong Joe." Sabi ko nang pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Hihintayin ba kita?"

"Wag na po. Ako na pong bahalang umuwi." I removed my seatbelt and pompously made my way to the driveway. Binuksan na kasi ng guard ang gates nila kaya no need na mag-doorbell pa ako.

I smiled broadly nang nakita ko si tita Lliy na nakatayo sa majestic front door nila kasama ang isang maid. She's wearing an olive green silk dress and yellow green pumps. She's also carrying a purse na kakulay ng sapatos niya. Sigurado akong may lakad siya today.

"Hi, tita!" Nag-beso kami sa isa't isa. "You look great po."

"So do you, Summer. Come on in. Tara." Niyakap niya ako sa beywang habang naglalakad kami papunta sa living room nila.

Umupo kami sa sofa. Nag-serve naman agad ang maid ng refreshment. "I'm glad you decided to come over." Aniya.

"Masyado po kasi atang busy ang unico hijo ninyo at kahit text di man lang ako mapadalhan." I casually said.

She gasped at napahawak sa dibdib. "Really?"

I shrugged.

"That's not possible, hija. Hindi pa siya lumalabas ng bahay buong weekend."

"I don't know, tita. Baka hindi ninyo lang po nakikita." Sabi ko. Pinalungkot ko ang mukha ko then I sipped on my tea saka nagsalitang muli. "Maybe he's too busy with Rosie kaya nakakalimutan na niya ako. You see tita, I always text him. Pero kahit isa wala siyang reply."

She moved closer and reached for my hand. "Oh, Summer. That's not true. You know he's not so busy when it comes to you."

I looked at her. "Paano nyo po nasabi?" Now my sadness is genuine.

She smiled. "Lagi siyang may time pagdating sa'yo. In fact, mas marami siyang time for you kaysa kay Rosie."

I smiled a bit.

"Baka may ibang dahilan lang. Baka may importanteng ginawa lang."

I arched an eyebrow. "Mas importante kaysa sa'kin?"

She laughed. "Oh, dear. I know what you're feeling. And I'm sorry. You know, kahit ako madalas hindi ko rin maintindihan si Lorenzo. I guess ganun talaga ang mga artists, mahirap intindihin."

Tumango ako. "You're going somewhere?" I changed the topic.

Nanlaki ang mga mata niya and jumped off the sofa. "Oh, yes. Oh, God. I almost forgot." She grabbed her purse bago humarap sa'kin.

"I'll go now. Just find my son, alam mo naman kung nasaan siya di ba?"

"Of course tita." I smiled.

"Okay. Take care." Nag-beso ulit kami.

Mula sa living room ay nakita ko nang lumabas sa malaking gate ang kotseng sinakyan ni tita Lily. Inubos ko muna ang tea ko bago tumayo at pumanhik sa grand staircase. Hinanap ko ang bedroom ni Lorenzo sa second floor.

Crazy, Beautiful, Painful Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon