Kabanata 9
Hindi lahat
It's Sunday at mag-isa na naman ako sa bahay namin. Wala si mama, umalis papuntang Batangas kasama si papa. May negosyo atang aasikasuhin doon. Sasama sana ako kaya lang naisip ko na siguradong magiging boring doon dahil puro negosyante rin ang makakasalamuha namin.
Nagpahatid ako kay Manong Joe sa park ng subdivision. Maaga akong nagising ngayon dahil ginising ako ni mama kanina bago sila umalis. Nang nakarating na kami sa park ay bumaba na ako at inakay si Chopin sa isa kong kamay.
Chopin is my pet dog. He's a white Maltese. Gift sa'kin ni papa last year dahil ako ang naging top one sa class. He is so tiny and cute. He's only eight-months old.
Lumabas sa driver's seat si Manong Joe at tumayo sa harapan ko. Nginitian ko siya. "Thanks, Manong Joe. I'll call you na lang pag magpapasundo na po ako."
"Okay, Summer. Ingat ka ah." Ni-pat niya ang ulo ko at umalis na sakay ng kotse.
I started walking around the park. Ibinaba ko na si Chopin sa lapag at hinayaan ko siyang maglakad mag-isa.Tali na lang niya ang hawak-hawak ko. I am wearing a pink embodied layered dress and white sneakers. I accessorized it with a knotted floral print headband and green purse.
After 10 minutes of walking with Chopin, I decided to sit on one of the wooden benches to rest. Pinili ko doon sa hindi masyadong nasisinagan ng araw. I put Chopin on my lap. Kinuha ko ang phone ko na biglang tumunog mula sa purse ko. Hazel's calling.
"Yes?"
"Hi couz!"Energetic niyang bati.
Hmm. "Hi.Napatawag ka? You need anything?" Tanong ko.
She laughed. "Grabe ka. Di ba pwedeng I missed you lang kaya ako tumatawag?"
I rolled my eyes. "We're cousins, Hazel. Kilala kita. You never miss me."
She laughed even more. "I know right."
"So what do you want?"
"Everyone's out. Dad is as always, on the hospital and mom is out of the country. Lahat ng maids busy sa trabaho. I'm alone." Ma-drama niyang sabi.
"Huh. Don't worry, couz. I'm alone too."
"Right. So bakit di na lang tayo mag-sama ngayon, since pareho naman pala tayong walang company?"
I wrinkled my nose. "Nah. Wala ako sa mood mag-shopping."
She sighed sa kabilang linya. "I'm so bored, Summer. Sige na. Please come over."
"I can't. I'm also out with Chopin. He says hi to you. Teka, nasaan si Steven? Sya kaya ang kulitin mo." Umirap ako kahit na hindi naman niya makikita.
"Haay. Kung pwede lang eh. He's out too. May basketball game raw sila ngayon. Kalaban nila ang kabilang subdivision."
I arch an eyebrow. "Really? Eh, why not go there na lang? Cheer for him."
"You know I'm not into basketball." Maarte niyang sabi.
"So what? Pupunta ka naman dun para i-cheer siya. Para inspired siyang maglaro. Ayyie."Natatawang sabi ko.
"Shut up, Summer. Sige. Pero samahan mo ako ah."
"What? Nagsa-suggest lang ako, ayoko sumama." Reklamo ko.
"Sige na, you like basketball naman di ba? Para di ako ma-bore. Please?"
I rolled my eyes. "Fine. But I am bringing Chopin with me."
BINABASA MO ANG
Crazy, Beautiful, Painful Thing Called Love
RomanceSummer have loved Lorenzo Aaron Romano since forever. Ngunit sa itinagal ng panahon, kailanman ay hindi nasuklian ang pagmamahal nya rito. Lorenzo jumped from one girl to another. Tuwing nababakante ito ay wala pa ring pag-asa si Summer. She almost...