Kabanata 35

84 4 2
                                    

Note: Gusto ninyo bang makita ang recital dress ni Summer? It's on the external link! xx

---------------------------------------------



Kabanata 35

Ain't Gonna Happen

Pagkatapos kong ipakilala sa isa't isa sina Lorenzo at Wilan ay saglit silang natahimik. Parang biglang nagkaroon ng tension sa pagitan nilang dalawa. Anong mangyayari kapag nagtagpo ang past sa present? LOL. Iniwan ko silang dalawa sa sala namin at nagtungo sa kitchen para magluto ng dinner.

Pagbalik ko sa kanila ay parang hindi nag-exist ang awkwardness sa kanila. Kung mag-usap sila at pabirong sapakin ang isa't isa at magtawanan  parang matagal na silang magkakilala. Bigla nga akong nainis dahil parang nakalimutan na nila ako. Sila na lang ang nag-uusap sa hapag-kainan. Umirap ako. Para silang mag-BFF na matagal na hindi nagkita at ngayon lang nabigyan ng opportunity to catch up.

God, uso rin pala sa guys ang plastikan? Grabe.

Akala ko talaga once na magtagpo ang landas ng dalawa ay mauuwi sa suntukan. Well, hindi naman sa in-expect ko na pag-aagawan nila ako. Wala namang gusto sa'kin si Wilan in the first place. Pero naisip ko bigla yung naging reaction ni Lorenzo nang nagtangka akong tumakbo palapit kay Wilan. He's kinda possessive of me. Okay lang, wala akong reklamo.

Tahimik akong kumain at hinayaan silang mag-usap. Naunang umalis si Wilan sa bahay namin. Buti naman dahil ayoko mang aminin pero naiinis talaga ko sa presence ni Wilan ngayon. Bad timing talaga eh. Kung kelan kami mag-isa ni Lorenzo. Imbes na si Lorenzo lang ang ipagluluto ko, nasali pa si Wilan. Not that I'm complaining ah. Di naman sa ayaw kong ipagluto si Wilan.

Pumasok agad ako sa room ko para isukat lahat ng mga pinamili namin kanina. I'm so excited. May mga bagong dagdag na naman sa closet ko. Tamang-tama kasi tuwing summer ay sumasali ako sa mga garage sale. Yung mga luma kong damit na hindi na naisusuot ay binibenta ko. Yung pinagbentahan ay pinambibili ko naman ng bago. 3R; Reuse, Reduce, Recycle. Hehe.

Paglabas ko ng walk-in closet ko ay nadatnan ko si Lorenzo na prenteng nakaupo sa kama ko. Kung tingin ninyo may mga parte dito sa bahay na restricted si Lorenzo, nah uh. Nagkakamali kayo. Pwede siya sa lahat. Ewan ko ba, minsan pakiramdam ko gusto na akong ipagahasa ng parents ko kay Lorenzo. Now I'm complaining.

"What do you think?" Umikot ako sa harap niya suot ang isang maxi dress na pinili niya para sa'kin.

"Perfect."

I beamed at him. Lumapit ako sa kanya para ipa-zip sa likod ang dress. Pagkatapos ay humarap naman ako sa full-length mirror. Mula sa reflection sa salamin ay nakikita kong nakatitg siya sakin.

"Bakit ngayon ko lang nakilala si Wilan?" Biglang tanong niya.

I rolled my eyes. "Paano kasi, ayaw mong sumama sa'kin sa San Carlos."

Tumaas ang kilay niya. "You mean lumuwas siya ng Maynila ngayon para lang bisitahin ka dito?"

Tumawa ako. "No, silly. He's taking up Political Science dito sa Manila. Dito siya pansamantalang tumitira, sa isang condo unit siguro. Tapos umuuwi lang rin sa San Carlos para bumisita."

Tumango siya ng marahan. Para bang iniisip niya ang sinabi ko. At may mga iba pang iniisip.

Umupo ako sa tabi niya. "Bakit?"

Ngumuso siya. "Sino si Wilan sa buhay mo?"

"Huh?" Naguguluhang tanong ko.

"Kanina nung pinakilala mo kami sabi mo ako ang lalaking... mahal mo. Eh ano siya?"

Crazy, Beautiful, Painful Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon