KINALIMUTANG BATHALA. 1
sa panulat ni: Better known
Noong isilang ang sanlibutan kasabay ang pag silang ng mga bathala. Scepsis Bathala ng karimlan sya ang tinaguriang KINALIMUTANG BATHALA.
si scepsis ay isang mapag imbot na bathala hindi sya Nakukuntento sa kanyang kapangyarihan.
Nais nyang pag harian ang Mundo. at malagpasan ang kapangyarihan ng may lalang ng langit at lupa.
kaya sya ay nakipag sabwatan kay satanas. upang lumawig ang kanyang kapangyarihan.
(SATANAS) oh... bakit naligaw ang BATAHALA ng Karimlan ano ang sadya mo sa akin. hahahahah. malalim na boses nito.
(scepsis) Satanas hindi nako mag papaligoy ligoy pa. nais kong hingin ang iyong tulong.
(Satanas) oh anong maipag lilingkod ng prinsipe ng kadiliman sa iyo. hahahha.
(Scepsis) alam ko naman na nais mo nang karagdagang lakas at kapangyarihan.hindi ba.
(Satanas) maari kitang tulungan upang makamit mo ang iyong nais. ngunit lahat ay may kapalit . hahaha alam mo naman ang nais ko di ba?
(Scepsis) alam kong nais mo. na makuha ang aklat ng propesiya ng mga yumao.
(Satanas) alam na alam mo talga ang nais ko. ano ba ang gusto mong tulong mula sa akin.
(Scepsis) Nais ko ng isang madugong digmaan laban sa kalangitan. kailangan ko ng iyong mga alagad upang pag harian ang sanlibutan.
(Satanas) mmmm. napaka mapusok na hangarin scepsis. marami ang arkanghel sa kalangitan alam mo yan.
(Scepsis) alam ko kung paano sila magagapi. ngunit kaylangan ko ng iyong mga alagad.
ang susi ng kalangitan ay hawak ng arkanghel uriel. masyado itong maawain at mahabagin kaya naman sya ang dapat nating punteryahin.
(Satanas) ano ang dapat kong gawin?
(Scepsis) Simple lang mag bigay ka ng sakuna sa lupa sa mga mortal.
hindi matitiis ni uriel ang mga tao at siguradong doon ay magagapi natin sya.(Satanas) ganun ba mag papalaganap ako ng matinding digmaan ng mga bansa. upang mapilitan syang bumaba. hahahah. isang malutong na tawa mula kay satanas.
nais nitong pag awayin ang mga bansa upang lumikha ng kaguluhan at tumawag pansin sa anghel na si uriel.
Agaran isinagawa ang plano nag palaganap sya ng isang malaking digmaan sa pagitan ng malalaki at malalakas na bansa pinag away away nya ito.
duon naganap ang kauna unahang pan daigdigang dimaan. duon ay nilukob ang buong mundo ng kasamaan at puot. takot at hinagpis sa mga tao.
( Uriel) oh dyos ng makapangyarihang may likha. maari ba akong pumaibaba upang waksihan ang walang katuturang digmaan.?
isang malumanay at malamig na boses ang tumugon. sigurado kaba sa iyong nais arkanghel.
( Uriel) opo.
kung gayon dala mo ang aking basbas upang waksihan ang laganap na kasamaan ng mundo. at mag bigay kapayapaan.isang Malakas na trumpeta ang dumagundong sa kalangitan at bumukas ang tarangkahan ng langit at puma ibaba ang arkanghel uriel.
ng makababa sya ay kalunos lunos at ka gimbal gimbal ang na saksihan.
kanyang dinatnan ang malagim na digmaang pan daigdigan. ngunit agad nitong na pagtanto na mga alagad ng dilim ang nasa likod ng wlang habas na kaguluhan sa lupa.
agad nyang itinaas ang espada na balot ng liwanag. na tumupok sa mga demonyong sumapi sa mga walang ka muwang muwang na sang katauhan.
agad nawalan ng malay ang mga tao ng magising ay takang taka sa na gaganap sa paligid na hintakutan ang mga ito.
sa isang sulok ng labanan ay na mataan ni uriel ang aninong itim na may sungay.
na pumaibabaw sa isang puno. at ito ay walang iba kung di ang prinsipe ng kasamaan si SATANAS.
( Uriel) lumayas ka Satanas. agad nitong binunot ang espada ng biglang may espada ring tumusok sa kanyang likuran.
lumingon ito upang tingnan ang may gawa sa kanya. at ng lingunin nya. sss..s..scepsis.?ang bathala ng karimlan.?
nang hihina nitong boses. (Scepsis) oh arkanghel uriel mukang hindi mo ata na paghandaan ito.
pangingutya nito sa anghel na nakahandusay sa lupa.
ang kalambutan ng iyong puso sa mga tao ang mag papahamak sa iyo.
(Uriel) lapastangan ka. paano mo ito nagawa sa kalangitan. bakit ka nag taksil....?
isang malutong na tawa lamang ang pinakawalan nito na tila galing sa kailaliman ng impyerno.
HAHAHAHAHAHA...Agad hinablot ang susi ng kalangitan kay uriel ni Scepsis. oh.. pano pahiram muna arkanghel uriel pangungutya panito.
sabay tawa ng ng malakas. gayundin ang prinsipe ng kadiliman. ng makuha ang susi ay agad na nag laho ang dalawa.
pinalibutan naman ng mga demonyo ang arkanghel at sabay sabay na sinugod ito.
muli ay pinilit na bumangon ang arkanhel upang ipag tanggol ang sarili ng biglang nag liwanag sa kalangitan at natupok ang mga demonyo sa kalupaan.
at unti unting bumaba ang arkanghel na si Arkanghel Miguel.
YOU ARE READING
KINALIMUTANG BATHALA
FantasyLabanan sa pagitan ng Langit at empyerno. Digmaan ng mga anghel,demonyo at bathala.