KINALIMUTANG BATHALA 9

19 0 0
                                    

KINALIMUTANG BATHALA 9

Sa panulat ni: Better known

Muli ang kadiliman ay bumalot sa isang tahanan.

Kung saan ang mga tao ay nanalangin. Lingid sa kanilang kaalaman. Ang mga tagapatnugot ay kampon ng kasamaan.

Isang hapon ng mapadaan si ella sa simbahan.

At talaga namang bakas sa mukha nito ang labis na kalungkutan.

At matinding hinagpis sa kadahilanang sya ay biktima ng pang aabuso ng kanyang amo.

Lumuhod at nag dasal ng kanyang panalangin sa may kapal.

At dinalangin din nya na sana ay mamatay na ang kanyang amo.

Sa pagkat ang pang aabuso nito ay hinding hindi nya malilimutan.

Labing walong taong gulang ito ng mag umpisa ang kanyang paninilbihan sa kanyang amo.

Ngunit doon din pala nya matitikman ang pang aabuso nito.

Halos walang araw itong hinahalay ng kanyang amo.

Hanggang sa mabuntis ito.

Ngunit imbes na panagutan ay pinalayas pa ito at binantaan.

Abot abot langit ang galit at puot ng dalaga sa kanyang amo.

Kaya nagawa nito ang isang karumaldumal na krimen.

At yun ay ang ipalaglag ang bata sa kanyang sinapupunan.

Matapos iyon ay nakaramdam ito ng labis na pag sisi.

Ngunit huli na ang lahat.

Halos araw araw din itong nag pupunta sa simbahan ng quiapo upang.

Patuloy ng pag hingi ng kapatawaran sa kanyang kasalanan.

Hanggang isang araw habang nag sisimba ay patuloy nanalangin ito ng masama sa kanyang amo.

At nag titirik pa ito ng itim na kandila sa gilid ng simbahan.

Ng biglang may isang bata ang lumapit at nag alok ng sampaguita.

At agad naman pinaunlakan iyon ng dalaga.
At tinanong nito ang kanyang pangalan.

at kung bakit sya ay nag titinda imbes na ang mga magulang nito.

Ngumiti lang ang bata at nag pakilala. sa panagalang Gab.

Pagkatapos ay bumalik sa pag darasal.

Ng biglang mag salita ang bata.

(Gab) hindi tama minsan ang dalangin ng mga tao. Sa pagkat puro sila panalangin ng pag hingi sa ating dyos.

Ngunit hindi nila naiisip na isama sa panalangin ang pasasalamat.at pag pupuri dito.

at biglang sumabat si ella.

(Ella) bakit bata ano ba dapat ang panalangin.

(Gab) ang panalagin ay dapat nag uumpisa sa pasasalamat. At nag tatapos din sa pasasalamat.

Kung ikaw din ay mananalangin ng ikapapahamak ng iyong kapwa ay huwag munang ituloy.

Sapagkat hindi rin iyon tutuparin ng ating dyos.

Bagkos ay ang mga demonyo sa empyerno ang tutugon sa panawagan mo.

At agad na umalis ang bata.

Doon ay nakaramdam ng pag ka dismaya sa sarili ang dalaga.

Dahil sa kanyang mga ginagawang panalangin laban sa iba.

Ngunit huli na ng kanyang mapag tanto na bata lang ang kanyang kausap. At tila napaka hiwaga ng mga salita nito.

KINALIMUTANG BATHALAWhere stories live. Discover now