KINALIMUTANG BATHALA 2
sa panulat ni: Better knownNang bumaba si arkanaghel Miguel ay sya ring mabilis na nag si pulasan ang kampon ng dilim
(Miguel) halinat bumangon ka uriel babalik tayo sa kalangitan. agad nya itong inakay paakyat. lumiwanag ang kalangitan at sila ay nag laho sa liwanag.
(Satanas) HAHAHAH. patuloy nitong tawa habang nag sisigawan ang mga makasalanang nilalang sa empyerno. mga naka hubut hubad habang inilulubog sa walang hanggang init na dulot na nag babagang apoy.
(Scepsis) Ngayon na ang aking paniningil. sa lahat ng kalapastanganan sa akin ng nasa itaas. halos nag ngingit at na pupunit nitong tinig dahil sa lubhang galit sa puong may kapal.walang ka patawaran ang ginawa sa akin ng dyos n iyon. matapos kong sundin lahat ng kanyang ipinag uutos ay ipapatapon lang niya ako sa karimlan. anong gagawin ko don babantayan ang mga kaluluwang dumaraan. ano ang akala nya sa akin malilinlang nya ako sa habang panahon. hindi ako tanga upang manatili sa walang kwentang lugar na iyon.
(Satanas) Talaga namang napaka mapuot ng iyong damdamin sa dyos. kung sabagay parehas lang tayo. ako ang kaunaunahang arkanghel ng dyos ang pinaka magaling ang pinaka malakas ngunit ano andito ako sa nag babagang empyerno. si satanas ay ipanatapon ng dyos dahil sa kanyang masidhiing pag harian ang buong mundo gaya ni Scepsis ay mga walang pag ka kuntento sa kanilang hawak na kapangyarihan...Walang pag sidlan ang kaligayahan ng dalawa dahil sa nakuha nila ang kanilang nais at yon ay ang makuha ang susi ng tarangkahan ng kalangitan. Muli ay nag plano sila ng pag atake sa kalangitan Tinipon ang lahat ng alagad ni Satanas maging ang alagad ni scepsis na mga itim na anghel ng karimlan.
(Satanas) ang digmaang ito ang mag wawaksi sa sang katauhan at malilipol ang lahat ng mga anghel ng kalangitan. hahahhahaha.
ako si Satanas ang bagong uupo sa trono ng langit.
isang mala halimaw na halak hak ang kanyang pinakawalan
(Scepsis) hahhaha. walang kaalam alam ang mga arkanghel sa ating mga binabalak sadyang mga kaawa awang nilalang.
Kalaunay dumating na ang pinaka aasam asam ni Scepsis ang madugong digmaan sa kalangitan.
Sa lupa namay tila isang bagyo ang paparating May mga pag kulog at pag kidlat na humahati sa kalangitan.
at na mumulang kulay nito habang nag tatalo ang liwanag at dilim. Dumating na ang takdang panahon.
ang bulalas ng isang matanda ang propesiya ay magaganap na ang luntiang kaparangan ay mababalot ng kadiliman at dilig ng dugo mula sa kalangitan.
(Satanas) Buksan ang tarangkahan. mag sisugod kayo mga alagad ng dilim. nag liparan ang mga nilalang na may namumulang balat. na may mahahabang buntot at sungay.
(Scepsis) Sugod. at nag si lusob din ang mga Itim na anghel ng karimlan.
nag sagupaan ang dilim at liwanag....... kumikislap ang bawat pag hampas ng espada ng mga anghel.
laban sa sa mga mahahaba at matutulis na hugis tinidor na hawak ng mga demonyo.
habang nagaganap ang labanan ay lumapit si atanas kung saan ang kinaroroonan ng Propesiya ng mga yumao.
ng makalapit siya isang matandang naka puti ang may hawak ng isang tungkod ang sa kanya ay makikipag tunggali...........itutuloy
YOU ARE READING
KINALIMUTANG BATHALA
FantasyLabanan sa pagitan ng Langit at empyerno. Digmaan ng mga anghel,demonyo at bathala.