KINALIMUTANG BATHALA 12

2 0 0
                                    

KINALIMUTANG BATHALA (Book 2)
12
( REENCARNATION)

Makalipas ang ilang dekada.

Sa kabilang dako naman.

May isang dalaga ang nag bubungkal ng basura.
Madungis ito na tila pinag lumaan na ng panahon.

Dahil sa nag iisa na sya sa buhay pilit lumalaban ng patas ang dalaga. Dahil iyon ang turo sa kanya ng kanyang mga magulang

Ngunit ang tadhana ay kaylupit dahil sa murang edad. Ay nag iisa na ito dahil ang mga magulang nito ay maagang kinuha ng may kapal.

(BALIKTANAW)

Habang nag mamaneho ang ama ng dalaga. Ay masayang masaya silang nag kukuwentuhan.

Kung ano ang plano nila sa kaarawan ni Michaela.

Daddy: Nak ano plano mo sa birthday mo? Gusto moba mag punta ng Ocean park? O kaya naman mag out of town tayo.

Mommy: O..baka mas gusto mo na mag paparty sa bahay? Invite mo yung mga friends mo...

Sunod-sunod na tanong ng mga magulang nito. Sa kanya.

Michaela: Mommy..Daddy.. wala naman po akong ibang gusto.
Ang makasama kopo kayo sa birthday ko sapat na.

Mommy: sus ang sweet naman ng little princess namin.

Michaela: mom...gusto ko na lang po na mag luto po kayo sa birthday ko. Ayoko na po sa luto ni yaya miding.

Mommy: ano ba ang gusto ng baby kong food ipag luluto kita..

Daddy: Sus nag lalambing nanaman ang baby damulag nayan.

Michaela: Daddy naman eh....

""Hahaha..hahaha ...hahaha"""

Nag tawanan at nag kulitan ang buong pamilya.

Hanggang sa may sumulpot na isang motor sa kanilang harapan. Na tila nawalan ng preno.
Agad na nag pagewang-gewang ito bago tuluyang sumalpok sa minamanehong kotse ng pamilya ni Michaela.

Nang maulila ang bata ay kinuha ito ng kaanak ng kanyang tatay. Ngunit na pag malupitan ito. Lalo na ng makuha nito ang lahat ng minanang ari-arian ni Michaela.

______________________________________________________________________________________

Si mula noon ay Pinag pasapasahan ito ng kanyang mga kamag anak. At wala ni isa ang nag nais na ampunin ito.

Tanging lanasangan lang ang naging sandigan at tahanan ng kawawang babae. Na tila pinarurusahan ng tadhana.

______________________________________________________________________________________

Sa kabilang dako naman.

Sa isang iskinita lumitaw ang itim na anghel.

Sapag lalakad-lakad nito namataan nito ang isang babae. Na namamasura agad namanyang na mukhaan ito.

Kalunoslunos ang sinapit ng babaeng pinag damutan ng kapalaran.

Naluha si Octaviuos dahil sa sinapit ng kanyang pinaka mamahal na si Aurora.

Batid nito na ito ang kaparusahan nya sa bawal nilang pag-iibigan.

Kanyang nilapitan ang dalaga.

Octaviuos: binibini..?

Tanong nito sa babaeng taong grasa.

Michaela: magandang hapon sa iyo.. pasensya napo wag po kayo mag alala at aayusin ko po itong basurahan nyo. Pasensya na po kayo nag hahanap lang po ako ng makakain.

KINALIMUTANG BATHALAWhere stories live. Discover now